other side

1.8K 41 0
                                    

pinuntahan ko ang hide out nang mga kumuha nang wallet kay Taeyang alam kong dito sila nag kukuta dahil minsan na nilang nabangga ang clan namin. alam kong hindi sila basta basta makaka alis sa lugar na iyon.

hindi pa nila ako nakikita kaya hindi nila ako kilala. safe naman ako kahit ako lang mag isa kayang kaya ko sila.

nang makarating ako sa lugar kung saan sila nagtatago ay pinag babalya ko ang gate nila  hanggang sa bumagsak."waaahhh akala ko naman kung sinu" sabi nang isa sa mga kasamahan nito. "Miss wala kang gagawin dito makaka alis kana." sabi pa nang isa sakin

"ibalik nyu ang kinuha nyung wallet " sabi ko sa mga ito.

"wala na ginastos na namin, tsaka panu mu nalaman? ate kaba nya?" sabi pa nito at hinawakan ako sa buhok. sa lahat nang ayuko ay hinahawakan ako sa buhok lalo nat hindi naman kami close.

"ako lang naman ang advicer nang batang inagawan nyu nang wallet at ngayun nahaharap sya sa problema dahil sa ginawa nyu. kaya ibalik nyu na ang pera bago pako mapikon sa inyu" pagbabanta ko sa mga ito,

sa mga oras na iyon ay talagang nang gigigil na ako. maling hakbang lang ng mga ito sa ospital ito pupulutin

"teacher? wow ma'am ang lakas nang loob mong pumunta dito nang ikaw lang?" sabi nito, at sa likod ko ay may naka amba na para paluin ako nang bangko. 

nailagan ko naman ang pag hampas nya sakin, at para mapabilis ang pang yayari ginulpi ko sila at agad kong kinuha ang pera, tinakbo ko ang daan papuntang school para malinis ang pangalan nang estudyante ko,

simula sa araw na ito, sisiguraduhin kong habang ako ang advicer nila. gragraduate sila this year, and thats a PROMISE!!

G-dragon POV'

pagkadating ko sa hide out nang mga loko lokong kumuha nang wallet mula kay Taeyang ay nakabulagta na silang lahat. wala nadin dun ang wallet kasama ang pera 

kasunod nun ay bumalik ako sa school, naabutan kong galit na galit ang mga classmates ko sa vice principal dahil ipapakulong daw nito si Taeyang dahil sa pag kuha nito nang wallet

"wala na akong magagawa sa inyu , sana ay maging aral ito sa mga estudyante. wag nyung tutularan ang ginawa ni taeyang. kahihiyan ito sa school natin" sabi pa nito,.

"saglit lang sir.!! andito na ako. nahanap kona ang wallet mo" tumatakbong sabi ni Ms. Park

nagulat ang lahat , lalo na ang vice principal dahil hindi nya akalain na nasa kanya nang muli ang wallet nya" Ms. Park saan mo nakita? sana hindi mo lang ito ginawa para pagtakpan ang mga estudyante mo" sabi pa nito. kainis imbes na magpasalamat na lang ay kailangan pang mamintas.

"nahulog nyu po yan sa may hagdan malapit sa Cr. bilangin nyu po ang pera baka kulang. ngayun safe napo ang estudyante ko" sabi ni Ms. Park dito

pumunta ito sa gawi namin ni Taeyang. "wag mo kong ipapahiya umakto kang normal" nakangiti nitong sabi samin.

parang may kakaiba dito. maliit lang itong babae pero nagawa nitong manggulpi nang humigit sa limang lalaki. and take note mga gangster ang ginulpi nito.

"Top mukang kakaiba si Ma'am" sabi ni Taeyang kay Top. well totoo naman ang sinabi nito. parang may tinatago itong kakaiba samin. 

"nagkaroon kana ba nang interest kay ma'am? nakakadiri ka Taeyang" panunukso nito. 

"tarantado Teacher natin yon" at hinabol ito ni taeyang. hindi dun natapos ang tuksuhan nila. naghabulan pa ang mga ito na parang mga bata, hindi ko naman ito pinansin. nahiga lang ako para makapag pahinga,.

kelangan ko nang tulog dahil mamaya ay may duty pa ako. ganto kami lang nang mga katropa ko. pagkatapos nang klase dito kami sa tambayan namin naglalagi para narin makaiwas sa away. pero hindi din naman namin maiwasan kung minsan dahil parang lapitin kami nang away. 

kung sa bahay naman ako magpapahinga ay magiging boring din naman wala din naman kasi akong aabutan dun kundi ang mga maids namin.

abogado kasi ang tatay ko at lagi itong busy sa mga cases na hawak nito. 

sa twing magkikita kami lagi lang kaming nagtatalo, laging opposite ang mga opinyon namin kaya simula nang mamatay si mama ay natuto na akong tumayo sa sarili kong paa. 

ayukong umasa sa tulong nang kahit na sinu. lalo nat galing kay papa.

Dara POV'

"lo' bakit po ganun ? gusto ko lang naman na mapabuti sila pero ayaw nila akong bigyan nang pagkakataon .." sabi ko kay lolo. sa maghapong iyon napagod ang katawan ko. kahit sanay ako sa laban ay may limitasyon din naman ang katawan ko.

"may mga bagay hija na kailan man ay hindi na natin mababago. may mga nangyari sa nakalipas na lubusang nakasakit sayu at dala dala mo iyon hanggang sa kasalukuyan. kagaya nang nangyari sayu? sa tingin ko ay ito ang dahilan mo kung bakit hirap kang tanggapin ang posisyong inaalok nila sayu" sabi ni lolo sakin.

"lo' malakas pa kayu alam kong kaya nyu pang alagaan ang clan natin, sa ngayun kelangan ako nang mga estudyante ko. nakikita ko ang sarili ko sa kanila." paliwanag ko naman dito.

siguro balang araw ay tatanggapin ko ang maging leader nang clan namin, alam kong hindi ko naman iyon matatakasan dahil sabi ni lolo ay tinakda na akong tagapagmana nang posisyon nya.

dapat sana si papa kaso napatay ito. at ang pagkaka alam ko isang abogado ang pumatay dito. sa loob nang kulungan. kaya kelangan kong umaktong normal na tao para mahanap ko ang pumatay sa tatay ko, pagkatapos nun tsaka ko lang tatanggapin ang posisyon naka atang sakin.

"wag mong ikulong sa sakit nang nakaraan ang sarili mo Dara. kung tatanggapin mo ang posisyon ko ang gusto ko ay bukal sa loob mo, hindi dahil sa ikaw lang ang nakatakda." sabi pa nito sakin.

hindi korin naman gustong magalit, dahil sawa na ako sa galit. pero hindi ko maiwasan dahil kapag naaalala ko si papa ay nalulungkot ako

ayaw nito na lumagay din ako sa posisyon kung saan ay napipilitan lang ako.

"anak ikaw lang ang anak ko at higit sa lahat babae kapa. kaya ayukong pasukin murin ang buhay namin nang mga lolo mo. kaya hayaan mo sisiguraduhin kong magkakaroon ka nang normal na buhay" sabi ni papa sakin dati, nung nabubuhay pa ito kasama ko.

simula nun natuto akong mangarap para sa sarili ko, pero mula nang mawala din ito ay nag lahong parang bula ang mga pangarap ko. hininto kong mangarap dahil alam kong hindi pwede , sa buhay namin hindi ka mabubuhay kundi ka lalaban. 

matapos nun ay nakatulog na ako. kelangan kong magpahinga para sa mga estudyante ko, tsaka may mission pakong kelangan harapin. hindi ako pwedeng maging mahina sa mga panahong ito.






My Teacher Is A Gangster (Daragon filipino Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon