Kabanata 12

1.1K 46 3
                                    


  "Tol sandali, huwag ka munang umalis please!" Pakiusap niya uli.


"Hindi karin makulit e 'no?"


"Gusto ko lang malaman mo na....


"Na ano?"


"Na ma........"


Bago pa man niya nabigkas ang katagang gusto niyang sabihin ay bigla siyang natigilan. Napahawak siyang bigla sa kanyang ulo na sa tingin ko para bang may iniinda siyang sakit. Nanginginig ang mga daliri niya at biglaan ang pamumutla ng kanyang mukha. Hindi ko iyon pinansin dahil alam kong nag-iinarte lang siya.


"Hindi na uso ang ganyang drama Mr. Benedicto. Kung wala ka ng ibang sasabihin, aalis na ako!" Ang pagtataray ko pa.


"G-gusto kong malaman mo na ma.......!"


"Sinasabi ko na nga ba andito ka lang ih!" Naputol ang dapat sanay sasabihin sa akin ni Jun, dahil biglang sumulpot sa kung saan si Ced, galit na nakatutok sa amin. Nadismaya naman ako sa pagkakaudlot niyon. Batid kong may sasabihin sa akin si Jun na importante. At kahit anong gawin kong pagtataray, hindi ko maikailang nagkaroon ako ng interes sa kung anuman ito.


Nakita ko ang labis na pagkagulat ni Jun ng makitang papalapit sa aming kinaroroonan si Ced. "Kaya pala bigla kang nawawala pag ganitong oras sa condo, dahil dito ang punta mo?" Wika ulit nito. Napakamot si Jun sa kanyang batok. Halatang naghahagilap ng sasabihin.


"Gusto ko lang sanang sasabihin kay Ben na magpapakasal na tayo. Ta-tama, yan ang dapat sanay sasabihin ko sa kanya kanina. Iimbetahin ko sana bhie ih!!


Nagulantang naman ako sa aking narinig na magpapakasal na sina Jun at Ced. Seryoso ba to? Kailangan pa ba talagang maikasal ang tulad naming nasa gitna? Kung ganoon nga, saan na man? Kung ang RH Bill nga ay mariing tinututulan ng simbahan dito sa Pilipinas ano pa kaya ang same sex marriage. Kaloka!. At nang makabawi ako sa pagkagukat, "Seryoso?"


"Yup. Hindi dito sa Pilipinas. Kundi sa Amerika!" Si Ced ang sumagot. Nakapamewang pa ito na humarap sa akin. Ka turn-off. Siya iyong tipong lalaking-lalaki kung titingnan pero huwag mo lang pagsalitain.


"Sana makakapunta ka tol, ikaw lang ang tanging malapit sa akin na inaasahan kong makadalo sa kasal ko. Ako naman ang bahala sa lahat ng gastos!" Wika ni Jun sa akin pero animoy wala akong narinig. Bigla ko na lamang pinaharorot ang aking sasakyan na walang matinong patutunguhan. Biglang bumulwak ang aking luha na hindi ko namamalayan. Ang sakit lang na marinig na ikakasal na ang taong lihim kong minahal noon pa. Tanggap ko naman e, kung isang babae ang kanyang makakatuluyan, noon pa, kaya nga tinuruan ko ang puso ko na ibaling kay Melvin ang pagmamahal ko na dapat ay sa kanya. Pero sa isang pamintang durog lang pala ang kababagsakan niya. Parang hindi ako makapapayag. Nasabi ko sa sarili, kung si Ced narin lang ang makakatuluyan niya bakit hindi na lang ako. Ako ang unang nakakilala sa kanya kaya dapat ay akin lang siya. Sa kabilang banda naisip ko rin si Melvin, napaka-unfair naman para sa kanya kung ipursige kung ipaglalaban ang pag-ibig kay Jun gayung alam ko ang hirap at sakit ni Melvin maangkin lang pag-ibig ko.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon