Graduation

594 16 0
                                    

kinakabahan ako na ewan habang isa isang tinatawag ang mga estudyante sa stage. dahil pagkatapos ng section na yon ay ang speech na nang valedictorian ang susunod. 

dyusko 

sana hindi ako mautal habang nagsasalita.

"Gd goodluck.." sabi sakin nila Taeyang. 

"Jiyong wag kang masyadong kabahan kaya mo yan.. andito lang kami" sabi din ni papa habang nakaupo sa tabi ko.

"and now our valedictorian please..." sabi ng MC.

pumanik na ako ng stage

iba pala talaga ang pakiramdam kapag nasa stage kana at kaharap mo ang mga kapwa mo estudyanteng nagsipagtapos nang araw na iyon.

"thank you, salamat sa lahat ng tumulong sakin. samin o sa atin na makarating sa araw na ito ng ating pag tatapos. sa ating mga magulang na andyan lagi sa tabi natin para sumuporta. sa mga teacher natin na handang magturo satin ng mga bagay na makakatulong saatin sa hinaharap. salamat sa inyung lahat..

at sa mga taong nabanggit ko, may isang tao kaming lubos na pinapasalamat. dahil hindi sya sumuko samin sa kabila ng katigasan ng ulo namin, lagi syang andyan para sumuporta samin. hindi nya kami pinabayaan hanggang sa huli. sa mga classmates ko alam nyo na kung sinu ang tinutukoy ko.

"letche ka Gd sabi mo hindi nakakaiyak yung sasabihin mo..." reklamo ni Daesung habang humihikbi sa tabi nang parents nya.

"anak tumigil ka nga kakaiyak, anlaki mong tao" saway naman nang papa nito

at sa taong lubos kong ginagalang Pa salamat, at sa pinakamamahal kong ina Ma sana andito ka. 

at sa taong pakamamahalin ko nang sobra maraming salamat sayo, wala ka man dito ngayun pero dahil naman sayo kaya kami nakapag tapos. salamat isa lang naman ang hiling ko SANA SAGUTIN MONA AKO..." yun lang at tinapos kona ang speech ko.

"Gd sasagutin kana nun..ikaw pa ba?" sabi nila Top sakin. natatawa lang ako sa kanila. panu kaya kapag hinarap kona si Dara sa kanila as Girlfriend ko? baka magtakbuhan lang sila ahahahhaha ^^

wala si Dara nang araw na iyon dahil kelangan pa nyang magpahinga sa ospital. kakagising lang nya kahapon. ayaw ko naman mabinat sya baka lumala lalo ang sakit nya. kaya tama na muna sakin ang maipanuod ko sa kanya kung anuman ang sinabi ko ngayun sa stage.

binilin ko kasi kay papa na ivideo ako habang nagsasalita. pagkatapos nito didiretso kami sa ospital para puntahan si Dara kasama si Papa.

pagkabalik ko sa pwesto ko ay inabot sakin ni papa ang cp ko. "kanina pa tawag nang tawag si Dara sayo.." sabi nito.

pagkasabi nya nun ay agad ko syang tinawagan

"andrama mo kanina ah..." sabi nito sa kabilang linya.

"teka panu mo nalaman??" napalingon ako sa paligid ko at nakita ko syang nakatayo sa likod

"bakit ka lumabas nang ospital? baka mabinat ka...!!" sabi ko kunwari dito pero sa totoo lang tuwang tuwa ako. buti na lang at nakaabot sya sa graduation namin.

"pinilit kong lumabas, actually tumakas ako hehe. gusto ko kasing ibigay na sayo ang regalo ko. para hindi kana mag drama sa stage." kinakabahan naman ako, pwede bang umihi muna?

"Jiyong, sinasagot na kita. hindi mo lang alam kung gaano ko kapigil ang sarili ko pero parang sasabog na ang dibdib ko sa kakapigil. mahal na kita." lord ito na ba iyon? salamat po

"salamat Dara. i love you, hindi mo alam kung gaano moko napasaya" pagkasabi ko nun ay hinila ko sya sa gitna kung saan ay nagkakasaya na ang mga estudyante dahil tapos na ang graduation ceremony.

My Teacher Is A Gangster (Daragon filipino Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon