Blood is thicker than water

6 1 0
                                    

Rein's POV:

Ako si Von Rein Halberd, the current Vampire king--ng buong mundo, at nakatatandang kapatid ng Halberd brothers. Dahil sa pagiging Vampire King, kailangan kong maging istrikto at perfectionist pagdating sa lahat ng bagay. Lalo na sa pagpapalaki ng apat na nakababata kong kapatid. Sila nalang ang natitira kong pamilya, kaya ginagawa ko ang lahat para maging malakas sila.
Alam ko na dadating ang panahon na hindi ko na kayang ipagtanggol ang buong kaharian laban sa mga kaaway. Kaya kailangan ko silang i-train upang maging magaling at mabuting pinuno ng aming lahi. Ginagawa ko ang lahat para maging perpekto sila, dahilan upang lumayo ang loob nila sa akin. Ngunit kahit ganoon....hindi pa rin ako sumusuko na makukuha kong muli ang loob nila at mabubuo muli ang pamilya Halberd.
Sa ngayon, gaya pa rin ng dati, nakaupo ako sa likod ng office table ko at nakaguhit sa mukha ko ang isang malaking ngiti. Kung tinatanong nyo kung bakit..., simple lang. ......Napaka-saya ko dahil sa wakas, sa haba ng panahon na nagkahiwalay kami, napatawad na rin ako ni Wilbert.
Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa likod ng pintuan--kahit hindi siya magsalita, alam kong si Lilian ang kumakatok sa pintuan.

"Come in Lilian!" Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magpakilala.

Binuksa niya ang pintuan at sinalubong niya ako na puno ng pagtataka.

"P-Paano mo nalaman daddy?!" Tanong niya habang isinasara ang pintuan.

Binigyan ko siya ng warm smile.

"Hmm. Lucky guess..?" Sagot ko.

"?" Nag-pout lang siya.

Hahaha. Ang cute nya talaga! Pasensya na baby Lilian, hindi pwede sabihin ni daddy ang buong katotohanan tungkol sa aming mga bampira at kung ano ang kinalaman ng papa mo sa amin. Natatakot kasi ako na baka matakot ka sa amin at kamuhian mo kami. Pangarap ko pa naman na magkaroon ng anak na babae. Sa ngayon...gusto ko muna siyang patirahin dito kasama namin. Mas madali ko siyang mapo-protektahan kung kasama ko siya palagi. Dahil mukhang siya ang tunay na habol ng mga dragon, she's much safer with us, habang hinahanap namin si Albert.
Lumapit siya sa akin at at umupo sa harap ng office table.

"Daddy..mukhang masaya ka ngayon ah. May nangyari bang maganda?" Kumikinang ang mga matamata niya.

Mula sa mga folders, inangat ko ang ulo ko at napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagka-exited. Masaya akong malaman na nagaalala siya tungkol sa amin. Napakabait niya talaga, at mukhang maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Albert. May mabuti siyang puso...tamang-tama para sa magiging V----.

"Gusto mo bang makarinig ng isang magandang kwento?" Itinabi ko sa drawer ang mga documents na binabasa ko.

Agad naman siyang tumango na parang isang bata na exited na mabilhan ng isang magandang laruan.

‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡

Nang kinagabihan, matapos naming magtalo ni Wilbert, minabuti ko munang mapag-isa. Nalulungkot ako dahil hindi ako makapaniwala na pagsasalitaan ako ni Wilbert ng masama. Nakakalungkot dahil hindi niya ako maintindihan, at sinarado na niya ng tuluyan ang kanyang isipan. Hindi ko siya magawang sisihin dahil mas kailangan kong unahin kung ano ang makabubuti sa lahat--maging bampira man o tao. Ngunit ang mga kapatid ko nalang ang natitira kong pamilya, kaya hindi ko makakayanan kung mawawala din sila sa akin. Pumunta ako sa isang malaki at puting pavilion, sa gitna ng maze garden. Sa gitna ng pavilion ay may isang puting piano. At sa tuwing malungkot ako, pumupunta ako doon para tumugtog.
Nilapitan ko ang piano at inilakad ang kamay ko dito at hinimas ito. Mahalaga kasi sa akin ang piano na ito, pati na rin ang mga masasayang alaala ko na tumutugtog kasama ang kaisa-isang babaing minahal ko.

Love @ First BITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon