NaNakasalampak na ako sa buhanginan habang patuloy na umiiyak. Wala na akong pakialam pa sa mga taong nakakakita sa akin. Maaring iniisip nilang nawawala na ako sa tamang pag-iisip. Ngunit hindi ko na iyon pansin. Tanging si Jun lamang ang laman ng isip ko sa oras na iyon. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Isang pagtataksil man iyon para kay Melvin ngunit hindi ko na kayang dayain pa ang aking damdamin.
Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagdantay ng isang palad sa aking balikat. Nang aking nilingon ang nagmamay-ari noon ay siyang ikinabigla ko. Mata niya'y luhaan kagaya ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya akong tumayo. Inabutan niya ako ng panyo upang punasan ang aking mga luha. Wala akong maapuhap na sasabihin. Hindi ko alam kung paano mag-react sa oras na iyon.
Nang makatayo na ako ay tinulungan niya akong pagpapagin ang mga pinong butil ng buhangin na dumikit sa aking katawan. Sinikap kong ayusin ang aking sarili at kumilos ng normal upang subuking itago ang tunay kung nararamdaman. Ngunit huli na. Kitang-kita niya ang pagsalampak ko sa buhangin habang gumagalaw ang balikat ko sa paghikbi. Isa lang ang dahilan nun- si Jun.
"Tol, patawarin mo ako
. Sinikap ko namang labanan ang nararamdaman ko pero talagang lalo lamang itong nagpupumiglas na isigaw ang pangalan niya!"
Alam kong masakit ang sinabi kong iyon sa kanya ngunit ayaw ko ng magkunwari. Ayaw ko ng pagtakpan pa ang isang kasinungalingan sa isa pang kasinungalingan. Nasukol na niya ako. Kahit na wala siyang sinasabi alam kong nasasaktan ko na siya. At doble ang balik nun sa akin, dahil wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at ibigay ang lahat para sa ikaliligaya ko.
"Huwag kang humingi ng patawad tol dahil mas lalo lamang akong nanliit sa aking sarili. Parang mas lalo ko lang nakikinita ang panlilimos ko sayo ng pagmamahal. Alam ko naman e, kahit kailan hindi nawala si Jun sa puso't isip mo. Pero heto ako nagpupumilit na sumiksik sa buhay mo maambunan lang ng kunting pagmamahal!" Wika ni Melvin habang pinipigilan ang mga luha na huwag pumatak. Batid kong sinisikap niya na maging matatag na ipalabas ang matagal ng nakainin na sakit sa kanyang puso.
"Hindi ka naman namamalimos Tol, kusa ko iyong ibinigay sa'yo dahil iyon ang sinasabi ng pusot isip ko!"
"Pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahal mo sa kanya dahil kung hindi, hindi ka magkakaganyan ngayon kaya please tama na. Stop saying na mahal mo ako dahil alam ko kung sino ang tunay na tinitibok niyan...!" Itinuro niya ang kaliwa kong dibdib."...Mahal na mahal kita kaya nagawa kong magbulagbulagan. Nagpakamartir ako. Ilang taon din ang tiniis kong sakit dahil hindi kita maangkin ng buo. Mahirap ang may kahati. Mahirap ang parang nakikisawsaw ka lang. Pero umaasa parin ako na balang araw matatanggap mo na akong tuluyan. Ngunit hindi pa yata ngayon ang panahon na hinihintay ko. Kung kelan iyon, hindi ko alam. Maari ring hindi na mangyayari iyon. Kaya nagdesisiyon akong.......!" Natigilan siya sa kanyang sasabihin. Sa tingin ko, nahihirapan siyang ituloy kung anuman iyon.
"....bigyan ka ng pansamantalang kalayaan. Hanapin mo muna ang sarili mo tol. Hindi ka naman sana mahirapang pumili sa aming dalawa dahil nakatali na siya at ako na lang ang naiwang option. Ngunit mas makabubuti kung saka na lang natin ituloy ang ating relasyon kung lubusan mo na akong tanggap sa puso mo at tuluyan ka ng nakapag-move-on kay Jun!"
BINABASA MO ANG
Love Letter
RomanceNoong nagbibinata ako, alam kong naiiba ako sa mga kabataang lalaking katulad ko na lingid sa kaalaman ng aking mga magulang Pero hindi diyan iinog ang kwento ko kundi sa lihim kong pag-ibig para sa isa kong matalik na kaibigan. Si Jun. Ngunit ang p...