"Zaaaaaaaaaaaah!!!"
Napaangat siya ng ulo nang marinig ang nakakabinging pagsabog na iyon. Naisip niya na baka napansin na nila Wilbert na wala siya sa Palasyo at pinaghahanap na siya ng mga ito.
Kahit iika-ika—dahil sa mga sugad sa tuhod—naglakad siya kaagad upang makalayo sa palasyo. She shakes her head para tumigil na sa pag-iyak.
"Tama na. Hindi ito ang oras para umiyak. Kailangan mo nang makaalis dito sa poder ng mga bampirang iyon Lilian!" Ang sabi niya sa kanyang sarili.
Kumuha siya ng isang mahabang kahoy at ginamit iyong tungkod upang makalakad siya ng ayos. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit hirap na hirap sa madulas at maputik na daan, dulot ng malakas na ulan.
"BOOOOOOM!!!" Napahinto siya ng muli siyang makarinig ng pagsabog. Ngunit sa pagkakataong ito'y mas malakas na.
Ang ibig sabihin nito'y malapit na siya sa kinaroroonan ng pagsabog.
"Ano kaya yun?" Tanong niya.
Hahakbang sana siya papunta sa kinaroroonan ng pagsabog ngunit napigilan niya ang kanyang sarili.
"Hindi. Hindi. Tumigil ka Lilian! Baka maabutan ka pa nila kung susundin mo iyang
Tumalikod siya para pumunta sa kabilang dereksyon.
"Hayys! Hindi ko mapigilan. Naku-curious ako!"
Siya ang isang klase ng tao na kapag na-curious sa isang bagay, hindi titigil hanggat hindi siya nakakahanap ng sagot.
Dahil sa curiosity, nakuha pa niyang hanapin kung saan ang kinaroroonan ng pagsabog.Habang naglalakad, mas lumalakas nang lumalakas ang pagsabog. At nakakarinig siya ng mga hiyawan.
"Mukhang may nag-aaway dito?" Bulong niya.
Nang makalapit na siya, puno ng mga halaman at buong lugar. Kaya dahan-dahan niyan g hinawi ang mga sanga na tumatakip sa kany ang daraanan.
She gasp sa sobrang pagkagulat, pero tinakpan niya agad ang kanyang bibig. Kung kaya't walang ahit na anong ingay ang maglalagay sa kanya sa kapahamakan.
Dahil sumambulat sa kanyang harapan ang isang lalaking may pakpak na gaya sa isang dragon, at nang isang napaka-laking werewolf.
Agad siyang nagtago sa likod ng isang malaking puno.
"Oh meiji. A-Ano yon? T-Totoo ba-a ang n-nakita ko?" Bulong niya habang nanginginig sa takot.
Upang makatiyak, dahan-dahan niyang sinilip ang nagaganap na labanan sa pagitan ng isang werewolf at nang lalaking may pakpak.
'Teka. Naalala ko yung kulay dilaw na werewolf na iyon ah! Tama.. siya yung nakita ko sa Pavilion!!' Sabi niya sa kanyang isip.
BINABASA MO ANG
Love @ First BITE
FantasyLove @ First Bite is my original story since I was young. Warning! It has a slight yaoi scenes between the two main characters. But that's not the main story. Please enjoy your selves! Genre: Shoujo, Romance, Harem, (slight) Yaoi, Fantasy, Action...