Kabanata 9

1.1K 45 3
                                    

  Tumulak ng patungong Amerika si Jun na hindi man lang nagawang magpaalam sa akin. Pakiramdam koy isa akong napaglumaang laruan na hindi na niya kakailanganin pa. Halos mamatay ako sa sobrang sama ng loob sa ginawa niyang pagtalikod sa akin. Isa-isang bumabalik sa aking ala-ala ang mga pangakong binitawan namin sa isa't-isa habang pinagmamasdan ko ang litrato namin noong isang beses na dinala ko siya sa siyudad at nilibre ko siya sa panonood ng sine sa isang mall.


"Kahit anong mangyaro tol, hinding-hindi kita iiwan. Makakaasang andito lang ako sa tabi mo laging aalalay sa'yo. Alam kong balang araw maaring magkahiwalay rin tayo dahil sa magkakaroon na ako ng pamilya at alam kong ganoon karin, pero habang hindi pa nangyayari iyon, susulitin ko muna ang mga sandaling ika'y makasama!" Ang naalala kong mga sinabi ni Jun na lubhang nagpaiyak sa akin. Pati na rin iyong tanong sa kanya ng hurado noong sumali siya sa isang male pageant sa school namin na...



"If your life will end right after this contest tonight, to whom will you give your farewell kiss?" At bago niya iyon sinagot, lumapit pa muna siya sa aking kinaroroonan at hinalikan ako. At ng makabalik siya sa ibabaw ng stage ay sinagot na niya ng deritso ang tanong ng.....


"I know, everybody were expecting that my answer will be my parents, but eventually they aren't here. And it is very imposible for me to go home just to give them my farewell kiss if i gonna die right after this pageant.I chose my bestfriend to be my last kiss not just because in the absence of my parents and left no choice but i want you to know that a person like him is more than a friend to me- he is family already. Just like my brother and sister that i love the most. And if given a chance to be born again, well i will still chose to be his bestfriend, cause i believe that to have a true friend is already a treasure with a value beyond mesasure....thank you!!!" Nasaan na ang sagot niyang iyon? Hanggang sa dulo lang ba iyon ng kanyang dila?


Hinalikan ko ang singsing sa aking daliri na bigay niya sa akin noon. Nasa ganoon akong ayos ng biglang kumatok si Melvin sa pinto ng kwarto ko. Sinabi ko sa kanya na itulak niya lang dahil hindi naman iyon naka-lock.


"Umiiyak ka na naman ba?" Bungad niya sa akin. Agad ko din namang pinahid ang aking mga luha upang e-deny iyon sa kanya pero nahuli na niya ako.


Tinulungan naman niya akong pahirin ang mga luhang patuloy na umaagos mula sa aking mga mata gamit ang kanyang mga palad. Pagkatapos, tumabi siya sa akin ng upo. "Gusto mo bang lumabas?" Ang sabi niya sa akin.
Umiling ako. Bumuntong-hininga siya.


"Paano mo siya makakalimutan kong lagi ka na lamang nagkukulong dito sa kwarto mo?"


"Inaamin kong nasaktan ako sa ginawa niya sa akin tol, pero ni hindi sumagi sa isip ko na siya'y kalimutan. Siya parin ang bestfriend ko. Wala ng iba!"



"Sa tingin mo ba hindi ka na niya kinalimutan? Oo nga magbestfriend kayo, pero sa ginawa niya ngayon, masasabi mo bang bestfriend parin ang turing niya sa'yo. Ilang ulit ko na bang sinasabi sa iyo tol, na kung talagang bestfriend ka niya hindi niya magagawang talikuran ka, na kaya niyang tanggapin kahit ano ka pa. Kung tutuusin, hindi naman ganoon kalaki ang nagawa mong pagkakamali e, kung ang Diyos nga nagawang magpatawad siya pa kaya na pareho lang din natin na nagkakasala. At ako ano ba ako sa'yo diba kaibigan mo rin naman ako sana isipin mo rin ako tol, sana ituring mo rin akong bestfriend mo, hindi sa nakikipagkompetensiya ako kay Jun sa buhay mo pero mas nauna akong dumating sa buhay mo kaysa kanya. Magkababata tayo, kinakapatid pa, kaya masakit din para sa akin ang makita kang halos mamatay na dahil sa pagkawala niya gayong nandito pa naman ako. Hahayaan mo na lang ba na habang nagpapakasaya siya sa mga oras na ito ikaw naman ay nalulugmok sa kalungkutan? Its unfair, kailangan mo ring maging masaya. Isipin mong maraming nagmamahal sa'yo, mga magulang mo at ako!"

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon