Kabanata 16: Isang Pamilya

262 5 0
                                    

Zaire's P.O.V.


"Because those people took away my dad!"

Nakita kong pumatak ang mga luha niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil sa nakikita ko ngayon ay nasasaktan lang ako.

"You don't understand. You're not even in my situation. I tried Zaire... I tried to trust them. But the fact that they belong to the people that captured my dad...." Hindi ko na kayang makita siya ng ganun. Niyakap ko siya. Sa pag kakayakap kong iyon ay mas narinig ko ang hikbi niya. "If my dad was here.... It wouldn't be hard for me to face everything... to face this..."

"Shhhh.." Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Akala ko ay matapang siya, kahit gaano pa pala katapang ang isang tao ay mayroon din siyang kahinaan.

Nakita kong nakatingin lamang ang mga kasama namin. Nag senyas sa akin si Cindy kung ayos lang daw ba kami. Nginitian ko lamang siya at naintindihan naman niya.

Bumitaw na ako ng yakap sa kaniya. At pinunasan ang mga luha niya.

"My dad said he will comeback. Every week I go back to that house. But he never returned...." Umiiyak nanaman siya. "Hey... I'm here. Cindy, Abigail, Napier, Tita Cassy, The old man.." Bigla siyang tumingin sa akin at napangiti. "Sorry until now I don't know his name!" Sabi ko at sa wakas narinig ko na ang tawa niya. Natihimik kami ng sandali at maya maya ay nag salita na ako.

"And even Ellis." Pag kasabi ko nun ay nawala na ang ngiti sa mga labi niya.

"We are family Lily." Pagkasabi ko nun ay tumingin si Lily sa kanila. Nginitian siya ng mga ito. Pinunasan niya ang kaniyang luha at humingang malalim.

"Come on. Let's save Ellis."

~~

"Where's the nearest gasoline station?" Tanong ni Lily sa amin. Lumapit saamin si Napier at nag labas ng mapa. "Andito tayo ngayon, bale ang pinakamalapit ay eto." Seryosong sabi sa amin ni Napier. "How long does it take to get there?" Tanong naman ni Lily dito. "If we have a car it will take 40 minutes, but if we walk may be 2 hours?" sagot ni Napier.

"How many hours we need to go to the camp?" Tanong muli ni Lily. "Maximum of 2 hours." Bigla nang sumabat ang matanda na kanina pa tahimik.

"We only have 4 hours remaining to save Ellis. We don't have much time." Nag tinginan lamang kami at nag iisip ng mas alternatibong plano. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ang isang malapit na executive village

"Guys! What if we enter that village. May be we can find a stocked gas in some houses." Sandali lang silang natahimik at maya maya pa ay nag salita ang matanda. "Hindi tayo pwede pumasok jan, may harang at base sa pag kaka-alam ko ay sinara iyan dahil marami ang mga Zombie jan."

"I can do it. Papasok ako sa loob." Sabi ni Napier at nag tinginan na lamang kami.

"I'm coming with you." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Lily.

"Sasama na ako." Hindi ko alam kung bakit ako nag salita bigla. May sarili na palang desisyon ang isip ko na siyang sinalita ng bibig ko.

"Hindi ko papayagan si Lily na sumama sa akin. Ikaw na lang Zaire." Tumingin ako kay Lily pagkatapos iyon sabihin ni Napier. Parang naintindihan iyon ni Lily. "I'm coming with you, my weapon is much more quiet than your gun." May punto nga naman si Lily doon.

"Here's the plan. Me, Napier and Zaire are entering the village. While Abigail and james will stay to watch over Cindy and Ellis." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nag tunguan na lamang kami.

"What about us?" Sumingit sa Tita Cassy sa amin.

"Kami ang babantay sa inyo kung sakaling aatakihin ay mag papaputok na kami. Gamit to." Nilabas ng matanda ang kaniyang sniper. "Kailangan muna natin masiguro na ligtas ang papasukin niyo. Tara."

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon