"First meeting"

6 0 0
                                    

Sorry sa hindi pag-update. Nasira yung tablet ko.  :(
Randall's picture on the top!

-Rein_05

Lilian's POV:

                         12:00am na pero hindi pa ako makatulog... Sinubukan ko na ang lahat ng sleeping position pero wala pa ring epekto. Sigh.. ano bang nangyayari sa akin ngayon? Paano ba ako makakatulog?
Hmmm.. Makalabas kaya muna? Sabi nila Daddy (Rein) may pupuntahan sila ni Mommy (Tristhan). Kaya makakalabas ako kung gugustuhin ko.
Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan ko ito. Nang sandaling buksan ko ang pintuan, halos mabulag ako sa liwanag na tumambad sa akin, dahilan upang mapapikit ako. Pagkaraan ng limang sigundo, biglang nawala ang liwanag at sinimulan kong idilat ang mga mata ko.

"Huh? Ano yun?"

Lumabas ako ng kwarto at sinilip ang buong lugar, pero wala akong nakita na kahit sino.

"Wala namang tao... Sigh. Hayaan mo na nga!"

Naglakad ako papunta sa kusina. Bigla kasi akong nagutom. Simula nang dumating ako dito sa palasyo, palagi nila akong pinapakain ng marami, kaya nasanay na yung tiyan ko. Hihihi. Sana hindi ako tumaba. Pagkaraan ng isang minutong lakaran........................................,

"Huh, nasan na ako??"

Nako naman. Nakalimutan kong madali nga pala akong maligaw. Idagdag mo pa ang napakalaking palasyo na 'to. Nagpaikot-ikot ako sa buong palasyo pero bumabalik pa rin ako sa iisang lugar. Napapakamot nalang ako ng ulo.

"Papanong gagawin ko? .....Ah!"

Bigla kong naalala na nabanggit ni Mommy na dadating ngayon ang mga kapatid ni Daddy. Siguro kanina pa sila nandito? Kailangan kp silang hanapin para malaman ko kung saan ang papuntang kusina. Naglakad ako ulit at natigilan ako nang biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa hallway.

"S-Sino yan? M-May tao ba diyan?!"

Natatakot na ako. Diba ganito ang nangyayari sa mga horror movies? Biglang nagpapatay sindi yung ilaw tapos may.......

"Who are you and what are you doing here?!?"

Biglang may isang malaking boses na nagsalita at paglingon ko,

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!"

Napasigaw ako sa takot nang biglang may nakita akong malaki at itim na lalaki na sumulpot sa harapan ko. Inangat nito ang kanyang kamay at akmang hahawakan ako.

"Please huwag mo akong kainin! Kailangan ko pang mabawi ang papa ko sa kamay ng mga dragons! Please huwag mo 'kong sasaktan!" Ang sabi ko habang nakapikit at isinisiksik ang sarili ko sa pader.

".............Bakit naman kita sasaktan?"

Sa pagkakataong ito, isang maliit at malumanay na boses naman ang narinig ko. Sinubukan kong buksan ang mga mata ko at napansin kong naayos na din ang mga ilaw. Kaya kitang-kita ko na ang buong paligid. Yumuko ako at nakita ko ang isang cut na cute na bata. Nakasuot siya ng puting dress robe, may dalang basket ng chocolates, kulay violet na mata at brown curly hair. Sa itsura niya, mukha siyang isang manika.

"Siiiiigh.. Bata lang pala. Akala ko may multo na."

Love @ First BITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon