Game 25 - You two have a daughter
Two weeks passed since my grandparent's anniversary at hindi parin kami nag-uusap ni Caleb. Hindi naman sa iniiwasan ko siya kundi busy lang talaga ako sa trabaho ko, hindi naman madali ang pagiging doktor. At ganun din naman si Caleb.
Tatlong beses palang niyang sinubukan na kausapin ako, hindi sa nagbibilang ako ah. Pero ayun nga tatlong beses palang ibig sabihin lang nun busy rin siya. Siguro nga tama si dad na may problema yung bangko na pinagtratrabahuhan niya.
I do miss him but I can't make myself to pick up the phone to call him. Hindi ko lang talaga magawa. Siguro dahil sa pride na rin, dahil wala naman akong kasalanan sa kanya kaya bakit kailangan ako ang unang kikilos? He accused me of flirting with anyone in that party which wasn't true anyway.
"Emma!" nakangiting bati sa akin ni Ron.
"Hi Ron." bati ko sa kanya. Inabot niya sa akin yung mimosa. "Thanks."
"Hindi ko alam na pupunta ka ngayon dito."
"Tita invited me." sabi ko. Today was a brunch hosted by Alona Crisostomo, Andy's mom. And I can never say no to her. "Where's Andy by the way?" tanong ko kasi kanina ko pa hindi nakikita si Andy.
Tumingin tingin si Ron sa paligid, kunti lang yung tao ngayon dito, mga close friends lang talaga ni Tita which was composed of twenty people or less I think. He shrugged. "HIndi ko pa nakikita yun." he said
"Emma?"
I turned around to see Caleb. "Caleb."
Lumapit siya sa amin ni Ron. "Anong ginagawa mo dito?" he asked, as if seeing me here was a surprise. Which wasn't, dahil every brunch tita throws I'm always there unlike Caleb.
"I was invited." I said.
"Can we talk?" Caleb asked.
I was about to say yes but Tita Alona yelled for me, so I excused myself and went to Tita Alona. I talked to her for awhile, tas bigla nalang itong nawala.
Pumasok ako sa loob ng bahay, pinagmasdan ko yung mga picture frames sa living room, nakakatawa lang dahil ang dami kong picture dito na kasama si Andy at Ron, meron nga isang picture na halatang tinanggal si Angelo sa picture. Picture namin yung nila Angelo, Anya, Elena at Andy.
"Close na close pala talaga kayo nila Andy." Caleb commented, nasa likod ko siya at yung mga kamay niya naman ay nasa waist ko na. "I missed you."
"Well, it was high school." I said. "If you missed me why didn't you call?" I asked, umikot ako at hinarap siya.
He grinned at me. "Were you waiting for me to call you?"
BINABASA MO ANG
Let's Play Doctor!
General Fiction(Some scenes are not suitable for young ages.) Si Emma, isang babae na hindi naniniwala sa salitang LOVE. Lumaki siyang hindi pinangarap ang umibig at magpakasal. Ayos na sa kanya ang buhay niya ngayon na isang party girl. Ayaw niyang pumasok sa isa...