Game 32 - He was just an outsider

5.6K 83 4
                                    

Game 32 - He was just an outsider

Hindi makapakali si Caleb sa bahay ni Emma, maaga siyang napauwi dahil nasira yung kuryente sa building kaya naman ay nagpasya siya na pumunta na sa bahay ni Emma, nakalimutan nga lang niya na nandun yung nanay ni Emma. 

Nung araw ng pagbalik nito niya nakita ito at nakausap. Hindi parin niya alam kung paano kumilos sa harap nito. Lalo na ngayon na silang dalawa lang ang nasa bahay. Ipinagdadasal nalang niya na sana umuwi na si Emma. 

Buti nalang din ay nasa loob ito ng guest room kaya hindi niya ito nakikita, siya naman ay nasa living room lang dahil ayaw naman niyang masabi ng nito na feel at home siya. Nanood lang siya ng palabas sa telebisyon dahil wala siyang magawa. 

Sa sobrang gulo kanina sa building ay nakalimutan niyang magdala ng mga documents na kailangan niyang pag-araralan. 

Mga ala-sais ay nagpasya na rin siya na magluto ng hapunan. Hindi niya alam kung anong gusto ng nanay ni Emma pero kung si Emma naman tiyak ay gugustuhin nito na magluto nalang siya ng pizza dahil pagod ito ay ayaw nitong gumalaw masyadon. 

Nagsimula na siyang gumawa ng dough para sa pizza nang pumasok sa loob ng kusina yung nanay ni Emma. "You're making dinner?" tanong nito sa kanya. "Bakit hindi nalang mag-order ng take out?" 

"Gusto po kasi ni Emma na magluto ako ngayon." magalang na sagot niya dito. 

Tumango tango ito at tinignan siya. "I'm still curious though, how come you're Eponine's boyfriend?" tanong nito, Ito lang ata ang tanging tumatawag kay Emma ng Eponine. Yung lolo't lola ni Emma ay Emma o Emily ang tawag sa kanya pero sa nanay ni Emma talagang Eponine parin. "I never thought Eponine would actually get serious. And if I ever thought she would, I never expected it to be a stranger." 

"I'm not a stranger, Mrs. Price." 

"What I meant with that was that I've always thought she would end up with someone from her high school batch." 

Dito lang naintindihan ni Caleb ito, pati siguro ang nanay ni Emma inee-expect na si Angelo Chua ang lalaki para kay Emma pero nagkakamali silang lahat dahil nanndito na siya ay hindi niya papakawalan si Emma kahit anong mangyari. 

"I'm guessing you thought it would be Angelo Chua?" 

"Angelo Chua?" she scoffed. "Not him." she just said. 

Tinignan ni Caleb ito ng masinsinan, hindi niya maintindihan kung hindi si Caleb sino? Siguro napansin nito na nakatingin parin siya sa kanya kaya nagsalita ito. "You don't know do you?" she asked, she sounded amused but at the same time she sound like she pitied him. 

"Don't know what?" he asked. 

"Are you related to Terry Montemayor?" pagbabago nito ng topic nila. 

Hindi naman niya magawang itanong ulit kung anong ibig sabihin nito kaya sinagot nalang niya ang tanong nito. "Yes, he's my father." 

Let's Play Doctor!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon