Game 16 - Dude she's gonna break your heart

8.2K 109 6
                                    

Game 16 - Dude she's gonna break your heart

Sa tatlong araw simula ng umalis si Emma papuntang New York ay araw araw parin silang nag-uusap. Hindi nakalimutan ni Emma na tawagan si Caleb, na kinatuwa naman niya dahil sobra na talaga niyang namimiss si Emma. 

Nagpakabaon siya sa trabaho pampalipas oras dahil sa mga libre niyang oras ay nalalagi sa isipan niya si Emma at lalo niya itong namimiss. Damn. Nagiging babae na si Caleb. But that was the way he felt. He missed her every damn day and he couldn't wait for her to come back. 

His phone rang just when he was about to step out of his car, he looked at the screen first to know who called. "Ethan, bakit ka napatawag?" tanong niya sa kaibigan niya.

"Punta ka ng Rocks Caleb! Ang tagal na natin hindi nagkikita." sabi sa kanya ni Ethan. 

Nagbuntong hininga naman siya, kakakita lang nilang magkakabarkada. Misan mas OA pa ang mga ito kaysa sa mga babae. "Alam mo naman na ayoko diyan sa bar na iyan." sagot lang niya. He never liked Rocks. Nagpupunta lang siya doon kapag may mahalagang mga celebratory gatherings silang magkakabarkada. 

Ayaw niya talaga sa may-ari ng bar na iyon. Napaka-angas akala mo kung sino. Naalala bigla ni Caleb ang huli niyang punta sa Rocks, kasama pa niya si Emma noon. Emma. He missed her. Damn. Four more fucking days until he gets to see her. 

"Nandito si Tori." 

As if he would want any other girl than Emma. Emma was more than enough. Damn she was everything. Jesus. That sounded cheesy and girly. 

"You know I have Emma." 

"Dude, Emma is not here at isa pa, she won't care it's not like you two are together." Ethan said. Caleb hadn't told anyone about his relationship with Emma, how could he? He drowned himself with work and he hadn't hang out with them. "Come dude, punta ka na dito. Misan lang to." 

He sighed. Maybe he could go and finally tell them about Emma and him. Oh yes. He imagined how they would react. That would be another jaw-dropping moment. Him. Caleb Montemayor finally got Emma Price. 

She was his. 

"Okay. Saglit lang ako diyan." sabi niya dahil naalala niya rin na tatawag maya maya sa kanya si Emma. At hinding hindi niya ito papalampasin dahil lang sa mga barkada niya. Hearing Emma's voice was his drug until she comes back that is. 

Nag-drive na rin siya papunta sa Rocks, hindi na siya nagpalit pa ng damit dahil dadaan lang naman siya at siguro iinom ng isang bote ng beer at tsaka aaminin sa kanila na sila na ni Emma. 

Pumasok siya sa loob at as usual maraming tao sa loob. Hinanap niya kung nasaan sila Ethan at nakita niya ang mga ito sa may bar nakikipag-usap kay Dale, ang aroganteng may-ari ng Rocks. Naglakad na siya papunta sa kanila. 

"Caleb man!" bati sa kanya ni Ron. 

Let's Play Doctor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon