Sa isang madilim na lugar, nakita ni Lilian ang kanyang ama na nakatayo sa kanyang harapan. Habang nakatayo ito sa kanyang harapan, pansin niya sa mukha ng kanyang ama ang pag-kaawa'ng nadarama nito para sa kanya. Nang mga oras na iyon, matagal niya itong pinagmasdan. Sapagkat hindi siya makapaniwala na ang kanyang ama na dinukot ng mga halimaw'y nakabalik ng buhay. Napaka-rami niyang gustong itanong dito tungkol sa lahat ng mga nangyari. Ngunit ipinag-sawalang bahala na lamang niya ang tungkol duon. Sapagkat para kay Lilian ay wala nang mas mahalaga pa, kundi masilayan at mahagkan ang kanyang ama.
"Daddy!!!" Sigaw ni Lilian.
Dahil sa sobrang kagalakan, kung kaya't tumakbo siya ng mabilis at niyakap ito ng mahigpit sabay sabing,
"Daddy! Mabuti naman at ligtas ka! Masaya akong makita ka Daddy!"Napaluha siya siya sa sobrang kasiyahan habang niyayakap ng napaka-higpit ang kanyang ama. Para sa kanya'y napaka-habang panahon na nang huli silang magkita.
"Ayos ka lang ba Daddy? Hindi ka ba nila sinakta----?" Tanong pa ni Lilian.Ngunit naputol ang kanyang pagsasalita nang dahan-dahan siyang itinulak nito palayo. Napailing lamang ang kanyang ama habang humahakbang papalayo sa kanya.
"Patawarin mo ako anak ko. Hindi na tayo pupwedeng magsama pa." Malungkot na sinabi nito.
Halata sa kanyang ekspresyon na labis ang sakit na kanyang nadarama habang itinataboy ang kanyang anak."Daddy, anong sinasabi mo?! Hindi ba nandito ka na? Magkasama na ulit tayo!"
Sagot ni Lilian na humakbang palapit sa kanyang ama. Hindi niya maunawaan ang ibig nitong sabihin sa kanya. Nais niyang lumapit dito ngunit patuloy namang ang paglayo nito sa kanya.
"Iligtas mo ang sarili mo anak! Tandaan mo, Hindi ka nila pwedeng makuha!!" Ang sabi pa ng kanyang ama bago ito unti-unting maglaho.
"A-Anong ibig mong sabihin? Sinong sila?! Daddy!!!"
Hinabol niya ang kanyang ama, at pilit na inabōt ang kamay nito. Ngunit hindi na niya ito naabutan hanggang sa tuluyan na itong maglaho na parang bulā. At sa pangalawang pagkakataon'y muling nadurog ang kanyang puso sa pagkawala ng kanyang pinaka-mamahal na ama.
"Daddy.. Daddy..." Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan nito,
"DADDY!!!!"
hanggang sa sya'y magising mula sa kanyang mahabang panaginip. Pagmulat ng kanyang mga mata'y nalaman niya na nananaginip lamang pala siya.
"Panaginip lang pala ang lahat...." Malungkot na sinabi ni Lilian.
Tinakpan niya ang kanyang bibig kasabay ng pag-patak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Hinihiling niya na sana'y kasama na niya ang kanyang ama. Napaka-sakit para sa isang anak ang mawalan ng magulang.
"Daddy. Bumalik ka na please. Huwag mo akong iwan.." Sabi ni Lilian habang umiiyak.
Dahil sa sakit na nararamdan, hindi niya mapigilang umiyak. Nagpatuloy siya sa pag-iyak hanggang sa mapagod siya at mapansin niya na nasa loob siya ng isang napaka-gandang kwarto. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga magagandang palamuti, at mga mamahaling kagamitn. Mula sa bintana'y pumapasok ang masarap na simoy ng hangin at maliwanag na sikat ng araw.
BINABASA MO ANG
Love @ First BITE
FantasyLove @ First Bite is my original story since I was young. Warning! It has a slight yaoi scenes between the two main characters. But that's not the main story. Please enjoy your selves! Genre: Shoujo, Romance, Harem, (slight) Yaoi, Fantasy, Action...