Game 41 – You ruin relationships Emma, even ours
“Ems?” Agad akong napatingin sa may pinto ng study, pumasok sa loob si Angelo at ngumiti sa akin. “Aalis na ako. May meeting pa ako bukas.”
Tumango ako at tumayo para magpaalam sa kanya. “Okay, salamat sa pagpunta. At mag-ingat pauwi.” I kissed him on the cheek and hugged him. “See you.”
“Yung adoption ni Shiloh Ems, hindi na ako tututol kung ito talaga ang gusto mo. Kung gusto mo tutulong pa ako para mas mapabilis yung process ng adoption ni Shiloh.” Sabi ni Angelo.
Napangiti naman ako, kahit pa talaga minsan tututol si Angelo, oras na makita niyang ito ang magpapasaya sa akin, on board na rin siya. “Thank you Lo.” I said.
“You’re welcome Nin.” He grinned at me and hugged me one more time. “Just call me when you need me okay?”
Tumango ako at umalis na rin siya. Bumalik ako sa mga natitirang bisita ko at nagpaalam na rin sila sa akin, nagpasalamat ako sa pagpunta nila at nagsorry na rin dahil wala si Caleb. Hindi ko alam kung saan to napunta at ngayon mas mabuti sigurong hindi muna kami magkita.
Kakagaling lang namin sa away at mas mabuti pang mag cool off muna kami dahil baka mamaya nito, mag-away lang kami lalo. We’re mad at each other and it’d be best if we’re not hot headed right now.
Tinignan ko kung nasa labas yung kotse ni Caleb at nung nakita kong wala ito, nagbuntong hininga ako. Hindi ko alam pero nalulungkot ako na umalis si Caleb nang hindi man nagpapaalam sa akin.
Sabi ni mom, nauna pang umalis si Angelo kaysa kay Caleb pero bakit hindi ko man siya nakita?
“Eponine?” mom called from the living room.
Naglakad ako papunta sa living room at tinignan si mom. “Yes?”
“Nag-away ba kayo ni Caleb?” tanong niya. Gusto ni mom si Caleb although hindi ko alam kung bakit, siguro dahil alam niyang ayaw ni dad kay Caleb kaya ganun pero iba parin talaga. She seemed to like Caleb with me.
“It’s nothing really.” Sabi ko, magkakaayos din naman agad kami ni Caleb pagkatapos namin makapag-isip. Babalik din si Caleb at magso-sorry sa akin at ako rin naman ganun, kaya hihintayin ko lang si Caleb.
“Bakit hindi mo ngayon puntahan si Caleb at ayusin niyo na yung problema niyo?” tanong niya sa akin.
Umupo ako sa kabilang sofa. “Magkakaayos din kami in no time mother. Siguro bukas nandito na ulit si Caleb.” I said.
“Eponine, in a relationship both should be making an effort. Hindi lang dapat yung isa ang nage-effort para sa relationship, dapat dalawa kayo. Hindi mo dapat laging aasahan na si Caleb yung mauunang mag-effort.” Mom said.
BINABASA MO ANG
Let's Play Doctor!
General Fiction(Some scenes are not suitable for young ages.) Si Emma, isang babae na hindi naniniwala sa salitang LOVE. Lumaki siyang hindi pinangarap ang umibig at magpakasal. Ayos na sa kanya ang buhay niya ngayon na isang party girl. Ayaw niyang pumasok sa isa...