Ok guyz! This is it pancit canton!
Ano kayang mararamdaman ni Lilian? Ano kaya ang gagawin niya sa oras na malaman na niya ang totoo?Please enjoy, vote, and comment! GOD bless you minna! Thank you so much for reading! Meow.
Rein_05
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••Sa loob ng dalawang buwan, sinimulan ko ang aking pagsasanay kung papaanong lumaban. Nung una'y naging madali lamang ang lahat para sa akin, sapagkat bata pa lamang ako natutunan ko na ang iba't-ibang paraan ng martial arts.
Ngunit pagkaraan ng isang linggo, mas naging mahirap at mabigat ang ipinapagawa nila sa akin. Sigh. Isama mo pa ang pagiging istrikto at perfectionist ni Wilbert."Ok Lilian... Try to attack me." Sabi ni Wilbert habang nakatayo 5 ft. away sa'kin at naka-fighting position.
Nandito kami ngayon ni Wilbert sa malawak na kagubatan at kasalukuyang nagsasanay. 6:45am pa lang ng umaga at medyo napapagod na ako. Ang aga-aga, ganito na agad kahirap ang pinapagawa nila sa akin.
Sigh. Nakasuot lang naman kasi ako ng apat na weights sa mga baraso at binti ko. At may bigat na 500 pounds ang Bawat Isa. Hayys! Kailangan ko daw isuot yun, hanggat hindi niya sinasabing tanggalin ko na.
Everyday ganito ang ginagawa ko;
-3:00am, gumigising ako para mag-jogging.
-4:00am-6:00am, martial arts training with Wilbert.
-9:00am-11:00am, sword training and gun shooting with Russell.I stand in my fighting position.
"Come on Lian." Sumenyas siya na lumapit ako.
Lian na ang tawag niya sa akin ngayon. Mas cute daw pakinggan.
He's wearing that cheeky smile again. Kinakabahan tuloy akong lumapit. Tiyak na may binabalak nanaman itong lalaki na ito eh. Aargh! Pero wala akong magagawa.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagkatapos ay iminulat ko ulit ang mga mata ko, kasabay ng pag-atake ko sa kanya.
"Yaaaaaaaahh!!!" I charge at him.
Sinuntok ko siya at gaya ng inaasahan ko, madali niya akong naiwasan. Hinawakan niya ang baraso ko na ginamit kong panuntok sa kanya. Pinatid ko siya kaya na-out of balance siya ng konti. Sinamantala ko ang pagkagulat niya at ginamit ko ang binti ko para i-arm lock siya pagkatapos sinakal ko siya gamit ang isa ko pang binti. Dahilan upang mapahiga siya sa damuhan.
"Hahaha. Nice move Lian." Nakuha pa niyang tumawa habang sinasakal ko siya.
Kainis. Parang hindi nakakaramdam ng sakit ang lalaking ito! Hayys. Gusto kong alisin 'yang cheeky smile niya na iyan.
"Hmph. Hindi ako papayag na hindi makakain ngayong araw na ito Wil." Sabi ko sabay suntok sa sikmura niya.
Sa sobrang higpit niya, binigyan niya ako ng isang rule. After naming mag-training, kailangan naming sparring. Kung sino ang matatalo, hindi siya makakakain ng lunch at dinner.
Gamit ang malaki niyang kamay madali lang niyang hinarang ang suntok ko. Hinila niya ang baraso ko at sinipa ako sa diaphragm, dahilan upang tumilapon ako sa damuhan.
"Ugh!" I groan sa sakit dahil likod ko talaga ang naunang tumama sa damuha.
Buti nalang at malambot ang binagsakan ko.
BINABASA MO ANG
Love @ First BITE
FantasyLove @ First Bite is my original story since I was young. Warning! It has a slight yaoi scenes between the two main characters. But that's not the main story. Please enjoy your selves! Genre: Shoujo, Romance, Harem, (slight) Yaoi, Fantasy, Action...