♣Round #1♣

2 0 0
                                    

Third person's POV:

                    Gaya nang inutos ni Wilbert, agad na tumungo sina Russell at Randall sa kinaroroonan ni Lilian. Habang tumatakbo, nag-uusap silang dalawa tungkol sa malakas na prisensya na nadarama nila kani-kani-kanina lang.

"Mukhang nandito na talaga siya?" -Russ

Tumango lang ang kanyang kakambal.

"Mukhang malaking gulo 'to bro. Kailangan natin silang pigilan bago pa nila mapatay ang isa't-isa!" Dugtong ni Russ.

"Bago yan, unahin muna natin si Lilian." -Ran

"Yes sir."

Mas binilisan nila ang takbo para maabutan nila si Lilian. Mahirap kung maliligaw pa si Lilian sa loob ng napaka-sukal na gubat na ito. Lalo na't may isang delikadong nilalang dito sa bakuran ng palasyo na gumagala-gala. Gamit ang kanilang super speed, madali nilang nahanap si Lilian. Nakaupo ito sa lilim ng isang malaking puno.

"Lilian!"  Tawag ni Russell.

Napaangat ng tingin si Lilian at saka ngumiti ng pagka-tamis-tamis.

"Oh, Randall." Niyakap ni Ran si Lilian.

"Bakit kayo nandito?" Dugtong ni Lilian.

"Sabi ni kuya na umuwi daw muna tayo sa palasyo dahil may pupuntahan daw siya. Babalik naman daw siya bago maghapunan." -Russ.

Inalalayan siya ni Ran na tumayo.

"Ganun ba? Salamat sa pagsundo kambal. Hihihi. Hindi ko kasi alam kung saan ang daan pauwi eh."

Pinagpagan ni Lilian ang pantalon na suot niya.

"Hahaha. We know that!" Sabay na sabi ng kambal.

Nag-pout naman si Lilian kasi the truth hurts.

"Hahaha."

Ngumiti si Russ sabay hawak sa kanang kamay ni Lilian, habang si Ran naman ay nakahawak sa kaliwang kamay nito. At umuwi na silang tatlo.

♠♣♠♣♠♣♠♣♠♣♠♣

                     Sa masukal na gubat, mabilis na tumatakbo si Wilbert habang patuloy na hinahagilap ang pinanggagalingan ng malakas na aura. Matapos ang malayo-layong takbuhan, napahinto siya sa ginta ng kagubatan—sa likot ng palasyo.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar, nang biglang may isang lalaki na nagsalita.

"Look who's here! Ang bampirang mahilig makipag-flirt sa ilalim ng puno."

Napatanaw siya sa isang lalaki na sitting pretty sa taas ng isang higanteng puno. Naka-cross arm ito sa likod ng ulo at nakaupo na deretso ang paa sa isang malapad na sanga.

"What the are you saying?" Tiningnan nya ito ng masama.

Nag-smirk lang ang lalaki na mas lalong ikinagalit ni Wilbert.

Love @ First BITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon