Benjie...Benjie!!" Ang sigaw nito. Nung una, hindi ko iyon pinansin sa pag-aakalang guni-guni ko lamang iyon. Pero ng mapadalas na ang sigaw ng boses, nilingon ko na ito. At laking tuwa ko ng makita kong si Jun iyon, hinahabol kami sakay ng kanyang bisikleta.
"Tay pakihinto nyo po sandali!" Sigaw ko kay Itay.
"Bakit anak, naiihi ka ba?" Ang pasigaw nitong tanong sa akin. Malakas kasi ang musika, na nanggagaling sa car stereo nito.
" Si Jun po, nakasunod sa atin, baka gusto pa niyang sumabay sa airport!" Ang sagot ko. Nakita kong sinipat ni Itay ang sidemirror ng kotse. At kaagad din naman niyang itinabi ito sa gilid ng kalsada ng makitang nakasunod nga sa amin si Jun.
Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at patakbong tinungo ang kanyang kinaroroonan. Patakbo din naman akong sinalubong ni Jun at nang magtagpo kami sa gitna ng daan, agad kaming nagyakapan na para bang iyon na ang huli naming pagkikita. Kapwa kami humihikbi habang magkahinang ang aming mga katawan. Hindi ko na alintana kung ano ang magiging reaksiyon ng aking mga magulang sa nakitang tagpong iyon ang tanging nasa isip ko ay ang sumisidhing damdamin para kay Jun. Gusto kong madama niya kung gaano ako nangungulila sa kanya. Kung pwede ko lang sanang isama siya sa Maynila ay ginawa ko na para hindi na kami magkahiwalay pa.
"Sorry Tol kung hindi ako nakarating sa takdang oras ng napag-usapan natin, pumunta pa kasi ako sa bahay ng pinsan ko sa kabilang baranggay, kinuha ko pa kasi 'to!" Ang sabi niya sa akin habang humihikbi. Iniabot niya sa akin ang isang damit. Hindi na ako nakapagtanong kung ano iyon, gawa ng paninikip ng dibdib sa labis ng pag-iyak. Tinanggap ko din naman agad iyon at ang sabi niya pa,
"Jersey ko iyan tol nung varsity pa ako ng mens volleyball sa school na pinanggalingan ko bago ako lumipat dito. Naiwan ko kasi iyan sa bahay ng pinsan ko kaya nagmamadali akong kinuha iyan para maibigay sa iyo bilang ala-ala mo sa akin!"
"S-salamat tol, kaya ka pala nahuli dahil kinuha mo to!" Kaagad ko din namang hinubad ang suot kong jacket na pinakapaborito ko at ibinigay iyon sa kanya bilang ala-ala na rin niya sa akin. Muli kaming nagyakapan at nag-iyakan.
"Hindi ka na ba sasabay sa amin sa airport?"
" H-hindi na tol, mas lalo lamang tayong mahihirapan kung sasama pa ako. Tama na sa akin na naabutan pa kita at naibigay ko ang iyang jersey sa yo!"
Hindi ko na siya pinilit pa, dahil tama rin naman ang sinabi nito. Baka hihimatayin pa ako sa airport kung ihatid pa niya ako at pagkatapos aalis na din siya.
"Nak, mahuhuli na tayo!" Narinig kong sabi ni Itay sa akin at nang nilingon ko siya nakita ko ang pamumula ng mata niya at ang inay naman ay kasalukuyang nagpapahid ng kanyang luha, naantig din sila marahil sa tagpong iyon.
Nagyakapan pa ulit kami ni Jun bago ako muling pumasok sa loob ng sasakyan. Binuhay na muli ni itay ang makina at lumarga na kami. Dumungaw ako sa bintana. Kumaway ako kay Jun na kasalukuyang nakatanaw sa akin habang kami ay papalayo. Nakita kong itinaas niya ang isang kamay at kumaway din sa akin na bagamat nakangiti, ngunit nagpatuloy parin sa pagbulwak ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/58485690-288-k738394.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Letter
RomanceNoong nagbibinata ako, alam kong naiiba ako sa mga kabataang lalaking katulad ko na lingid sa kaalaman ng aking mga magulang Pero hindi diyan iinog ang kwento ko kundi sa lihim kong pag-ibig para sa isa kong matalik na kaibigan. Si Jun. Ngunit ang p...