Isang gabi kung saan nagharap ang lahi ng mga Bampira laban sa mga lahi ng mga Dragon. Matatanaw sa kalangitan ang napaka liwanag na kulay pulang buwan. Maririnig din sa buong paligid ang hiyawang punong-puno ng puot at galit, mga espadang nag-uumpugan na nagnanais na pumatay, at ang matinding paglalaban sa pagitan ng dalawang lahi. Dumanak ang napaka-raming dugo at maraming nawalan ng buhay ng gabing iyon.
Sa gitna ng labanan, may isang Vampire King na nahihingalo dahil sa isang napaka-laking spear na nakatarak sa kanyang dib-dib. Makikita sa kanyang mukha ang sakit na kanyang pinagdadaanan habang sinusubukan niyang tanggalin ang spear. Naisip niya na,'Tss. Nagpabaya kami. Hindi namin inaasahang aatake ang mga butiki'ng ito.'
Nakakalat sa lupa ang napaka-raming dugo na nawala sa kanya.
Kaagad siyang nilapitan ng kanyang kapatid na halatang nag-aalala sa kanya ng sobra."Kuya! Ayos ka lang ba? Kaya mo pa bang lumaban?" Tanong nito habang inaalalayan ang Vampire king.
"H-Huwag mo akong alalahanin.. Mas kailangan ni Lilian ang t-tulong ninyo. *pant*" Sagot ng Vampire King.
Wala siyang pakailam kung may mangyari mang masama sa kanya. Dahil para sa kanya, walang ang mas mahalaga kundi ang batang babae na itinuring niyang parang tunay na anak.
"Pero kuya---"
Hindi na naituloy ni Wilbert ang kanyang sasabihin nang itulak siya ng Vampire King palayo. Unti-unti niyang binunot ang spear, kasabay nuon ang malakas na paghiyaw sa sobrang sakit.
"Aaaaaaaaaaaaarrggh!!!!!" Sigaw ng Vampire King na tinitiis ang sakit.
Gusto siyang tulungan ng kanyanyang kapatid ngunit masyadong matigas ang ulo niya para umasa sa iba. Wala itong magawa kundi manood at protektahan na lamang ang kanyang kapatid mula sa mga dragon na palapit sa kanila. Dumating ang isang napaka-laking Wear wolf at sinaklolohan sila. Malalaki ang mga pangil at mga kuko nito, malago ang kulay puting balahibo at mayroon itong magkaibang kulay na mga mata. Hinawi niya ang mga spear na paparating sa dalawa niyang nakatatandang kapatid. Pagtapos ay lumingon ito sa kanila at nagtanong,
"Ano? Kaya mo pa ba?" na parang nang-iinis pa.
Dahilan upang madaling nabunot ng Vampire King ang spear at saka ito inihagis. Rinig ang malakas na pagbagsak ng spear sa lupa. Lumabas ang napaka-raming dugo mula sa butas na gawa ng spear sa kanyang katawan. Kahit hingal na hingal, tumayo siya at nagawa pa ring magsalita.
*grind*
"Huwag ninyo sanang.. kakalimutan na ako ang Vampire King!" Pagmamalaking sinabi ng Hari.
Pagkatapos nuon, mabilis na nagsara ang malaking butas sa kanyang dib-dib. Masaya ang kanyang mga kapatid na makitang maayos na ang kanyang kalagayan, kahit hindi nila ito pinakikita.
"Sige na. Puntan nyo na siya at siguraduhin ninyong maibabalik ninyo si Lilian kahit na anong mangyari! That's an order!" Utos ng Vampire King.
Sa tuwing siya ay nagsasalita, walang magawa ang lahat kundi sundin siya. At wala siyang pinag-utos na hindi nasunod. Tumango ang dalawa niyang kapatid at saka kaagad na umalis. Ngunit kahit hindi pa ito nakalalayo, muling lumingon sa kanya ang kapatid niyang Wear wolf at sinabing,
"Kuya.. Huwag kang mamamatay!"
Napangiti ang Vampire King sa kanyang sinabi kasabay nuon ang mabilis nyang pagtakbo patungo sa isang itim na kastilyo. Dahil sa lukso ng damdamin at sa pagnanais na iligtas ang babaeng pinaka-mamahal nila, hindi sila nagpapigil kahit napaka-raming kalaban na humaharang sa kanila papunta sa kastilyo. Sa kabilang banda, dumating ang kambal upang tulungan ang Vampire King na labanan ang mga dragon.
BINABASA MO ANG
Love @ First BITE
FantasiaLove @ First Bite is my original story since I was young. Warning! It has a slight yaoi scenes between the two main characters. But that's not the main story. Please enjoy your selves! Genre: Shoujo, Romance, Harem, (slight) Yaoi, Fantasy, Action...