nagpunta ako sa school nila jiyong dahil wala naman din akong ginagawa sa bahay, buong maghapon lang akong nakaupo dun. minsan naman gusto kong sumama kay lolo pero ayaw nya akong payagan. baka daw ma pressure ako sa mga tao dun na tanggapin na ang posisyon nya.
"Dara hindi ka man lang nagsabi sana nasundo kita" sabi ni jiyong sakin nang pumunta ako sa classroom nila matapos namin makapag chikahan ni Ms.Boomie.
"naku hindi din naman ako magtatagal dito, gusto ko lang tignan kung ok kayo"napatingin ako sa gawi ni Top na kanina pa parang iba ang tingin sakin. sinabi naba ni jiyong sa mga ito na nanliligaw na sya sakin? naku isa pa yon, anu kayang magiging reaksyon nila kapag sinagot kona si jiyong. siguradong riot to.
"upo ka muna tamang tama reporting ni Top ngayun" ah kaya pala kanina pa sya nakatingin sakin. baka kinakabahan sa reporting nya.
"Dara pa check nga kung may dapat pa ba akong baguhin? o may idadagdag paba ako?" tinignan ko ang gawa nya, maayus naman. mukang tumino na talaga ang mga estudyante ko. seryoso na sila sa pag aaral.
"tama na ito Top, maging confident ka lang sa pag sasalita. at kung may follow up questions ang mga classmates mo o ang teacher mo dapat masagot mo ang tanung nila. kasi dun makikita na mahusay ka sa pagrereport dahil interesado sila sa mga sinasabi mo." payo ko dito. nakakamiss magturo sa kanila. sana ako parin ang advicer nila para masaksihan ko ang pag iimprove nila. pero choice ko naman ito kaya ayus na lang din. ayukong madamay sila sa mga sabit ko.
during ng reporting ni Top ay andun parin ako. nakikinig lang sa pag sasalita nya, napagawi ako sa upuan ni jiyong. nakikinig din sya. ang cute nya kapag ganyang seryoso sya. "alam kong magandang lalaki ako, pero wag mo naman akong masyadong pakatitigan, nakakailangan eh" hmf! yabang ah.
inirapan ko lang sya, masyadong confident wala man lang pa humble effect? kakaikot ng paningin ko napansin ko ang isa nilang classmate na panay ang text at ngiti kada makakatanggap ng replay mula sa ka text nito. naisip ko tuloy kung maging kami kaya ni jiyong ay magtagal kami? makayanan nya kayang makasabay na meron ako?
normal naman sa ngayun ang buhay namin pero baka dumating ang panahon na kelangan kong mamili sa pagitan nya at nang posisyon ni lolo na ipapasa sakin.
nakatanggap ako ng text mula kay Tetsuya, nawala sa isip ko na may lakad pala kami. nagpapagawa kasi sya ng restaurant si lolo, dun daw nya ilalaan ang oras kapag nag retire na sya bilang boss nang clan.
"ji' mauna na muna ako. may kakausapin lang kami nila tetsu."paalam ko dito.
"hindi mona ba maantay matapos ang klase ko para masamahan kita" hinawakan pa nya ang kamay ko. napatingin naman ako sa paligid at marahang tinanggal ang pagkakahawak nya. andami kasing tao hindi pako handa kapag nalaman nila.
"sige na , i text na lang kita pag tapos na kami.." nagpaalam nako sa klase pati narin sa teacher nila.
mga past 5 na nang hapon nang matapos ang transaction namin. sila kasi ang magdedeliver ng materials at mga furniture sa cafe' ni lolo.
"Dara!!" napakunot naman ang nuo ko nang makita ko sila Taeyang. napansin ko naman na hindi ako pinapansin ni jiyong, ni hindi sya lumalapit sakin.
"anung masamang hangin ang nagdala sa inyu dito?" kunwaring sabi ko sa kanila. pero ininvite ko sila sa bahay para makapag miryenda. nakakapagtaka talaga si jiyong. wala ba sya sa mood?
"gusto ko lang mag thank you sayo sa advice mo sakin kanina. ito oh chocolates" aabutin kona sana pero ang bilis nang kamay ni jiyong at sinubo agad LAHAT as in LAHAT ng bigay nito.
"Gd anu ba? para kay Dara yun eh!!" sabi ni Top dito.
"gutom ako top, hindi sya kumakain ng chocolates" palusot nito.
BINABASA MO ANG
My Teacher Is A Gangster (Daragon filipino Fan Fiction)
Fanfictionisang karaniwang gangster si Gd sa school nila, pasaway at laging nagbubulakbol ang ginagawa pero magbabago ang lahat pag nakilala na nya ang new advicer nila.