♥Leonard♥

8 0 0
                                    

"Leonard Victor's picture on the top! Kyaaaaaah! Kinikilig ako! Hahaha. Ang gwapo niya noh?"

-Rein_05

ππππππππππππππππππππππππππππππππππππππππππππππππππππ

Leonard's POV:

                                                                                                                                                    
                            Ako si Leonard Victor Halberd. Oo Halberd... Dahil isa ako sa kanila. Ako ang bunso sa magkakapatid na Halberd at ang tinatawag nilang black sheep sa aming magkakapatid.

Pero hindi ako isang Vampire o Werewolf... Isa akong "Hibrid!" Nabubuhay ako sa dugo at pagkain ng mga tao. Kaya ko ring magpalit anyo gaya ng mga Lycan. Hindi gaya ng ibang mga bampira at werewolf—halos mabaliw kapag nakakakita ng masisila—Nakokontrol ko ang aking sarili at di hamak na mas malakas ako sa kanila.

Matagal na panahon na rin akong nawala at nagpaka-layo-layo. Nilibot ko ang buong mundo, pati na rin ang mga pinaka-tatagong lugar ng mga gay namin na wala pang sinumang tao na nakakatuklas.

Pinagbintangan akong isang kriminal o rebelde ng sarili kong mga kapatid dahil sa kasalanang hindi ko ginawa.

Sigh... Akala kasi nila, nakikipag-kampihan ako sa mga Lycan para kalabanin sila. Hindi nila alam, nakikipagkasundo ako sa mga rebelde  para gumawa ng isang grupo na nakikipag-laban para sa mg naaaping mga tao, at para matigil na rin ang kaguluhan sa kaharian. Ayoko na kasing bigyan pa ng problema ang Vampire King.

Pero sa kasamaang palad, may mga hindi pumayag sa gusto ko at sinugod nila ang palasyo. Napag-alaman nila na ako "daw" ang may kasalanan sa nangyari kaya minarahan ako ng isang kriminal. Kasama ang mga taga-sunod kong Lycan, hindi kami makakapasok sa kaharian kung wala ang pahintulot ng Vampire King.

Ngunit sa kabila noon, pinagpatuloy ko ang nasimulan kong layunin at pinagsama-sama ko sa isang grupo ang lahat ng mga napalayas na Lycan, pati na ang mga newborn—Mga taong nakagat at naging Lycan. Tinayo ko ang isang grupo na tinatawag ngayong "Moonraker!" Isang grupo ng gangster na mahilig makipag-basag-ulo para sa kapayapaan ng mga tao. At sikreto ang lahat ng operations namin.

..........Isang araw, nagulat ako nang makatanggap ako ng isang sulat galing kay Kuya.

>>>>>>>>flashback <<<<<<<<

"Boss! Boss! Boss! Masamang balita!!!" Sigaw ni Lancer kasabay ng malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

Hayys! Pwede namang huwag sumigaw kapag magsasalita eh! Sa lakas  ng pandinig ko, parang sampung malalaking speakers ang katumbas ng boses niya! Kainis. Kung kelan natutulog ako.

 Kung kelan natutulog ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Siya si Lancer. Isa sa mga Lycan na tauhan ko at ang pinaka-batang gangster. Sa edad ng 14, naging werewolf siya dahil may isang baliw na werewolf na kumagat sa kanya. Ulila na siya at walang matirhan kaya kinupkop ko siya dito kasama namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love @ First BITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon