Lilian & Wilbert's picture on the top! {≠°w~≠}
-Rein_05
--------------------------------------------------------------------_-----_--_-----
Lilian's POV:
Matapos kaming ipatawag ni daddy, pinagsabihan niya kami na dahil sa pagdukot na ginawa nang mga dragon sa papa ko, wala sa amin ang maaaring lumabas ng palasyo kung walang pahintulot galing sa kanya.
"Eh paano ko mahahanap ang papa ko kung tutunganga lang ako dito??" Tanong ko.
"Sigh. You dont need to do anything iha. Ang kailangan mo lang gawin ay manatili dito...at maging ligtas." Sagot ni daddy na mukhang seryosong-seryoso.
Diniinan niya ang pagkakasabi sa ng 'ligtas.' Bakit? May gusto bang manakit sa akin? Gusto din ba akong kunin ng mga dragon na iyon? ...Pero kung ako pala sng gusto nila, bakit si papa ang dinukot nila?! Ano ba talagang nangyayari dito? Anong gusto nilang mangyari..?
Halos isang minuto din akong napaisip, bago nagsalita si daddy."Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari Lilian..." Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas ang buhok ko. "Pero wala kang dapat ipagalala dahil nandito kami para tulungan kang hanapin si Albert." Ngumiti siya sa akin.
Binigyan ko siya ng weak smile.
"S-Salamat.." Nakayuko kong sinabi.
Napatingin ako sa mga kapatid ni daddy, at nakita ko na puno ng pagkadismaya ang mga mata ni Wilbert.
Hindi! Hindi ako makakapayag nang ganito. Gusto kong tumulong na hanapin si papa, kahit maging buhay ko pa ang kapalit!"Sorry daddy...pero ayokong umupo nalang dito at maghintay. Gusto kong tumulong sa paghahanap kay papa kahit na anong mangyari!" Buong tapang kong sinabi sabay tayo mula sa aking kinauupuan.
"Pero masyadong mapanganib ang binabalak mo iha--"
Naputol ang pagsasalita ni daddy nang biglang tumayo si Wilbert at nagsalita.
"Tama siya kuya.. Kung tayo man ang nasa kalagayan niya, siguradong hindi tayo magdadalawang isip na kumilos at iligtas ang mahal natin sa buhay." Sabi ni Wilbert habang naka-cross arms.
Nagsalita na rin sila kambal bago pa makapagsalita si daddy.
"We agree..!" Sabay na sabi ng kambal.
"Siiiigh.." Napabuntong hininga si daddy ng napakalalim habang pinipisil ang nose bridge niya. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo Lilian..? Sinasabi ko sa'yo, hindi madaling makipaglaban sa mga dragon."
BINABASA MO ANG
Love @ First BITE
FantasyLove @ First Bite is my original story since I was young. Warning! It has a slight yaoi scenes between the two main characters. But that's not the main story. Please enjoy your selves! Genre: Shoujo, Romance, Harem, (slight) Yaoi, Fantasy, Action...