"The mistery dog"

5 0 0
                                    

-----+---------------+-------------+-------------++----------+----------+----------+-------+------

LILLIAN's P.O.V:

                       Nang isang araw, dinalhan ako ni Randall sa kwarto ng isang paper bag. Tatanungin ko sana siya kung para saan ito pero umalis na siya agad.

Sigh. Sobrang tahimik talaga ng batang 'yun. Hindi ba siya tinuruan nila daddy magsalita?

"Ano kayang laman nito?" Binuksan ko ang laman ng paper bag at nakakita ako ng isang napakacute na pink dress.

Wow! Para sa'kin ba 'to? Na pa ka-ganda niya.

"Pero para saan 'to?" Tanong ko.

I shake my head at saka nagbihis nalang. Pagkatapos kong magbihis, may nalaglag na sulat dun sa paper bag. Pinulot ko ito sa sahig at binasa ko.

                               "Thank you so much dahil tinanggap mo ako.
                                This is my gift for you. I hope you like it!
                                Please meet me at the garden."

                                                                             -Wilbert

Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang ngumiti habang binabasa ko ang sulat galing kay Wilbert. Siguro masaya lang ako dahil naging close na kami sa isa't-isa.

Napapansin ko nga, simula nung isang lingo, naging sobrang caring niya sa akin.

Palagi nila akong pinapasyal sa loob ng palasyo——para hindi ako mainip. Hindi pa rin kasi kami pinapayagan nîna daddy lumabas ng palasyo. Sigh wala din naman kasi akong magagawa kun'di sumunod sa utos niya. Ang totoo nga niyan, ang laki ng pasasalamt ko sa kanila, lalo nà kay daddy.

Tungkol naman dun sa "kambal" nakakatuwa kasi palagi nila akong pinapasaya sa tuwing nalulungkot ako. Naging magaan na ang loob ko sà kanila, kahit na may pagka-flirt itong si Russell at mahilig mang-asar. Samantalang si Randall naman, medyo tahimik talaga at napakadalang magsalita, iisa lang ang expression na makikita mo sa mukha niya kaya mahirap hulaan kung ano ang nasa isip nîya. Ang sarap nilang pagmasdan lalo na't kapag nagaaway sila, palaging asar-talo si Russell.

Hmm.. Ano kayang meron? Gaya ng sabi sa sulat, pumunta nalang ako sa garden....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nasaan yung garden?!?" Sigaw ko at pumapadyak pa sa inis.

Kung tinatanong ninyo kung naliligaw nanaman ba ako...........Hindi kayo nagkakamali. Sigh. Bakit ba kasi wala akong sense of direction..?? Argh! Napakamot nalang akp sa ulo ko.
Tiningnan ko ang buong paligid at napunta ako sa isang kulay puting Pavilion namay isang puting piano sa gitna——maze garden.

"Siiiiiiigh. ...Paano ako napunta dito..?" Tanong kosa aking sarili.

Hay nako, Lilian.. Tanungin daw ba ang sarili? Naglakad ako papasok sa loob ng pavilion at saka luapit sa napaka-gandang piano. Kung tinatanong niyo kung mahilig ba ako sa music instruments, ...Oo, medyo. Ito kasi yung bonding namin ni Papa sa tuwing wala siyang masyadong trabaho o business meetings.

"Miss na miss na kita Papa...." Nakangiti kong sabi sabay upo sa harap ng piano.

Naisip ko na baka kapag narinig nila ako, malaman nilang nandito ako? Kaya nagsimula na akong tumugtog ng paborito naming kanta ni Papa——'10 Thousand Reasons.'

Love @ First BITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon