Brother's Quarrel

4 0 0
                                    

Wilbert's POV:

                      Dinala ko siya sa kwarto ko. Balak ko sana siyang ikulong doon hanggang sa dumating si kuya. Inihiga ko siya sa kama ko at kinumutan. Grabe, napaka-gaan ng babaing ito, hindi ba siya pinapakain ni kuya?

"Kung wala silang relasyon, bakit kaya nagpatira si kuya ng isang mahinang tao dito sa palasyo? Ano kayang binabalak niya..?"

Kilala ko ang kapatid ko, at alam kong may kakaib ang binabalak iyon ngayon. Kahit meron kaming hindi pagkakaunawaan, nag-aalala pa rin ako para sa kanya. Lalo na at palaging nasa tabi niya si Tristhan.

Napatingin ako sa babaing nakahiga sa kama ko. At ngayon ko lang napansin na napaka-ganda niya pala. At mukhang sa kanya nanggagaling ang napaka-bangong amoy na kanina ko pa naglalaro sa ilong ko. Hinawakan ko ang malambot niyang buhok, papunta sa mapula niyang pisngi. Inilibot ko ang kamay ko sa maganda niyang mukha.

"Hmm. Ang bango... Ano bang meron ka at napaka-bango mo?" Tanong ko habang unti-unting lumalabas ang mga pangil ko.

Dahil sa nakakaakit at mabango niyang amoy, naging pula ang mga mata ko at hindi ko namalayan na nakabaon na ang mukha ko sa leeg niya. Dinilaan ko ito habang inililibot ko ang kamay ko sa loob ng dress shirt niya.

"Tasty..!" Grabe. Para akong mababaliw sa amoy niya.

Kakagatin ko na sana siya pero bigla akong natauhan nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Tss. Istorbo!" Ang sabi ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang pinto at kaagad na lumabas ng kwarto, sabay sara ulit sa pinto–––ayokong malaman nila na may babae sa kwarto ko. Bumungad sa harap ko si Randall na may hawak na isang basket ng chocolates at candy's.

"Anong problema?" Tanong ko.

"...........Dumating na sila kuya..."

"Oh, tapos?"

Sumubo muna siya ng isang piraso ng chocolate bago nagsalita.

".......Pinapatawag nya tayong lahat."

Pagkasabi noon, naglakad na siya palayo. Mukhang mahabang pagtatatalo nanaman ang mangyayari, kaya ni-lock ko yung kwarto bago umalis. Mas mabuti na ang sigurado.
Sinundan ko si Randall papunta sa living room. Tahimik lang kami habang naglalakad. Ganun naman kami palagi eh. Walang gustong magpatalo pagdating sa kung sino ang pinaka-tahimik sa lahat. Bihira lang kaming magkitang mga magkakapatid. Kadalasan, isang beses lang kami nagkikita o kaya nag-uusap. Pwera nalang kung tungkol sa trabaho. Kung tatanungin nyo kung close ba kaming limang magkakapatid, ang maisasagot ko lang..., ewan. Dahil hindi ko rin sigurado.
Huminto sa paglalakad si Randall at napahinto na rin ako. About 5 feet ang layo namin sa isa't-isa.

"What's you problem?" Tanong ko.

Umikot siya paharap sa akin. Tiningnan niya ako ng diretso habang wala pa ring kahit na anong emosyon na makikita sa mukha niya.

"Bakit mo siya dinala sa kwarto mo..?" Tanong niya.

Love @ First BITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon