Kabanata 4

1.4K 52 1
                                    

  "Benjie! Benjie!" Nagising ako sa matinis na sigaw ni Nanay kinaumagahan. "Bakit po ba?" Ang sagot ko habang nakatalukbong pa sa ilalim ng kumot.

"Anong ano ba? Itong batang to oh, ayaw mo bang pumasok? Tanghali na oh!" Ang sigaw uli niya sabay hawi sa kumot sa aking katawan.Bumalikwas naman ako sabay sipat ng orasan sa dingding. Mag-aalas siyete na pala ng umaga. Agad kung iniligpit ang higaan saka bumaba para mag-almusal. Ito ang unang beses kong tinanghali ng gising. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Sa kuwarto ko nga pala natulog si Jun dahil hindi ko na siya pinauwi sa kanila gawa ng nalasing kami pareho sa aming mumunting kasiyahan sa may burol sa gilid ng lawa. At biglang sumagi sa isipan ko ang napanaginipan ko kagabi, ang mainit naming laplapan ni Jun sa ibabaw ng aking kama. Parang totoo ang lahat. Ramdam ko pa ang maiinit niyang labi na dumadampi sa virgin ko pang mga labi. Siya ang first kiss ko, sa panaginip nga lang. Napapangiti ako habang nakatingala sa kisame.

"Anak ayos ka lang ba? Wala ka bang sakit?" Ang pagsulpot ni Nanay sa aking harapan.Idinampi pa talaga niya ang isang palad niya sa aking noo para siguruhing wala akong lagnat. Nagulat ako ng hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya. Para tuloy siyang isang maligno na bigla na lamang sumulpot sa kadiliman ng gabi at kabilugan pa talaga ng buwan.

"Wala na man ho, bakit po ba?"

"Kanina pa kasi kitang nakikitang napapangiti habang nakatingala sa kisame e, ano bang meron diyan?"

"Wala Nay, may naalala lang akong nakakatawa!"

"Talaga anak? Hindi ka ba nababaliw o may kinakaibigan na engkanto?"

Natawa na lang ako sa pagka- OA ni Inay. Hindi ko na siya pinatulan pa. Itinuon ko na lang ang sarili sa pagsubo ng pagkain.

Paalis na ako ng bahay ng mabasa ko ang text ni Jun."Sorry Tol kung umalis ako ng walang paalam tulog kapa kasi kaya hindi na kita ginising pa. Salamat nga pala sa pagpapatulog mo sa akin sa kwarto mo. Kitakits na lang sa school!" Napangiti naman ako matapos mabasa ang text niyang iyon.

Pagdating ko sa eskwelahan ay agad akong sinalubong ni Jun. Pinapaalala niya sa akin ang tungkol sa loveletter. Akala ko nalimutan na niya iyon dahil lasing naman siya noong iminungkahi ko sa kanya ang paggawa nito para mapaabot ang nararamdaman niya kay Angela.

"Akala ko ba nababaduyan ka doon!"

"Oo pero diba sabi mo ikaw ang gagawa noon para sa akin. Please tol, tulungan mo ako at baka maungusan pa ako ni JC!" Si JC ay kaklase namin na patay na patay kay Angela.

"Sige tol mamayang gabi, gagawa ako!" Ang sabi ko na lang at dumiretso na ako sa loob ng silid namin. Parang nawala ang excitement ko sa araw na iyon na makita siya. Tama nga talaga ang kutob ko, si Angela ang tinutukoy niyang mahal na mahal niya. Ang swerte naman ng girlash na iyon, wala man lang ka- effort-effort na mabingwit si Jun ko. Kung nagkataon na hindi lang mabait ang babaeng iyon matagal ko na iyong pinakulam sa matandang kapitbahay namin.

Kinagabihan nagsimula na akong gumawa ng loveletter na ipinangako ko kay Jun. Natanong ko sa aking sarili kung bakit nagpapakahirap akong gawin iyon e hindi naman ako ang makikinabang, pati tuloy ang panonood ko sa paborito kong teleserye ay isinantabi ko para lamang sa isang lintek na loveletter na iyan. Pero inisip ko na lang na mahal ko si Jun,lahat gagawin ko, makita ko lamang na maligaya siya. Ganyang na man talaga kapag nagmahal ka ng tunay, minsan nalilimutan mo na ang iyong sariling kaligayahan makita mo lamang na masaya ang taong pinaghandugan mo nito. Sa pag-ibig kasi ang dapat mong naiisip ay tungkol sa kung ano at pwede mong maibigay hindi sa kung ano ang iyong mapapala.

Sa wakas natapos ko rin ang loveletter na ginawa ko. Pero siyempre hindi sa akin nanggaling ang mga mabulaklak na mga salitang ginamit ko sa sulat. Kundi kinopya ko lang ang mga iyon sa internet gamit ang aking tablet. Pagpapatiwakal ng maituturing ang gawan ko ng loveletter ang taong mahal ko para sa taong mahal niya. Kaya tama na iyon. Hindi ko na maatim na pati ang kaluluwa ko ay sunugin sa impyerno. Kung gagawa ako ng sulat na galing mismo sa bibig ko ang mga nilalaman noon, ay naku, mas gaga pa ako kay Lady Gaga!.Kaya tama na. Ayoko na

Abot langit ang ngiti ng hinayupak na si Jun nang basahin niya ang ginawa kong sulat."Wow ang ganda ng pagkakagawa mo tol, hanep!" Sigaw niya matapos basahin ang sulat at tinapik-tapik pa talaga ako sa balikat. "Paano hindi gaganda iyan, kinopya ko lang kaya iyan sa internet!" Sabi ko sa sarili. "Good job Tol!"

Akala ko iyon na ang una at huling beses na gagawa ako ng sulat para sa kanya, pero nagkamali ako, dahil nagsisimula pa lang pala kami. Nasundan pa iyon hindi lang dalawa o tatlo kundi maraming beses. Latang-latang na ang puso ko sa sobrang sakit na nadarama. Sa bawat habi ko ng magagandang salita para lang makulimbat ang puso ng pakipot na Angela na iyon, ay mistula naman iyong libo-libong palaso na tumatama sa aking puso. Ganito ba talaga ang magmahal, kahit nahihirapan ka na ay sige parin basta ba sa ikaliligaya ng taong minahal mo. Minsan naiisip ko rin na pag-ibig pa ba ang tawag dito o katangahan na. Alam ko naman na ang kapalit ng mga ito e, walang iba kundi ang paghihirap ng aking kalooban. Dahil alam ko bukas makalawa laman na ng mga usap-usapan sa buong campus na magboyfriend na ang dalawa.

At hindi nga ako nagkamali, isang araw, pumutok na nga ang balita na mag-syota na si Jun at Angela. Nalaman ko iyon mula sa isang bakla naming kaklase na malapit na kaibigan ni Angela. Saksi daw ito sa nakakakilig na moment ng dalawa. May bouquet of roses pa raw na iniabot si Jun kay Angela matapos makamit ang matamis niyang OO. Umiiyak ako noon ng sobra. Ganito pala kasakit sa pakiramdam na ang taong pinakamamahal mo ay pag-aari na ng iba. Na hanggang sa pangarap mo na lang siya pwede mahalin at ariin. Gusto kong maglupasay sa sobrang sakit sa mga sandaling iyon. Gusto kong umiwas sa kanila para kahit papaano maibasan ng kunti ang sakit kong nadarama, pero hindi ko alam kung papaano. Magkaklase kaming tatlo. Kaya makikita ko sila sa araw-araw. Kung lilipat na man ako ng paaralan, alam kong hindi rin ako papayagan ng aking mga magulang dahil kalagitnaan na ng schoolyear. At ano ang idadahilan ko sa kanila? Na gusto ko lang? Alam kong hindi sila maniniwala na gusto ko lang, katakot-takot na mga katanugan ang ibabato ng mga iyon sa akin lalo na si Itay. At baka makalimot pa ako at masabi ko sa kanila ang totoo. Kaya imbes na mag-inarte ako, tiniis ko na lang. Tutal isa rin naman ako sa mga salarin kung bakit ako nahihirapan ng ganoon. Kung hindi sana ako nagmungkahi na gagawa ng putchang love letter na iyon e di sana hindi na ako nahirapan pa.

Recess iyon isang umaga. Imbes na sa kantina ang punta ay dumiretso ako sa Science garden ng aming paaralan. Sinadya ko talagang gawin iyon para makaiwas muna sa isang napakasakit na tanawin, si Jun at Angela na magkasama. Umupo ako sa isang sementong upuan sa ilalim ng puno ng mahogany. Nakaheadset ako at pinakikinggan ang kantang "Ikaw" ni Faith Cuneta mula sa aking celphone. Magmula kasi noong kantahin iyon ni Jun sa tabi ng lawa ay hindi ko na nalimutan iyon. Hindi ako naririnding pakinggan iyon ng paulit-ulit. Ako iyong taong hindi masyadong fanatic sa mga OPM na kanta. Pero ang kantang iyon ay may kakaibang hagod sa aking kaluluwa. Dama ko kasi ang bawat lyrics noon. Pakiramdam ko sinadyang gawin ang kantang iyon para sa akin . Ang bawat titik ng kantang iyon ay tumatama sa aking nararamdaman para sa kaibigan ko; na lihim kong minamahal.

Nasa kasagsagan ako ng aking pag-eemote ng biglang sumulpot sa aking harapan si Melvin. May dala siyang softdrinks na nakalagay sa plastic at isang pirasong chees cake. Iniabot niya iyon sa akin saka umupo sa tabi ko.

"Nag-iisa ka yata?" Ang sabi niya sa akin sabay tanggal sa headset ko sa tenga. Alam niya kasing hindi ko siya naririnig.

"Gusto ko lang!" Ang malabnaw kong tugon sabay kagat sa ibinigay niyang cheese cake.

" Ows maniwala ako!"

"Problema mo na yon kung ayaw mong maniwala!"

"Si Jun ba ang dahilan?" Nabilaukan naman ako sa sinabi niyang iyon. Kamag-anak yata ni Madam Auring itong si Melvin dahil nahuhulaan niya ang nasa isip ko. Pero siyempre deny to death ako. Walang ibang dapat makakaalam sa sekreto kung iyon kundi, me, myself and I lamang.

"Kung maka-deny to oh,wagas. Alam ko naman tol na may gusto ka kay Jun e, marahil maiilihim mo iyon sa iba pero sa akin hindi. Obvious na obvious e. Alam kong siya rin ang dahilan ng pag-iyak mo, doon sa kakahuyan noong nakaraang linggo!" Paniniyak ni Melvin na siya kong kinainis. "May lahi nga siguro itong manghuhula!" Sa loob ko. Tama nga naman ang lahat ng sinabi niya. Si Jun ang dahilan ng paghihirap ng kalooban ko ngayon. Pero wala talaga akong balak na mag-open-up sa kanya. Lalo na sa aking pagkatao.

"Nakasinghot ka ba ng rugby, o kaya'y nakabato?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Tol, matino ang pag-iisip ko, kaya narito ako ngayon ay para may makausap ka, may mapahingahan ng loob. Alam kong masyado ng naghihirap ang kalooban mo. Magkaibigan din naman tayo diba? Concern lang ako sayo!"

Tumayo ako. Hinarap siya."At bakit ba si Jun ang lagi mong iginigiit na siyang dahilan ng paghihirap ng kalooban ko ngayon ha?" Sigaw ko. " Nababaklaan ka ba sa akin?"

Bumuntong- hininga siya. "Patawarin mo ako tol, pero sa tingin ko,Oo. Nag-self denial ka lang!"

Pakiramdam ko, umakyat bigla ang lahat ng dugo ko sa ulo. Nainsulto ako ng husto kaya nagawa kong hawakan ang kwelyo ng uniporme niya at hinila iyon paitaas. "Anong alam mo sa akin? Anong karapatan mong husgahan ako?" Bulyaw ko pa sa kanya.

"Tol, mapupunit ang damit ko!" Ang sabi niya na sinusubukang alisin ang isa kong kamay na nakahawak sa kanyag damit. "Sorry!" Binitawan ko din naman siya agad.

"Patawad tol!" Ang sabi niya ulit at inaayos na niya ang kanyang uniporme. Hindi na ako kumibo. Naupo muli ako sa sementong upuan at ewan ko ba, bigla na lamang tumulo ang aking mga luha. Dala na marahil sa bigat ng aking nararamdaman. Ang katotohanan na ako'y isang alanganin na siyang pinakadahilan ng aking paghihirap ngayon. Kung hindi lang sana ako naging ganito at ipinanganak lang sana ako na kagaya ng ibang normal na lalaki, hindi sana ako makaramdam ng pagmamahal kay Jun at wala sana akong problemang kinakaharap ngayon. Sobrang hirap. Iyong pakiramdam na nakasakay ka sa isang maliit na bangka sa gitna ng laot na wala kang mahagilap na isang isla na iyong madadaungan. Hopless. Parang gusto mo na lamang na mamatay bigla para hindi mo na mararamdaman ang sakit kung sakali mang lapain ka ng mga pating.

Inakbayan ako ni Melvin. Hinimas niya ang likod ko. Ramdam kong gusto niya akong patahanin. Nagi-guilty marahil siya sa sinabi niya sa akin. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit sa kanya. Dahil tama nga naman ang sinabi niya. Isa akong alanganin. At hindi ko na iyon maitatanggi pa. Nasukol na niya ako e, magde-deny pa ba ako?

"Tama ka tol. Si Jun ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Mahal ko siya, mahal na mahal. Alam ko naman na walang patutunguhan ang pagmamahal na ito e, dahil lalaki kaming pareho. Ilang beses ko ring sinupil ang damdaming ito pero talagang hindi ko napagtagumpayan. Habang pinipigil ko ay mas lalo lamang titindi ang pagnanais ng puso ko na ibigin siya. Hindi ko naman hinangad na isilang akong ganito ang pagkatao. Sino ba ang nangarap na ganito; na maging alanganin. Kung may gamot lang sana sa ganitong karamdaman, siguro magaling na ako ngayon dahil talagang lalaklakin ko ang gamot na iyon para lang maiayon ang pakiramdam ko sa kung ano ang pagkakalikha sa akin Diyos. Kayhirap ng kalagayan ko tol. Umiibig ako sa taong alam kong kailanman hindi ko pwedeng ariin!" Agad naman akong niyakap ni Melvin. Damang-dama ko ang kanyang pag-unawa. Wala ni isa mang pangungutya at panghuhusga akong nakikita sa kanyang mga mata. At doo'y nakahanap ako ng isang kakamping masasandalan sa katauhan ni Melvin.

"Wala namang masama tol, kong ipinanganak kang ganyan. Hindi lang naman ikaw ang may ganyang pagkatao na nabubuhay dito sa mundo. Ang mahalaga, ginawa mong magpakatao at walang inaapakang iba. Tungkol naman sa pagmamahal mo kay Jun, hindi ko masasabing limutin mo na siya dahil alam kong hindi iyong maging madali. Isa sa pinakamahirap na gawin sa buhay ay ang paglimot sa taong pinakamamahal mo. Sa ngayon hayaan mo lang muna ang sarili mong ibigin siya. Hindi ko man tiyak kung kelan iyan lilipas pero sigurado ako na darating din ang panahon na iyo ring matatanggap na hindi talaga kayo para sa isa't-isa. At mahahanap mo rin ang taong nakalaan para sa iyo!"

"May tao pa kayang nakalaan sa akin? Na tanggap ang pagkatao ko. Na mahalin rin ako gaya ng pagmamahal ko!?"

"Meron tol. At alam kong nasa paligid lang siya!"

"Paano ka nakakasiguro?"

Humugot pa muna ng napakalalim na hininga si Melvin. Mukhang may pag-aalangan na magsalita. Tumingin siya sa akin at, "Ako iyon tol, mula noong akoy magbinata ikaw na kaagad ang unang tinibok ng puso ko!"

Mistulang nabuwal ang puno ng mahogany na nakatirik sa likuran namin sa rebelasyong iyon ni Melvin. Hindi ko alam kung ako bay matatawa o mabibigla sa kanyang sinabi. Naglaro tuloy ang maraming katanungan sa aking isip tungkol sa pagkatao ng aking kababata. Kaya ang ginawa ko ay tinawanan ko na lamang siya. Dahilan upang mas lalo siyang naging seryoso.

" Totoo iyan tol. Hindi ako nagbibiro. Pero ang pagsasabi ko sa iyo ng aking nararamdaman ay hindi nangangahulugang nililigawan na kita. Dahil ayokong makadagdag sa problema mong dindala sa ngayon. Alam ko namang si Jun ang mahal mo kahit pa may girlfriend na siyang iba. Tama na muna sa akin ang pagiging kaibigan mo na alam mong nagmamahal sa iyo. Na pwedeng mapahingaan ng loob kung ikay nadadarang na sa mga problema na iyong pinapasan. Sapat na sa akin na makasama ka sa araw-araw at maipapadama ko sa iyo ang aking pag-ibig na hindi umaasang matutumbasan mo iyon!"

Lumalalim na nga ang aming naging usapan kaya minabuti ko na rin na maging seryoso.

"Hanga ako sa pagmamahal mo sa akin tol,kung totoo man iyan. Pero sigurado ka bang iibigin mo parin ako kahit alam mong hindi ko matutumbasan ang pag-ibig mo sa akin ngayon?" Ang sabi ko na lang sa kanya na para bang sinusukat kung hanggang saan at kailan niya paninindigan ang sinasabi niyang pagmamahal sa akin.

"Gaya ng sinabi ko tol, hindi ako nagmamadali. Maghihintay ako kung kelan ka makakalaya sa pag-ibig mo kay Jun. Kung darating man ang araw na maka-move-on kana sa kanya at matanto mo sa iyong sarili na hanggang kaibigan lang talaga ang pwede mong ibigay sa akin, irerespito ko iyon. Ganyan naman talaga ang pag-ibig hindi mo maaring angkinin ng sapilitan. Mas mainam parin iyong kusang nararamdaman kaysa napag-aralan lang. Nakahanda na ako kung mabibigo man ako sa huli. Basta ang mahalaga naipakita ko sa iyo kung paano ako magmahal. Ang pag-ibig ay parang sugal iyan, kailangan mong tumaya para manalo ka. Pero hindi sa lahat ng panahon makatikim ka ng panalo dahil kadalasan na ang pagiging talo niyan. Ang mahalaga ay sumubok ka, kaysa naman sumusuko ka na ng hindi man lang sumusubok. Matuto kang magparaya sa taong mahal mo, dahil sa bandang huli babalik din sa iyo ang magandang maibubunga nito!"

Hindi ko inakala na sa edad na iyon ni Melvin na dise-sais ay daig pa niya si Papa Dodot na isang sikat na tagapayo sa radyo sa mga taong may problema sa pag-ibig at iyong zero ang mga love life nila. Grabe napanganga ako sa mga sinabi niya. Inaamin ko naibasan ng kunti ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Medyo gumaan pakiramdam ko. Kung hindi lang siguro nauna si Jun sa puso ko. Marahil nahulog na rin ang loob ko sa kanya. Gwapo din naman si Melvin at matangkad. May sense of humor. Hindi nauubuasan ng mga birit. Pero sa ngayon hanggang sa pagiging magkaibaigan lang talaga kami. Hindi ko rin siya binibigyan ng pag-asa dahil hindi parin ako sigurado na mahuhulog ako sa kanya. Ang pag-ibig nga naman minsan ay kayhirap sakyan..May taong nagmamahal na nga sa iyo, pero hindi mo naman mahal. At iyong minamahal mo naman ay mahal namang iba. Pag-ibig nga naman.

Hinawakan niya ako sa kamay sabay sabing, "Mahuhuli na tayo sister!" Na sinagot ko naman ng bruha ka talaga!" Tawanan kami. Masaya ako sa panahong iyon dahil nalaman ko na hindi lang pala ako ang may ganitong pagkatao sa school namin. Maliban sa mga lantarang bading.

At iyon na nga ang naging set-up namin ni Melvin, kami na ang laging magkasama sa mga gawain sa paaralan. Kami na rin ang laging magkasama niyan tuwing recess at pananghalian. Bagamat namimis ko parin na si Jun ang lagi kong nakakasama dati, pero masaya narin ako dahil nakikita ko namang maligaya na siya sa piling ni Angela. Paminsan-minsan din na nagkakasabay kaming apat sa pag-kain ng pananghalian pero iyong dati na kami na dalawa lang, ay hindi na muling nangyari. May pagkakataon din namang namamasyal kami sa dati naming tagpuan na kaming dalawa lang. Nagbibisklita, naliligo sa lawa at naghahabulan sa manggahan sa tabi lang din mismo ng lawa.At ang paglalaro sa ilalim ng ulan kung minsan. Na-miss din kasi namin kahit papaano iyong mga panahong malaya kaming gawin ang lahat naming naisin. Hindi ng kagaya sa ngayon na may Angela na sa buhay niya. Na mas nabibigyan niya ng maraming oras at atensiyon.

Isang hapon habang pinapanood namin ang paglubog ng araw, ay naitanong niya sa akin kung nanliligaw ba daw sa akin si Melvin. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinabi ko sa kanya na nagpahayag nga ng damdamin sa akin si Melvin. At malapit ko na siyang sagutin. Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Para bang gusto kong makita ang reaksiyon niya kung malaman niyang magkakaroon na rin ako ng karelasyon. Parang pagselosin ba. Na alam kong hindi naman mangyayari iyon dahil pakialam ba niya kung magkajowa na ako. Ano ba kami? Sa isang lalaki pa? Kalokohan. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga at humarap sa akin.

"Mahal bo siya? Tanong niya.

"OO naman, sasagutin ko ba siya kung hindi?" Ayun, ang pagsisinungaling ko na naman. Pero sa loob ko gustung-gusto kon ng sabihin na wala akong ibang minahal kundi siya. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. At may kunting butil ng luha na nangilid doon. Kaagad niyang ibinaling ang mga paningin sa lawa na sa oras na iyon ay nagkulay dalandan dahil sa tama ng papalubog na araw..Palihim niya iyong pinahid para hindi ko mapansin pero huli na dahil nakita ko na. Hindi ko naman siya inusisa pa kung bakit siya naiiyak. Siguro naisip niyang may malaki na ngang pagbabago sa aming samahan dahil may kanya-kanya na kaming paglalaanan ng aming oras at panahon. Hindi kagaya ng dati na pag-aari namin ang oras ng isa't-isa. Kahit papaano may pinagsamahan din kami na pinahahalagahan niya at namimis niya iyon kaya yan marahil ang dahilan ng pagluha niya.

Muli siyang nagsalita. " Huwag kang mag-aatubiling magsumbong sa akin kung paiiyakin ka ng Melvin na iyan,dahil hindi ako magdadalawang isip na bugbugin siya. Wala akong pakialam na matanggal ang titulo ko bilang Mr. Campus basta lang hindi kita makikitang umiiyak at nasasaktan!" OA naman neto!" Biro ko naman sa kanya. Pero touched ako doon sobra. Nanumbalik na naman ang kilig ko na medyo matagal-tagal na ding hindi ko nararamdaman.

Pauwi na kami noon ni Melvin galing sa eskwelahan ng mabanggit niya sa akin ang tungkol sa paliga ng volleyball sa kabilang baranggay. Inalok niya ako na mapabilang sa team na binuo niya. Kailangan daw nila ako dahil sa aking tangkad. Nanumbalik na naman sa aking alaala ang sandaling una kaming nagkita ni Jun, dahil din iyon sa volleyball. Kay bilis talaga ng paglikwad ng panahon parang kailan lang iyon nangyari hindi ko man lang namalayan na magdi-Disyembre na pala.

"Kelan na man ang ligang iyan at magkano ang papremyo sa mananalo?" Nagagalak kong tanong.

"Tuwing sabado at Linggo ang paliga. Nakapagpalista na nga ako. At bukas ng gabi kaagad ang laban natin. 8 thousand daw iyong champion at 5 thousand ang runner-up!" Mukhang interesante at napa- yes na ako.

Tinext ko naman agad si Jun tungkol sa paliga, pero tumanggi siyang sumali. Busy daw siya ang pagdadahilan niya. Nanghinayang naman ako dahil kapag kasama sana namin siya, malakas ang tsansang makausad kami sa finals. Hindi ko na lang siya pinilit. Sa halip inimbita ko na lamang siya na panoorin ang aming laban. Tumanggi ulit siya. May date daw sila ni Angela sa gabing iyon dahil monsary nila. Hindi na ako nagreply pa. Hanggang sa nagtext siya ulit. Tinanong niya kung saang baranggay iyon. Sa San Gabriel ang reply ko. At bigla siyang tumawag.

"Sa San Gabriel at sa gabi pa talaga ang laro!?" Narinig kong sigaw niya sa kabilang linya.

"OO, at bakit kung makareact ka e, para kang nakakita ng multo!" Bulyaw ko naman.

Sinabi niyang marami daw siraulo sa baranggay na iyon at kadalasan may mga riot na nagaganap. Pinapa-alalahanan niya ako na mag-ingat. Hindi naman away ang punta namin doon kundi ang laro ang naging tugon ko sa kanya. Pinatay ko na ang tawag at natulog na ako.

Alas 7 ng gabi magsisimula ang laban namin. Ngunit alas 6 pa lang ay nandoon na kaming lahat sa loob ng gym ng baranggay. Iginiya ko ang aking mga.mata sa paligid. Mukahang ayos naman ang lahat. Mababait na naman iyong mga tao at masayahin. Na taliwas sa sinasabi ni Jun na mga siraulo..Siguro may mangilan-ngilan pero hindi naman lahat. Isa pa hindi naman kami pumarito para makipag-away.

Panalo kami sa aming unang laban. Walang humpay ang aming mga tawanan at hiyawan dahil sa aming tagumpay sa gabing iyon. Ngunit ang hindi namin alam ay pinag-iinitan pala kami ng grupo ng kuponan na aming nakalaban noon. Kaya habang tinatahak namin ang daan patungong sakayan ng tricycle ay biglang may humarang na isang grupo ng mga kabataang lalaki na sa tingin ko kasing edad lang din namin. May dala silang baseball bat, arnis at bote ng alak na walang laman. Natunugan na namin ang balak ng kanilang grupo. Ngunit nanatili kaming kalmado at nagpatuloy sa paglakad. Hanggang sa,"Kung makaasta akala mo super star ng UAAP!" Narinig naming wika ng pinakalider nila. "Naka-tsamba lang kayo mga tol!" Sabad naman ng isa pa na namukhaan kong siya iyong player na dalawang beses kong pinakain ng bola. Mayabang kasi masyado. Dalawang beses niyang nasangga ang tira ko ay grabe na ang pangangantiyaw niya sa amin. Kaya ang ginawa ko, ini-spike ko ang bola ng napakalakas at talagang sinadya ko iyong ipuntirya sa kanya at hayun sapol siya sa mukha at tawanan ang mga tao.

"Ano bang kailangan nyo sa amin mga tol!" Si Melvin ang nagsalita sa mahinahon nitong boses. Tawanan ang kabilang grupo.

"Gusto lang naming iparating na balwarte namin ang lugar na ito. Kaya bawal dito ang yayabang-yabang!" Tugon ng lider ng grupo, na nakangiting aso.

"Ah ganoon ba, sige...pwede ba kaming dumaan. Nahaharangan nyo kasi ang daanan namin. Si Melvin ulit. Ramdam ko ng may mangyaring hindi maganda sa oras na iyon. Kaya inihanda ko na ang aking sarili. Ito na marahil ang sinabi sa akin ni Jun na mga siraulo sa lugar na ito.

"Pre, nakaharang daw tayo oh!" Sigaw muli ng lider sabay lingon sa mga kasamahan nito. Tawanan. Pagkatapos lumingon muli sa amin. "Ganyan ba ang turo ng mga magulang niyo at guro. Ang tumalikod sa nakikipag-usap sa inyo!" Sabay tulak kay Melvin, hindi niya iyon napaghandaan kaya natumba siya sa lupa. Agad din namang bumangon si Melvin at itinulak din ang taong tumulak sa kanya. Muntikan din itong napahandusay kung hindi lang maagap ang katabi nito na saluhin siya. At doon nagsimula ang rambulan.

Unang beses kong sumabak sa pakikipag-away. Natatakot ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kung ako ba ay tatakbo o magtago na lamang sa gilid. Pero hindi ko kakayaning panoorin na lamang ang aking mga kasamahan na nakipagbuno sa mga siraulong iyon kaya ang ginawa ko, humigop ako ng isang daang tapang at isinantabi ko muna ang pagiging alanganin bago ko hinarap ang mga nanggulo sa amin. Dahil may bitbit silang kasangkapan sa pakikipag-basag-ulo hirap kaming labanan sila ng patas. Nakita kong duguan na ang mga kasamahan ko at ang iba ay nakahandusay na sa kalsada. Walo kami, anim lamang sila..Pero dahil sa nakasanayan na nila ang pakikipag-away dehado ang grupo namin dagdagan pa na may dala silang pamalo. Pero hindi kami nagpatalo lumaban parin kami. Tinangka naming agawin ang mga hawak nila. Nagtagumpay namin kami. At doon nagsimula ang patas na laban. Hinarap ko ang lalaking nang-inis sa akin kanina sa laro. Pinaulanan ko siya ng suntok sa mukha isa sa suntok ko ang tumama sa kanyang bibig. Putok ang kanyang labi. gumanti rin siya, natamaan ako sa pisngi. Para akong nakakita ng mga bituin at bahagyang nagdilim ang aking paningin. Ganito pala ang pakiramdam ng masuntok sa mukha.Parang mababasag ang bungo mo. Bago pa man niya ako ambaan ng isa pang suntok ay nagawa ko siyang sipain ng napakalakas sa sikmura. Natumba siya at parang nawalan yata ng malay tao dahil hindi na ito gumagalaw. "Napatay ko yata" Bulong ko pa. Pero wala na akong pakialam sa tarantadong iyon. Bagay nga sa kanya.

Muli kong sinipat ang aking mga kasamahan na abala parin sa pakipagsuntukan. Hinang-hina na rin ang mga ito kagaya ko dahil sa mga natamong bugbog at palo sa katawan. Nakita kong nakipag-agawan si Melvin sa hawak na baseball bat sa lider ng grupo ng kalaban.Tinangka kong lumapit para tulungan siya. Ngunit bigla kong nararamdaman ng paghataw ng isang bote sa aking ulo na siyang dahilan ng pagbagsak ko sa lupa. Halos magdilim ang buo kong paligid at nahihirapang huminga dahil sa sakit na dulot niyon sa akin. Habang akoy nakahandusay lumapit sa akin ang isang lalaki na nanghampas sa akin may hawak itong basag na buti. Kinabahan ako. Alam ko na ang kanyang gagawin. Nilingon ko ang aking mga kasamahan. Ni isa sa kanila ay hirap akong saklolohan dahil abala parin sila sa kanilang pakikipagbakbakan. Pinilit kong makatayo ngunit hirap ako gawa ng hilong-hilo parin ako. Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Tiningala ko ang lalaking kaharap ko. Inihanda na niya ang isa niyang kamay na may hawak na basag na bote para ipansaksak sa akin. Hanggang dito na lang ba ako? Bigla kong naisip si Jun. Kung nakinig lang sana ako sa sinabi niya, hindi na sana nangyari ang ganito. Diyos ko patawarin ninyo ako sa aking mga nagawang kasalanan. Huwag niyo pong pababayaan sina Inay at Itay. Napapakit na lang ako habang hinihintay ang pagtama ng basag na bote sa aking katawan. Narinig ko na lang ang isang "Ughhhhhhh!" bago ako nawalan ng malay at hindi na alam ang sumunod na mga nangyari..,



Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon