ok na ang lahat. kasama ko ang lolo ni Dara nang magpunta kami sa hideout nang dumukot saming dalawa, nalaman narin namin na ito pala ang may pakana nang pagkakatanggal sa trabaho ni Dara. kasabwat nito ang vice principal sa school namin.
kahit kelan talaga ang epal nya, bakit kaya ang laki nang galit nito samin? "hijo magpupunta ako sa school nyu bukas at gusto ko andun kayong mga estudyante ni Dara sa harap nang vice principal nyu. gusto kong ako mismo ang maglinis sa pangalan ni Dara" sabi nito sakin. hanga ako sa pag mamahal nya sa apo nya. talagang lahat gagawin nya para kay Dara.
kinabukasan nga ay nagpunta sya sa school. kaharap kaming lahat habang kinakausap nya ang mga head nang school. "malinis ang hangarin nang apo ko nang pumasok sa school na ito, at wala akong nakikitang masama kung kasapi sya nang isang gang, bilang teacher obligasyon lang nila na protektahan ang kanilang mga estudyante" sabi nito sa kanila.
"pero natatakot po kami sa posibilidad na mahatak nya ang mga bata na sumali sa mga gang, ayaw po naming madagdagan ang sakit sa ulo nang mga kapwa naming guro sa school na ito." sagot dito nang vice principal
"pero hindi ba mali din na gamitin ang mga estudyante at kahinaan nang kapwa nyo kaguruan para lang sa pansirili ninyong kapakanan? alam na namin na isa kayo sa dahilan kung bakit nadukot ang apo ko at isa sa mga naging estudyante nya" natulala ang vice principal sa sinabi nito.
dun na namin nilabas ang mga tape kung saan nakarecord ang sinabi nang kasabwat nito. dinig nang lahat ang sinabi nya na gusto nyang ma promote as principal. tahimik parin ang lahat hanggang matapos mag play ang tape. "inaamin ko mali ako pero para din naman sa school ang ginawa ko, ayaw nyo bang mawalan nang sakit nang ulo?" dipensa nito sa sarili.
"pero hindi namin hiningi sa iyo na alisan mo kami nang magaling na teacher at nang mga estudyante. kung maari lang gumawa ka nang resignation letter at umalis kana ngayun din sa school" sabi nang principal dito.
galit na galit ito habang nililigpit ang mga gamit nya. hanggang sa makalabas sya nang office ay padabog pang isinara ang pinto. "humihingi po kami nang paumanhin sa nangyari kay Ms.Park" sabi nang principal sa lolo ni Dara.
matapos ang pagpapa alis sa vice principal ay sinamahan ko sya para makapag ikot saglit sa school. "may gusto kaba sa apo ko jiyong?" halos malunok ko lahat nang laway ko sa tanung nyang iyon. halata naba ako masyado?
"malinis po ang intensyon ko sa apo nyo"sincere na sagot ko dito. wala naman sigurong masama kung aamin ako dito.
"ganun naman pala bakit hindi mo pa aminin kay Dara ang nararamdaman mo?" dugtong pa nito.
"ayoko pong makasagabal sa mga plano ni Dara. tsaka na lang po siguro kapag maayus na ang lahat" sagot ko dito. iyon naman talaga ang balak ko, nag aantay lang ako nang tamang panahon para sabihin kay Dara ang nararamdaman ko.
Dara POV'
inilabas na ako ni lolo nang ospital, wala naman kasing seryosong nangyari sakin, konting galos lang naman "ok kana ba talaga apo?" sabi pa ni lolo sakin. ang sweet talaga nito sakin. kaya ang swerte ko at sya ang naging lolo ko eh.
"opo, siguro ang aasikasuhin ko naman ay ang paghahanap nang panibagong school na maaaplayan" ME
"bakit hindi kanaba babalik sa school nila jiyong?" tanung nito sakin. sinabi nyang galing sya dun kanina bago nya ako sunduin sa ospital.
"hindi na po. alam na nila ang background ko. ayoko pong kapag wala ako sa school ay iba ang iisipin nila sakin." paliwanag ko dito.
"pero nasabi mona ba sa mga bata ang desisyon mo?" umiling lang ako. sa totoo lang hindi ko alam kung panu sasabihin sa kanila. ayokong makitang madisappoint sila sa desisyon ko.
BINABASA MO ANG
My Teacher Is A Gangster (Daragon filipino Fan Fiction)
Fanfictionisang karaniwang gangster si Gd sa school nila, pasaway at laging nagbubulakbol ang ginagawa pero magbabago ang lahat pag nakilala na nya ang new advicer nila.