Kabanata 7: Mac Arthur

239 7 1
                                    

Zaire's P.O.V.


"Zaire.... Zaire...."

Nagising ako dahil nararamdaman kong yumuyugyog ang katawan ko. Bumangon ako at napahawak sa ulo ko na sobrang sakit. Ugh hangover.

"Zaire help me...."

Nakita ko si Lily na halos maluha na siya. Dali-dali akong tumayo sa pag-aalala.

"What's wrong???"

Pagtingin ko sa bedsheet ay may dugo.

"May dugo!!! Ano nangyari sayo?! May sugat kaba?! Asan?!" Sambit ko sa sobrang pag pa-panic.

"Hahaha!! Ugh!.." bigla siyang tumawa at napahawak sa tiyan niya. Para siyang baliw?!

Tumingin ulit siya sakin at napapangiti at biglang babalik ang ekspresyon ng mukha niya na nasasaktan.

"It hurts... Zaire..." sabi niya ng nag mamaka-awa. Naguguluhan ako sa kaniya!

"Wait here!" Sabi ko sa kaniya at pumunta sa kwarto nila Cindy.

"Cindy! Tulungan niyo kami! Si Lily!!!" Sigaw ko sa may pinto nila at kumatok ng malakas.

Bumukas ang pinto at tinitigan ako ng matagal ni Cindy at Abigail, at humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHA!!!!"

"Anong nakakatawa?!" Sabi ko

"Wala! Hahahahahaha!!!" Sabi ni cindy at tumawa pa rin.

"Hindi ako nakikipag biruan! Si Lily may sugat yata siya may dugo yung bedsheet!" -ako

"Ano nangyari?!" Sabi ni Cindy at tumakbo sa kwarto namin.

"What the heck are these two doing here!" Sabi ni Lily at nag taklob ng kumot.

"I think they can help you!" Sigaw ko sa kaniya.

Pero hindi niya inalis ang pag kakataklob ng kumot.

"Come on Lily!! You should learn to trust them! I don't know what's happenning to you! Nag-aalala na ako!" Napatagalog na ako dahil sa sobrang inis.

Inalis ni Lily ang pag kakataklob ng kumot at namumula ang mukha niya. Tinitigan ni Lily ang mag kapatid at pinalapit sa kaniya si Cindy. Bigla itong may binulong at maya-maya'y tumingin sa akin at tumawa. Ano bang problema nila?! Hindi ko alam kung may nagawa ba akong nakakatawa! Pagkatapos ng usapan na iyon ay lumapit na sa akin si Cindy.

"May period ang girlfriend mo. At nahihiya daw siyang sabihin sayo." Sabi niya sa akin.

"Ay ganoon ba???" Sabi ko sabay kamot ng ulo.

"Over acting ka rin eh no! Kala ko naman mamatay na yung tao!" Sabay batok sa akin.

"Ehh kasi kanina nagmamakaawa siya at parang nasasaktan." Paliwanag ko

"Ganun talaga kaming mga babae pag first day sumasakit ang puson." -cindy

"Ahhh ehh may kailangan ba siya?" Tanong ko

"Ang bait mo namang boypren." -cindy

"Sabi ko ngang hindi ko siya gerlpren!" Napa-face palm na lang ako.

"Edi hindi! Kailangan niya ng sanitary napkin syempre!" Bulyaw ni Cindy sa akin.

"Saan ba maka-kakuha nun?" Tanong ko

"Convenient store. Duh."


~~

Andito kami ngayon sa convenient store at kumukuha ng mga kailangan ni Lily. Buti na lang talaga pinanganak akong lalaki. Isang tulian lang tapos! Ehhh mga babae buwan buwan may struggle.

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon