Game 7 - The Guys Emma Price left Broken Support Group

11K 139 3
                                    

Game 7 -  The Guys Emma Price left Broken Support Group

 "I had a great time Tita, Tito." I said smiling at Anya's parents. Great time, I had. Yes. Matatawag mong great time iyon kung gustong gusto mong marinig na matanda ka na at kailangan mo ng mag settle down. 

All throughout dinner panay kasal na ang pinag-usapan namin. Blind dates and all. Don't they know my father had already bugged me about it. Kung hindi ko lang talaga sila tinuturing na pamilya kanina pa ako umalis.

But hey, since I was a kid nandiyan na sila, my absentee mother was well always gone and Tita Amelia was like my mother in a way. I am grateful for them kaya kaya kong tiisin yung mga talks about marriage and oh help me kids.

"Sabi ko naman sayo Eponine na you're always welcome at our home." Tita Amelia said. Hell. I really hate my name. 

"You know I'm busy tita." 

"I know. I know. Minsan nalang kasi namin makita sila Anya at Andrei." 

"Mother what do you expect? You wanted me to marry a prince and now I did and I'm busy being a princess and you wanted Andrei to be an ambassador and now he is. We just did your bidding." Anya rolled her eyes. "Do you really have to go Ems?" she asked me and well I'm guessing ayaw niya akong umalis dahil alam niyang pag umalis na ako, sa kanya na tututok yung usapan. 

"You know I do." I said. Alam naman niyang magkikita kami ni Caleb ngayon. 

"Well I won't let you be late to whatever appointment you have." Tita said. "But you have to come to next week's barberque okay? Andrei's coming." 

Anya again rolled her eyes at ako naman ay ngumiti lang. "Mother stop setting Andrei and Emma up. Hindi mangyayari iyon." mataray na sabi ni Anya kay Tita. 

"Anya dear." sabi nalang ni Tita na para bang sinasabi na mali siya. But Anya's right it won't happen. Ilang beses na bang sinubukan ni Tita na iset up ako pati si Andrei, puro disaster lang. We don't really click.

Umalis na din ako pagkatapos kong magpaalam sa kanila. Dumiretso na ako sa Rocks, Bago ako bumaba ng sasakyan ko, inayos ko muna yung make up ko at pati na din yung buhok ko. 

Pumasok na ako sa loob ng Rocks at sobrang dami na naman ng tao sa loob, it's to be expected dahil Friday ngayon. And Rocks is one of the hot spot here in Manila.

Habang ako ay naglalakad papunta sa bar may mga nakakilala sa akin at binabati ako through their nods. Ngumitingiti nalang din ako sa kanila. 

Umupo ako sa stool at agad naman pumunta sa akin yung bartender at ngumiti sa akin. Alam na din niya yung order ko at ginawa na niya din. 

I looked around while holding my drink. I can't believe na nauna pa ako kay Caleb dito. Hindi ko pa kasi siya nakikita. 

Let's Play Doctor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon