"WARNING: Yaoi Moment"

9 0 0
                                    

Ang nakaraan sa Love @ First Bite... Dinukot ng mga dragon si Albert Cruz at pinatay ang lahat ng mga taong naninilbihan sa mansyon, sa hindi malamang dahilan. Na siya namang ikinalungkot ng husto ni Lilian. Dahil sa nangyari'y humingi siya nang tulong mula sa mga board members, ngunit nalaman niyang kasabwat nila si Vice President sa mga masasamang balak nito laban sa kumpanya. Nalaman niya rin na balak siyang gamitin nito upang maangkin ang buong kumpanya na pinaghirapang itayo ng kanyang ama. Nagawa niyang tumakas sa kamay ng masasamang tao at tumakbo nang mabilis, ngunit nakalimutan niyang wala siyang sence of direction. Dahilan upang mapunta siya sa tapat ng isang malaking gate. At sa malaking gate na iyon, naramdaman niyang tila tinatawag siya nito. Inakala niyang ito'y isang malaking park lamang kung kaya't pumasok siya sa loob. Ngunit sa loob nito ay mayroong napaka-lawak na kagubatan at sa gitna ng kagubatan na iyon ay may isang lumang kastilyo. Dinala siya nang dalawang misteryosong binata sa palasyong iyon at nagpakilalang sina Mr. CEO at Thristan. Ipinangako ni Mr. CEO na tutulungan nila si Lilian na mahanap ang nawawala niyang ama...

Samantala, sa opisina ng CEO na si Rein von Halberd, kasalukuyan siyang pumipirma ng mga papeles para sa kumpanya. Katabi ang kanyang Butler at personal assistant na si Thristan na tahimik na nakatayo at inaabot ang mga folders na dapat niyang basahin at pirmahan. Naputol ang katahimikan nang tumawa ng mahina si Thristan. Napahinto si CEO at nagsalita..

"May nakakatawa ba Thristan?" Tanong niya habang binabasa ang isang proposal.

"Uh-hum. Kanina ko pa kasi napapansin na masaya ka your highness." Nakangiting sagot nito.

Napatingin si CEO kay Thristan. Mababasa sa kanyang mukha ang katanungang
"Ako? Masaya?? Papano?"

"Sigh. Sa tagal nating magkasama, isang tingin ko palang sa iyo, alam ko na kung masaya ka o hindi! Kahit mag-poker face ka pa." Sabi ni Thristan.

Itinigil niya ang kanyang ginagawa at saka sumandal sa kanyang office chair. Napahanga siya sa sinabi ng kanyang secretary at natawa. Sinabi niya na..

"Haha. Wala talaga akong kayang ilihim sayo Thristan."

Lumapit ito sa kanya at habang inaabot ang isang proposal ng isang kumpanya'y tinanong niya kung bakit siya masaya. Kinuha niya ang papeles na iniabot ni Thristan at sumagot..

"Masaya lang ako dahil sa tagal ng panahon na ako'y nabubuhay, may isang cute na bata na tumawag sa aking, Daddy Long Legs!"

Kumikislap ang kanyang mga mata habang nakangiti niya itong sinasabi. Sa katunayan niya'y matagal na niyang gustong magkaroon isang anak na babae. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang kaisa-isang babae na kanyang minahal. At hindi na niya sinubukan pang magmahal pa nang ibang babae. Sapagkat para sa kanya, wala nang kahit na sinong babae ang makakahigit pa sa kanyang kasintahan.

"Si Lilian ba ang tinutukoy mo..?" Tanong pa ni Thristan.

"Mm. Ganun na nga! ....Alam no bang nakakatuwa ang batang iyon? Napaka-bait niya, napaka-ganda, magalang pa, at malakas ang loob! Halatang pinalaki siya ng maayos ni Albert. Alam kong sandali pa lamang kaming nakakilala, ngunit unang kita ko pa lang sa kanya, magaan na ang loob ko sa batang iyon." Sabi ni CEO.

Masayang-masaya siya habang ikinukwento ang mga katangian ni Lilian. Mahahalata na mukhang gustong-gusto niya ito na maging anak. Gusto niya rin itong arugain, protektahan at mahalin. Kung kaya't napagpasyahan niyang patirahin si Lilian sa palasyo hanggang sa mabawi nila si Albert. Upang hindi ito mapahamak gaya sa nangyari sa ama nito. Ngunit mukhang hindi natutuwa si Thristan habang pinakikinggan ang kuwento ng kanyang master. Kung kanina'y nakangiti siya, madali itong napalitan ng galit. Naputol ang pagsasalita ni CEO nang hampasin niya ang lamesa at sabihing..

Love @ First BITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon