Prom Night

550 24 0
                                    

sa school lang ginanap ang J.s Prom namin. simple lang ang pagkaka ayus nito "buti pumunta ka GD." bati sakin ni Taeyang,  bakit hindi ba ako welcome dito?

"wala naman kasi akong gagawin ngayun kaya pumunta na ako" ah! hindi pa pala nila alam na dadating si Dara. siguradong matutuwa sila kapag nagkaroon kami nang mini reunion.

dumadami na ang tao pero wala parin sya, nakalimutan ba nyang ngayun ang prom? hay naku naman. "Mr. Kwon wala pa ba si Ms.Park?" tanung ni Ms.Boomie sakin. medyo late narin kasi pero hindi pa sya dumadating. anu na kayang nangyari dun?

"wala papo Ms.Boomie baka na traffic lang yun" sabi kona lang dito.

"and now guys the dance floor is all yours" sabi nang MC samin matapos nitong i announce kung sinu ang best gown pati ang Prom King and Queen na announce narin nito pero wala parin si Dara.

naiinip na ako ah, sana pala hindi na lang ako pumunta kung alam ko lang na hindi ito sisipot ngayung gabi. nakakainis hindi man lang magsabi kung dadating paba o hindi na.

"GD tara sayaw tayo" aya sakin ni Taeyang pero wala ako sa mood.

"kayo na lang baka umalis narin ako maya maya" sabi ko sa kanya.

"bakit wala ka sa mood kanina kapa parang mag inaantay" tsk. badtrip naman kasi eh. hindi ko na lang sya sinagot. kumuha na lang ako nang maiinom mag food trip na lang ako. sayang din naman kasi ang binayad ko dito.

"jiyong pwede moba akong isayaw?" hindi pamilyar yung babae sakin. 

"ayoko Miss sorry" tanggi ko dito. 

"sige na please jiyong naman eh" tsk ang arte ah. 

tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, "Miss wag mokong matawag tawag na jiyong hindi tayo close, tsaka ang alam ko kapag Prom ay lalaki ang nag aaya kaya please tantanan mo ko, wala bang nag sasayaw sayo?" napahiya siguro sa sinabi ko kaya umalis na.

iba na talaga ang mga babae ngayon, sila na ang lumalapit sa mga lalake. 

"gutom lang?" sabi nang nasa likod ko. hindi ko sya pinansin baka isa na naman sa mga babaeng kanina pa ako pinipilit mag sayaw

"ah so kapag naka Pormal attire ka isnabero ka" nilingon kona sya, pero ako ang nagulat nang makita ko kung sinu ang nag sasalita.

"dumating kapa, hindi moba alam kung anung oras na?" sabi ko sa kanya. pero hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kanya. para akong nakakita nang anghel, ang ganda nya.

"me inasikaso pa kasi kami nila Tetsu. buti nga hindi ako gaanung nagalusan dun kaya nakapunta ako" paliwanag nito. 

"may masakit ba sayo? sana tinext mona lang ako para masundo kita" nag alala naman ako nang malaman ko kung san sya galing. nakipag away na naman pala. 

"kumain kana muna. anung gusto mo kukuha kita" napangit naman ito sa sinabi ko. 

umalis ako saglit para ikuha sya nang makakain pero pag balik ko pinalibutan na sya nila Taeyang. "Dara sayaw tayo" aya nya kay Dara. pumayag naman ito.

andun na sila sa dance floor pero tanaw ko parin sila. andaming napapalingon ditong lalake. hindi ba nila namumukaan ang advicer namin? baliin ko kaya ang leeg nila isa isa?

"Gd hindi mo man lang sinabi samin na dadating si Dara" puna sakin ni Top.

"eh ako nga hindi ko alam kung dadating pa yan eh. kala ko hindi na" sagot ko dito. pero ang ganda talaga nya ngayun. sana hindi na lang sya gaanung nag ayos para wala akong maging kaagaw sa kanya. karamihan pa naman sa natitirang tao dito ay lalaki.

My Teacher Is A Gangster (Daragon filipino Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon