"Dara gising na apo, baka malate ka" nananaginip pako eh, si lolo naman ang aga mang gising!!
"five minutes" sagot ko dito.
"kakasabi mo lang kagabi na para sa mga estudyante mo lahat gagawin mo... tsk kung alam lang nila kung gaanu ka katamad gumising, hayst kawawang mga estudyante" napabalikwas ako nang bangon sa sinabi nito.
tawa naman ito nang tawa sa ginawa ko. muntik pakong madulas habang papunta sa banyo. si lolo talaga puro kalokohan.
kala mo hindi leader nang clan eh
mabilis lang naman akong kumilos. at sakto lang sa oras nang maka alis ako nang bahay.
papunta na akong gate nang school nang makita ko ang isa sa estudyante ko na nakahiga sa damuhan kaya binati ko ito.
"Kwon Jiyong , good morning. pumasok kana baka malate ka." sabi ko dito.
pero pagkatingin ko sa relo ko mukang ako yata ang malelate. kaya bago pa man ito sumagot ay nagtatakbo na ako
sa gate naman ay nakita kopa ang isa sa mga estudyante ko. "wow me Gf pala si Seungri. mga kabataan talaga ngayun" nagpatuloy na ulit ako sa pag lalakad hanggang sa makapasok nang school.
mabilis lang naman natapos ang oras nang klase ko, lunch break na nun at dun lang ako kumain sa office, pero pag tingin ko sa lunch box ko mukang hindi ko nadala ang kutsara ko.
sakto naman tumawag ang isa sa mga miyembro namin sa school
"Ms. Park may tawag ka" sabi ng co-teacher ko sakin na si Ms. Boomie
"ah thank you" sabay kuha nang telepono sa kanya
"Ms. Park parang ang weird nung tumawag parang ang siga nang dating" sabi nito sa likod ko.
patay to sakin pag dating sa bahay mamaya, sabi nang umayus kung tatawag o pupunta man sila sa school eh. pasaway talaga.
naku baka malintikan ako nang wala sa oras kapag nalaman nilang may gang ako.
uwian na nung nang makita ko ulit si Seungri. mukang maganda naman ang nangyari sa araw na ito. walang gaanung gulo "yoh Ms. Park have a nice day see you tomorrow" paalam nito sakin
"Seungri Dara na lang, may date ka?" sagot ko dito.
nag ok sign lang ito sakin tsaka tumakbo palabas nang gate. "hayst mga kabataan talaga ngayun, masyado nang agresibo." sabi kona lang sa sarili ko. sabagay hindi ko naman naranasan ang mga ganun. wala akong oras.
wala naman gaanung gagawin kaya tumambay muna ako kena Tetsuya sa tindahan nila para magpalipas nang oras,
"boss may binubugbog sa kanto, taga school nyu daw" sabi nito sakin, kaya dali dali naman akong nagtatakbo para malaman kung totoo. pagdating ko dun ay nakahiga na ang estudyante, nakilala ko naman agad ito.
"Seungri ayus ka lang? sinu ang may gawa nito sayu?" tanung ko rito. ang pulis ang sumagot sakin. "ah Ms. ang hinala namin ay gang war ito. baka nadamay lang ang bata." sabi nito sakin. pero iba ang kutob ko.
kanina lang nakita ko syang masaya , anu nga kaya talaga ang nangyari.
kinabukasan pag pasok ko. mainit na naman ang ulo nang vice principal namin. "Ms. Park nabalitaan mona ba ang nangyaring gulo kagabi? balita ko ay isa na naman sa mga estudyante mo ang involve dito" bungad ba naman nito sakin.
bakit kaya pag may ganung gulo mga estudyante ko agad ang involve? hindi ba pwedeng nadamay lang sila?
"Sir. hindi nyu rin ba nabalitaan na aksidente lang ang nangyari at this time eh biktima ang estudyante ko dahil nadamay lang sya sa gulo." depensa ko sa kanila. hindi naman kasi tama na puro sa kanila na lang ang sisi. panu kung wala nga naman silang kasalanan sa nangyari?
pero bago matapos ang mag hapon muli na naman may reklamo sa kanila. "nakita ko silang nagsusuntukan sa gym" sabi nang isang instructor samin.
"naku Mr. kwon alam kong ikaw na naman ang may gawa nito" sabi nang vice principal kay jiyong. "sir baka katuwaan lang ang nangyari, alam nyu naman ang mga kabataan ngayun" depensa ko sa kanila.
"Ms.Park tignan monga ang muka ni Seungri. katuwaan lang ba to? Mr.Kwon gumawa ka nang apology letter kundi i eexpelled kita" sabi nito tsaka umalis.
sinundan ko sila sa klase nila para malaman talaga ang nangyari. "jiyong ayusin natin ito. guys hindi ba ayaw nyu naman ma expelled ang kaibigan nyu?" tanung ko sa klase ko. alam kong may malasakit naman sila dito dahil matagal na nila itong kasama.
"hayaan nyu sya ma'am ganyan talaga yan" sabi ni Seungri sakin. parang wala lang dito ang nangyari. bakit kaya ganun ang mga bata? minsan hindi ko maintindihan ang mga kinikilos nila. masyado silang malalalim.
kinabukasan ganun ulit ang nangyari, nasa office ako that time at tinawag ako ni Ms.bommie para sabihin na nakita nyang nakikipagtalo si Seungri sa mga estudyante nang ibang school. kaya naman dali dali akong pumunta sa classroom nila para alamin ang nangyari.
tinanung ko sila pero walang sumasagot sakin. "Ma'am wala na kaming nagawa, malalakas sila." sabi sakin ni Taeyang.
"kahit na, hindi nyu dapat hinayaan umalis sya nang nag iisa. hindi usapan dito kung matatalo kayu o mananalo. hindi nyu ba naisip, kailangan nya kayu bilang suporta sa laban nya, kahit presensya nyu lang sapat na para lang maisip nyang hindi sya nag iisa. ito ba ang kaibigan para sa inyu?" naiinis talaga ako, hindi ko lubos maisip na ganto ang gagawin nila.
"kahit na mga muka kayung walang kwenta, ang akala ko paninindigan nyo na mga kaibigan nya kayu, pero mukang mali ako. nakakadissapoint! masyado akong umasa sa samahan nyu akala ko matibay kayu mali pala ako" umalis ako sa harap nila pero hinabol ako ni Daesung
"Dara san ka pupunta?" tanung nito sakin. tinignan ko sya nang masama. saan pa nga ba?
"pupuntahan ko sya. ako kasi ang klase nang teacher na hindi pinapapabayaan ang estudyante ko." sagot ko dito. at muli tumingin ako sa kanila, para maramdaman nila na nainis talaga ako sa ginawa nila.
susubukan kong pigilan ang away nila. sana umabot ako bago pa sila mag umpisa. sana madaan pa namin sa maayus na usapan para wala nang masaktan. sana umabot ako.
pero mukang huli na pag dating ko andun din si jiyong , pero naka higa na lang si Seungri "sinu ka huh!?" sabi nang isa sa kalaban nila.
"ako ang advicer nang mga batang binubugbog nyu" sagot ko rito. natawa sya sa sagot ko. pero nakita nyang hindi ako nag bibiro.
may mga sumusugod sakin pero agad ko silang sinipa palayu.
"wag mo kong patawanin Ms teacher ka nila?" sabi pa nito.
"Seungri, jiyong umalis na kayu, dalian nyu!" sigaw ko sa dalawa.
"Ms wag kang mangealam dito" sabat ulit nito.
"tumahimik ka! naiinis talaga ako baka samain ka sakin" at tinignan ko sila nang masama.
hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay nagtakbuhan na ang mga ito palayu. naiwan kaming tatlo
inalalayan ko silang tumayo at dinala sa may damuhan
maya maya dumating na sina Top,Daesung at Taeyang!
"Daraaaa!!!" sigaw nang mga ito sa pangalan ko.
"bakit ngayun lang kayu?" puna ko dito. mga siraulo talaga kundi pa sermunan eh.
"ikaw baliw kadin Dara eh, akala mo kaya mo silang lahat? asan na yun? uupakan kona!" sigaw ni Top. akala mo talaga ang tapang eh.
"wala na tapos na, mga loko loko" sabi ni Seungri habang nakahiga.
sana maging tanda ito sa kanila. matuto sila sa nangyari kena jiyong at seungri. alam ko may tinatagong lambot din ang mga bata, ayukong maattach masyado sa kanila pero mukang hindi ko maiiwasan.
kinabukasan, pagpasok ko bumati ako sa kanila
"goodmorning class!" bumati si Seungri, Top at Daesung, kumaway lang si Taeyang at ngumiti lang si Jiyong.
mukang magiging maganda ang araw namin. matapos ang nangyari kahapon sana maging matatag na sila. at makita nila ang tunay na halaga nang salitang kaibigan. hayst mga bata talaga ang sakit sa ulo!!
BINABASA MO ANG
My Teacher Is A Gangster (Daragon filipino Fan Fiction)
Fanfictionisang karaniwang gangster si Gd sa school nila, pasaway at laging nagbubulakbol ang ginagawa pero magbabago ang lahat pag nakilala na nya ang new advicer nila.