pangalawang araw nang absent si Jiyong, hindi man lang ito nag tetext sakin, kung kelangan nito nang tulong ok lang naman nakahanda ang grupo nila taeyang pero kahit sa mga ito wala man lang nakaka alam kung bakit ito absent.
"Dara kung puntahan mona lang kaya si Gd sa kanila? ang alam ko kasi wala ang papa nya dun eh."sabi ni Daesung sakin. panu kung abutan naman ako dun nang papa nya? baka kung anung isipin nito sakin.
"tatawagan kona lang ulit mamaya baka sumagot na"sabi kona lang dito.
dati naman kasi parating ito ang buntot ko pero ngayun wala, pagkatapos naming mag alaga nang anak ni Ms. bommie at umuwi ito yun lang ang huli naming pag uusap.
"Dara apo nasabihan mona ba si Jiyong?" sabi ni lolo sakin nang makauwi ako sa bahay, tumango lang ako bilang sagot dito. pero nahalata yata nya na wala ako sa huwisyo kaya naman nilapitan ako nito.
"may problema ba apo?"tanung ulit nito sakin. kaya naman sinabi kona sa kaniya na nag aalala na ako kay jiyong kasi ilang araw narin itong wala sa klase.
"puntahan mona sa kanila, wala naman masama teacher ka nya at naging kaibigan narin natin sya, sige na hija kesa naman patayin ka nang kakaisip mo dyan" kaya naman dali dali akong lumabas nang bahay para puntahan ito sa kanila.
Jiyong POV'
masama parin ang pakiramdam ko. hindi ko naman masagot ang tawag nila taeyang dahil ayukong mag alala ang mga ito sakin.
pati si Dara tumatawag narin, pero baka magtatanung lang ito kung makakapunta bako sa welcome party nang kaibigan nya. tyak na yun lang ang sadya nun, posible namang mag alala iyon sakin.
"sir ito napo ang pagkain nyu tsaka yung gamot"sabi nang kasama namin sa bahay, tinignan ko lang iyon at hindi ginalaw dahil wala talaga akong gana.
ilang araw narin kasi akong may sakin, ewan ko ba naman kung bakit ngayun pako nang kasakit eh. sana bukas maging ok na ako. namimiss kona kasi ang mag trabaho, ang school , sina taeyang syempre pati narin si Dara.
maya maya may sumalat nang nuo ko. sa pag aakalang si manang lang ito hindi na ako nag abala pang dumilat.
"dalawang araw napo syang ganyan mam, hindi din nya ginagalaw ang pagkain nya" nag taka ako sinu naman kaya ang kausap ni manang?
pero hindi ito nag salita. lumapit lang ito at nilagyan ako nang bimpo sa nuo. maya maya pa ay dumilat ako para tignan kung sinu ang kasama ko sa kwarto, at nagulat naman ako nang makita ko si Dara na nakaupo sa sahid habang nagbabasa nang lesson plan nito.
"oh gising kana pala. anung gusto mong kainin? may masakit ba sayu?? uminom kana nang gamot? sunod sunod na tanung nito sakin.
"bakit ka andito sa bahay?" tanung ko dito. hindi ko inaasahan na dadalawin ako nito. sa lahat nang tao ito ang pinakamalabong mag alala sakin.
"nag aalala na kasi sina taeyang sa iyo, tsaka syempre ako din. anu may gusto kabang kainin? malamig na kasi ang pagkain dinala ni manang kanina sayu" humingi na lang ako nang soup at agad naman itong nag pagawa kay manang.
"ayan kumain kana para makainom kana nang gamot"sabi nito, pero muli akong nagulat nang subuan ako nito. hinipan pa para lang hindi ako mapaso
"Dara baka hinahanap kana sa inyu" sabi ko dito matapos akong pakainin at makainom nang gamot.
"hindi nagsabi nako kay lolo na dito na muna ako sa inyu ngayung gabi para bantayan ka" nagtataka naman ako sa inaasal nito. para bang nag aalala ang mga ito sakin.
"sige na magpahinga kana ako na ang magbabatay sayu, para bukas ay maging ok kana" sabi pa nito sakin.
"wag kang masyadong maging maalaga Dara baka masanay ako, tsaka hindi ako sanay makita kang ganyan"nakangiting sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
My Teacher Is A Gangster (Daragon filipino Fan Fiction)
Fanfictionisang karaniwang gangster si Gd sa school nila, pasaway at laging nagbubulakbol ang ginagawa pero magbabago ang lahat pag nakilala na nya ang new advicer nila.