Dumating ang araw ng pasukan. Walang mapagsidlan ang aking labis na tuwa ng malaman kong magkaklase pala kami ni Jun at maging ganoon rin siya. Hindi nga lang kami magkatabi ng upuan dahil alphabetical order ang seating arrangement namin. Nasa unahan malapit sa pisara ang upuan niya dahil ang apelyido niya ay Benedicto at ako naman ay nasa pinakahuli dahil sa Villamor ang apelyido ko. Ayos na rin iyon sa akin, hindi nga kami magkatabi pero malaya ko naman siyang napagmamasdan sa harapan. At isa pa magkaklase kami kaya araw-araw ko na siyang makakasama.
Sa recess ay magksabay kami ni Jun na kumain sa kantina ng paaralan at ganoon din tuwing lunch. At dahil nga sa transferee siya, sa akin siya lumalapit at nagtatanong kung meron siyang hindi gaanong naiintindihan sa mga lessons namin. Siyempre, to the rescue naman ako at tutor lang ang peg ng lola nyo. Hindi naman sa pagmamayabang, ako palagi ang nangunguna sa aming klase at kung ma-maintain ko iyon di malayong mangyari na ako ang magiging class valedictorian namin.
Naihalal ako bilang class president ng aming klase si Jun namay bagamat baguhan ang siyang naging Prince Charming namin, hindi rin naman kasi maikakaila ang angking kagwapohan niya. Alam kong maraming nagka-crush sa kanya hindi lang ang mga kaklase namin kundi pati narin ang ibang mga babae at bakla sa ibang section.
Isa si Jun sa napili ng buong fourth-year department na kumatawan sa aming departamento para sa nalalapit na Mr. Campus na ginaganap sa huling araw ng aming intramural. Bukod sa kanya, si Melvin ang isa sa pang napili na kumatawan sa amin. Ako nga sana ang pangalawang choice nila. Dahil gwapo din naman ako, kaso lang hindi ako pumayag. Hindi ko kasi feel ang sumali sa ganoong kompetisyon. Salihan ko na lahat, huwag lang ang ganoong patimpalak.
Gabi ng pageant. Hindi mahulugang karayom ang loob ng gymnasium ng school namin dahil sa dami ng taong nandoon. Karamihan ay mga mag-aaral hawak-hawak ang banner na nakasulat ang pangalan ng kanilang sinusuportahan.
Isa isa ng rumampa ang mga kalahok suot ang kanilang national costume. Hiyawan ang lahat dahil sa mga kakaiba nitong suot na daig pa ang national costume ng MR. International. May nagsuot na parang isang ibon. May parang mangangaso. May parang isang nanggaling pa sa angkan ng Tribung Ingka ng Peru. May isa rin na para bang kinatay na lahat ng manok sa kanilang baranggay para gawing pantakip ng katawan. At ang agaw eksina sa lahat ay si Jun na tanging bahag lang ang naging saplot sa katawan, naka-headband ito na yari sa isang ethnic na tela at may hawak na malaking itak. Lapu-Lapu ang dating niya. Ang kisig-kisig niya ha. Para talaga siyang isang warrior noong unang panahon. Maraming nagsigawan at nagtilian na sinabayan pa ng pagsipol ng ibang kalalakihang nandoon. Ako namay napaawang ang bibig. Hindi ko inaasahan na ang tahimik na Jun na bestfiend ko ay sandaling nakwala sa kanyang hawla. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. Kulang na lang pagsisigawan ko ang mga baklang nandoon ng, " Hoy, mga ateng kung makapagpantasya kayo sa Jun ko, ay parang lalamunin na ninyo ng buo!" Siyempre sa isip ko lang iyon.
At pagkatapos niyon ang pagpapakilala nila sa kanilang sarili. Panghuli sa walong contestant si Jun kaya parang finale sa isang underwear fashion show na talagang inaabangan ang pagrampa niya sa entablado.
"Ladies and Gentlemen good evening..."panimula ni Jun, tahimik ang lahat na para bang may isang anghel na dumaan. "...Jun Paulo Benedicto, 16 years old, Proud to represent, Seniors' Department!!"" Sabay kindat at nagpakawala ng isang napakatamis at nakakalokong ngiti, dahilan upang magwala sa sobrang kilig ang lahat ng mga babae at baklang nasa loob bg gym. "Grabe gwapo mo idol, i love you na!",Pabirong hirit ng mga lalaki kong kaklase sabay humagalpak ng tawa.Nakitawa na rin ako. At proud na proud ako sa aking kaibigan.
Swimwear competetion. Lalong naging wild ang buong gym dahil sa katakam-takam na mga nilalang na isa-isang rumampa sa entablado na tanging brief lamang ang naging saplot sa katawan. Hindi magkamayaw ang lahat mapa babae man o lalaki at lalong lalo na ang mga bakla na para bang sinaniban ng masamang ispirito ng masilayan ang nagagandahang katawan ng mga kalahok at ang malalaking bukol nito sa harapan. Hindi ko napigilan ang sarili na mag-init. Grabe para akong nanonood lang ng live sa isang Bench underwear fashion show. Sino bang hindi mag-iinit sa ganoong tanawin.
BINABASA MO ANG
Love Letter
RomanceNoong nagbibinata ako, alam kong naiiba ako sa mga kabataang lalaking katulad ko na lingid sa kaalaman ng aking mga magulang Pero hindi diyan iinog ang kwento ko kundi sa lihim kong pag-ibig para sa isa kong matalik na kaibigan. Si Jun. Ngunit ang p...