Kabanata 5

1.2K 53 1
                                    

  Nang imulat ko ang aking mga mata, ang imahe ni Jun ang kagad na bumungad sa akin. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala at galit. "Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya na disoriented pa sa nangyari. Ramdam ko ang paghapdi ng aking bunbunan.

" Nasa ospital ka tol.Mabuti na lang naabutan kita kanina kundi pinaglalamayan ka na ngayon!" May himig paninisi ang kanyang boses. Saka ko lang din naalala ang lahat ng nangyari. Hinarang nga pala kami ng isang grupo ng mga kabataang lalaki. Napaaway kami. At ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng ulirat ay sasaksakin na sana ako ng aking nakalaban ng isang basag na bote. Hindi ako umimik. Taimtim akong nanalangin sa Diyos, nagpasalamat sa pagkakaligtas niya sa akin. Inakala ko talagang katapusan ko na iyon. Kinapa ko ang aking katawan wala naman akong nararamdamang sakit na dulot ng pagkakasaksak maliban na lamang sa humahapdi kong bunbunan. Sa natatandaan ko, aambaan na sana ako ng saksak ng lokong iyon. Tinignan ko muli si Jun. May bahid ng pagtatanong.

Ang sabi niya sa akin matapos niyang ihatid si Angela sa kanilang bahay na nagkataong nasa baranggay lang din iyon na kung saan ginanap ang paliga ay naisip niyang sumilip na muna sa gym upang malaman kong andoon pa kami, ngunit hindi na niya kami naratnan pa doon. Ang ginawa niya ay nagtungo na lamang sa sakayan ng traysikel at ng makauwi na. Habang binabagtas niya ang may kadiliman na eskinita, doon nakita niya pala ang grupo namin na pinagtutulungan ng gulpihin ng mga nakalaban namin. Agad siyang lumapit sa pinangyarihan at doon nakita niya na muntik na akong saksakin ng nakalaban ko. Agad niya itong tinadyakan at nabitiwan nito ang hawak na basag na bote. Bago pa man nakapormang muli ang kalaban ay pinaulanan na niya ito ng suntok sa mukha at dinagukan ng napakalakas sa sikmura. Hindi na ito nakaganti pa. At siya ring pagdating ng tanod at nagsitakbuhan na ang mga loko-loko.

Napaiyak naman ako sa nalaman. Kung nagkataong hindi nagawi doon si Jun ay marahil pinaglalamayan na ako ngayon. Talagang pinangangatawanan niya ang sinabi niya sa akin noon na kahit anuman ang mangyari hindi niya ako pababayaan. Kahit darating ang panahon na may kanya-kanya na kaming buhay na tatahakin at kahit may kanya-kanya na kaming taong pagbubuhusan ng panahon, hindi niya parin ako tatalikuran. Naalala ko pa noong muntikan na akong malunod doon sa lawa ay halos liparin na niya ako upang saklolohan ngunit laking galit niya ng mapag-alamang kadramahan ko lang pala iyon. At ang sabi pa niya ay hindi ko na uulitin ang magbiro ng ganoon dahil kung sakaling magkakatotoo iyon hinding-hindi daw niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may mangyaring masama sa akin. May isang beses na naaksidente ako sa aking bike noong nagbibisikleta kami sa tabi ng lawa. Nasugatan ako noon sa tuhod at tumagas ang masaganang dugo, ang ginawa ay binuhat niya ako pauwi sa aming bahay upang gamutin . May isang kilometro rin ang layo ng bahay namin sa lawa pero hindi ko nararamdaman na napagod siya sa pagbuhat sa akin. Gustong kong ibaba niya ako noon dahil kaya ko pa namang maglakad. Pero nagpupumilit siya. Bakit pa daw ako maglakad e, nandoon naman daw siya para buhatin ako. Ang sweet talaga. Kakakilig. Mistula kaming magsing-irog sa ayos naming iyon. Hindi ko tuloy lubos maisip ang buhay ko kung wala siya. Parang gusto ko ng ipagtapat sa kanya ang matagal ko ng lihim na pagmamahal sa kanya, tutal hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang tuny kung pagkatao. Alam na niya kung ano talaga ako. Pero hindi ko parin kayang gawin iyon dahil naroon parin iyong takot na baka magbago ang tingin niya sa akin na bagamat alam na niyang alanganin ako ayaw kong isipin niya na nagte-take-advantage ako sa pagkakaibigan namin. Ayaw kong ipagpalit ang respito niya sa akin sa diyaskeng nararamdaman kong ito. Dapat makuntento na ako sa kung anong meron kami..Malaya pa naman naming gawin ang mga nakasanayan namin bilang magbestfriend. Masaya parin naman kaming magkasama at nagtutulungan sa isat isa. At isa pa, nandoon na si Angela sa buhay niya. Ayoko namang maging kontrabida sa lovestory nila kahit pa ako naman ang totoong bida sa kwentong ito.

"Patawad tol, kung nakinig lang sana ako sa sinabi mo, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat!" Humahagulhol na ako na parang bata.

"Hindi mo kasalanan tol, huwag mo sisihin ang sarili mo. Dapat pa nga ako ang masisisi e, kung sumama na lang sana ako sa iyo, andoon sana ako para maipagtanggol ka. Hindi ko tuloy natupad ang promis ko sa iyo na ako ang magiging tagapagtanggol mo!" Ang tugon naman niya. May ilang butil na ring luha na bumagsak mula sa kanyang mga mata.

"Hindi mo ako responsibilidad tol, kung may tao mang kargo mo, si Angela iyon dahil kasintahan mo siya!"

"Pero kaibigan kita.Hindi ko pwedeng isasantabi na lamang iyon!"

" Alam ko pero diba dapat siya ang mas pagtutuuanan mo ng pansin dahil siya ang may mas karapatan sa iyo. Oo magbestfriend nga tayo, pero hindi sa lahat ng panahon kailangan mo iyong paninindigan dahil may mga taong higit na nangangailangan sa iyo. Halimbawa na lamang kung mag-aasawa ka na, magkakaroon ng mga anak. Hindi mo naman pwedeng ako lagi ang iisipin at uunahin mo dahil may pamilya ka na at mga anak. Maging sa sarili ko ay ganoon din. Hindi ko pwedeng iasa sa iyo ang lahat. Kailangan kong tumayo sa sarili kong paa at haraping ang buhay kasama ng taong makakasama ko sa hinaharap kung meron man. Alam kong sa kagaya ko mahirap makatagpo ng taong magmamahal sa akin pero sapat na sa akin na andyan ka na matatakbuhan ko sa panahon kailangan kung may masasandalan. Pero may limitasyon iyon. Sapat na dapat ang mga naihabi nating magagandang alaala ng ating pagkakaibigan na paulit-ulit nating babalikan sa ating gunita kung tayoy matanda na.

Doon na bumuhos ang aking luha na animoy isang munting talon. Marahil para sa kanya normal lang ang pag-iyak kong iyon. Ngunit para sa akin ang luhang iyon ay tanda ng aking lubusang pagtanggap na hindi nga para kami sa isa't-isa. Na lubusan ko ng pinalaya ang pag-ibig ko sa kanya at tanging pagtatangi bilang magkaibigan ang naiwan sa aking dibdib. Tanggap ko ng lubusan na hindi ako ang taong para sa kanya. Pinagtagpo kami ng tadhana bilang magkaibigan hindi bilang magkatipan. Masakit, napakasakit. Pero nakakagaan din pala ng loob ang tuluyang pagtanggap sa mga bagay na hindi naman laan para sa iyo. Isinumpa ko sa sandaling iyon, matapos kong iiyak ang lahat. Hindi na ako maghahangad pa ng higit pa sa kaibigang pagtatangi ko kay Jun. Kung meron mang mananatili ay iyon iyong pagkakaibigan namin.

Bumukas ang pinto. Pumasok si Inay at si Melvin na may bindahe sa noo. Nagka-blackeye din ito. Medyo natawa ako sa kanyang itsura pero sinarili ko na lamang iyon. Niyakap ako ni Inay, umiiyak. Aniya nasasaktan daw siya sa sinapit ko. Sila nga na mga magulang ko, ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay, ni ayaw nga nilang makagat ako ng lamok, tapos ngayon muntik na akong mapahamak dahil sa kagagawan ng ibang tao.

Tatlong araw din ang inilagi ko sa ospital. Si inay ang nagbabantay sa akin sa araw at si Jun naman at Melvin tuwing gabi. Dahil sa ulo ang tama ko, pina CT scan ako, maayos naman ang resulta at ang sabi ng duktor pwede na daw akong lumabas. May mga gamot lang na kailangang bilhin para sa aking sugat at sa kirot.

Napag-alaman kong naipa-blotter pala ang nangyari sa amin. Dahil isang hepe ng pulis sa aming bayan si Itay madaling nahuli ang mga nang-away sa amin. Pinagharap-harap kami sa presinto. At dahil sa menor de edad pa sila pinapirma na lamang sila ng isang agreement na hindi na nila uulitin sa amin o sa iba pa ang kanilang ginawa. Tumango naman sila at nangakong hindi na nila kami gagambalain. Humingi pa sila sa aming ng sorry at nakipag-kamay. Sinunod naman nila ang aming napagkasunduan. Dahil noong muli kaming bumalik doon para sa paliga naramdaman kong bumahag na ang buntot nila sa amin. Ikaw ba naman ang may tatay na isang Hepe ng mga pulis. May mga tanod na rin at iilang pulis ang nagro-roving sa labas ng gym kaya kampante kaming hindi na mauulit ang mga nangyari sa amin. Sumasabay na rin si Jun sa bawat laban namin pero hanggang sa bleacher na lamang siya kasama si Angela na nagchi-cheer sa amin. Hindi na kasi pinahihintulutan pa ng komite na magdagdag pa ng bagong player.

Kahit hindi nakasama si Jun sa aming line-up, kami parin naman ang naging kampeon sa finals. Tumataginting na walong libo ang napanalunan namin . Hinati namin sa walo, dahil walo kaming player..May tig-one thousand kami. At kinabukasan dinala ko si Jun sa pinakasiyudad namin upang ilibre siya. Nanood kami ng sine at pagkatapos kumain kami sa isang fastfood. Hindi naman magkamayaw sa tuwa si Jun dahil iyon ang unang beses na namasyal kami sa siyudad, sabay na nanood ng sine at kumain. Matapos kumain, nagpagala-gala pa kami sa loob ng mall at bumili na rin ako ng regalo ko sa kanya dahil magpapasko na. Isang necklace na may letter B as in "BENJIE" ang regalo ko sa kanya para kahit magkahiwalay man kami ay lagi niya akong maalaala habang suot niya ang necklace na iyon. Hindi naman iyon mamahalin na necklace pero nakita ko sa mukha niya ang sobrang saya ng tanggapin niya iyon. Nakita ko pa ang mumunting luha na nangilid sa kanyang mga mata sa oras na iyon. Niyakap naman niya ako bilang pasasalmat. Wala na siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Yumakap din ako, at tulad niya wala na din akong pakialam pa sa kanila. May iba na tinaasan kami ng kilay, may iba namang deadma lang at may iba din kinikilig lalo na ang mga bakla. Ikaw ba naman ang makakakita ng dalawang gwapong nagyayakapan tignan lang natin kong hindi ka maglulupasay sa kilig at inggit.

Nagbowling pa kami at nagpapicture saka ipina-develop iyon. Ang kuhang magkaakbay kami ang siyang pina-print namin na pang-wallet size. May tig-iisa kaming kopya noon. Iyon na yata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay naming magkaibigan na hindi ko malilimutan, para sa akin date na kasi iyong maituturing na napakatagal ko ng pinangarap at sa wakas natupad na din.

Matapos ang Christmas vacation, balik ulit kami sa dati naming nakagawian ni Jun sa school na magkasabay na kumain sa recess at lunchbreak.At may nadagdag pa na isa, si Angela na mas lalong naging masaya ang samahan namin. Tanggap ko na kasi ang lahat. Kung dati ay nagseselos ako kapag nakikita ko silang magkasama, ngayon natutuwa na ako para sa kanila. Hindi na ako nasasaktan sa lumalalim nilang pagtitinginan sa isa't-isa. Isa pa andiyan rin naman si Melvin na bagamat hindi ko parin siya mahagilap sa puso ko masaya naman ako na maging kaibigan niya at maging siya ay ganoon din sa akin.

Lunchbreak iyon isang araw. Sinipat ko ang pambisig kong orasan, may oras pa, kaya ang ginawa ko pumunta ako sa science garden upang mag-review ng aking mga notes, may mahaba kasi kaming pagsusulit sa unang asignatura namin sa hapon. Nang buksan ko ang aking bag, para kunin ang notebook ay may nakita ako sa loob niyon na isang sobre at ang bango pa ha. Nagtaka naman ako kung paano napasok iyon sa loob ng bag ko. Hindi naman iyon galing kay Inay o Itay. Walang nakasulat sa labas ng sobre kaya binuksan ko iyon at binasa ang nilalaman.

Benjie,

Hindi ko alam kung paano simulan ang sulat kong ito. Hindi naman talaga ako mahilig sa ganito e, isa pa alam kong hindi na ito uso sa panahon natin ngayon, pero ito lang naman ang alam kong paraan para masabi ko sa iyo ang tunay kong nararamdaman. Alam mo bang unang beses pa lang kitang nakita ay nagkagusto na agad ako sa iyo. Mahirap mang paniwalaan pero iyon ang totoo. Mahal kita sobra. Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti at pagluha. Ikaw ang inspirasyon ko sa buhay.

Nagmamahal,

Secret Admirer,

Nagulat naman ako sa aking nabasa. Love letter iyon para sa akin. Parang kalokohan. Hindi ko malaman ang aking nararamdaman. Kung ako bay matutuwa o matatawa. Uso pa ba iyan ngayon? May facebook naman at celphone. Love letter pa talaga? Kanino galing?

Tumayo ako sa aking kinauupan at hinanap si Melvin. Nakita ko siyang nakipaglaro ng chess sa isa naming kaklaseng lalaki sa ilalim ng puno. Tinawag ko siya. Agad din naman siyang lumapit sa akin. Pinakita ko sa kanya ang sulat. Binasa niya. Pagkatapos humagalpak ng tawa.

"Wow, may kaagaaw na pala ako sayo ha. At may pa loveletter pang nalalaman hmm!"

"Ibig sabihin hindi sa iyo ito galing?"

"Para ano pa kung gagawa ako niyan e, nasabi ko naman sayo ang pagtatangi ko sa iyo. Tsaka pag ako nanligaw personalan hindi iyong gagawa ng kung anu-anong kadramahan!"

Hindi na lang ako sumagot pa. Tama naman siya, nasabi na niya na may gusto siya sa akin kaya anong saysay pa kung gagawa siya ng lovetter. Itinago ko na lamang ang sulat. Naisip ko na lamang na baka pinagti-tripan lang ako ng mga walang magawa kong kaklase.

Nasundan pa ng maraming beses ang pagpapadala sa akin ng love letter mula sa nagpakilalang secret admirer. Halos mapiga na ang utak ko sa kaiisip kung sino ba talaga iyon. Alam kong marami rin namang ang may gusto sa akin sa aming campus pero nahihirapan akong tukuyin sa kanila kung sino ang nagpapadala niyon. Talagang napakilinis ng trabaho niya. Alam niya kung anong oras at pasok ko sa silid namin. Hanggang sa nagsawa na rin ako sa kamamanman at pinabayaan ko na lang na bahain ako ng mga love letter na hindi ko na man binabasa.Feeling ko tuloy isa akong sikat na teenstar na dinadagsa ng maraming sulat mula sa mga fans na dahil sa sobrang busy sa schedule diko na magawang basahin pa ang mga iyon.

May love letter na naman akong natanggap, galing na naman sa umanoy secret admirer ko. Kahit hindi na ako nagka-interes pa roon ay binuksan ko parin ito at binasa.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon