Kabanata 14: Kaligtasan

201 8 0
                                    

Zaire's P.O.V


"I'm not used to it."

Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Hindi ko alam ang ire-react ko.

"Hoy!" Napahawak ako sa noo ko dahil sa pumitik sa akin. Si Cindy.

"Mag salita ka kasi, may pa ssssasdfghjkl!!" Buti na lang at hindi niya naituloy yung sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.

"Wag mong ituloy yung sasabihin mo kundi patay ka sakin." Bulong ko sa tenga niya.

"Hoy! Hoy! Bitawan mo ate ko!" Naramdaman kong hinahatak ni Abigail ang braso ko. Binitawan ko na si Cindy at mag sasalita na sana siya pero inunahan ko na.

"Cindy!" Pinandilatan ko siya ng mata na parang nanghahamon.

"Okay quiet na po." Sabi niya sabay sign na nag zipper ng bibig.

Nakita ko naman si Lily na nakatingin lang sa amin at halatang hindi naiitindihan ang pinag-uusapan namin.

"Ano ba yun kuya Zaire?" Curious na tanong ni Abigail sa akin.

"Oo nga Zaire ano ba yun?" Biglang sabat ni Tita Cassy.

"Wala! Diba CINDY?" Sabi ko at pinag diinan pa ang pangalan niya.

"Ano bang masama kung nag seselos ka?!" Napatigil ang lahat at tumingin sa akin ako naman ay napatingin kay Lily.

"Nag seselos kanino?" Maintrigang tanong ni Tita Cassy.


Magsasalita na sana ako ngunit napunta kami lahat sa unahan dahil sa malakas na pag preno ng sasakyan.

"Kuya anong nangyayari?" Biglang sigaw ni Tita sa kaniyang walkie talkie.

"May nasagasaan kaming tao." Narinig namin mula sa walkie talkie at nag tinginan kami.

Binuksan ni Tita Cassy ang pinto ng truck at sabay sabay kaming nag labasan. Hindi pa kami nakakalabas ng Global City. Tiningnan namin ang ilalim ng truck at may nakita akong duguan na lalaki.

"Tulong..." Pagmamaka-awa na sabi nito at kitang kita sa mukha niya ang ekspresyon na nasasaktan. Ilang sandali lamang ay pumikit na ito at nawalan ng malay.


Nakita ko naman na lumapit doon si Ellis ngunit agad naman itong pinigilan ng kanilang ama.

"Hindi ba natin siya tutulungan dad?" - Ellis

"Patay na siya, wag kanang mag-aksaya ng oras." Masungit na sagot nito.

Hinawakan ni Ellis ang pulso ng lalaking duguan.

"Pero buhay pa siya." -Ellis

"Mamamatay din siya." Sagot ng kanilang ama at sumakay na sa sasakyan.

"Pero dad tayo ang nakabunggo sa kaniya, gagamutin ko siya." Hindi nag patinag si Ellis at binuhat ang lalaking iyon.

Dali-dali namang bumaba ang kanilang ama ng sasakyan at kinuha ang patalim nito at sinaksak sa ulo ang duguan lalaki na siyang kinagulat namin.

"I wont let that guy eat us you understand?" Kinwelyuhan niya si Ellis. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot sa pinapakita ng matanda ngayon.

"Ikaw na mismo nagsabi sa amin dati na dapat ay nag tutulungan tayo at humanap ng kapwa survivor natin! Dahil yun ang gusto ni... mommy." Hindi na yata nakatiis si Ellis at nangingilid na ang nga luha nito.

Agad agad namang lumapit ang kaniyang kakambal sa kaniya at tinapik ang likod nito.

"May misyon na naka-atang sa atin Ellis baka nakakalimutan mo! Ayun ang dapat mong ipasok sa kokote mo!" Sigaw sa kaniya ng matanda.

"Damn it dad! Halos mag ta-tatlong buwan na simula ng mangyari ito! Unti-unti tayong nauubos pero wala pa rin! Hanggang ngayon hindi pa rin siya mahanap!" Galit na sambit ni Ellis.

Umiinit ang tensyon sa pagitan ng mag-ama. Handa na kami kung sakaling sugurin siya ng kaniyang ama. Samantalang si Napier ay pinapakalma ang kaniyang kakambal.

"Tama na Ellis." -Napier

"Bitawan moko." Kumalas si Ellis sa hawak ni Napier sa kaniya at naglakad palayo. Tiningnan lang namin siya ngunit napadaan siya sa isang store.

"ELLIS! SA LIKOD MO!" Malakas na sigaw ni Napier.

"Ahhhhh!!"


Huli na ang lahat.

"ELLIS!" Lahat kami ay nag takbuhan papunta kay Ellis. Agad agad namang sinaksak ni Napier ang Zombie na siyang kumagat kay Ellis.


Pagtingin namin ay naglabasan ang mga Zombie at hindi ko alam kung saan sila nanggaling. Agad-agad kaming nag sipwesto.

"Walang mag papaputok ng baril!" Utos ng matanda sa amin at inabutan niya ako ng kutsilyo dahil wala akong dalang armas.

"Ellis! Ellis!" Habang busy ang lahat sa pagpatay ay nakita kong si Napier na hawak lamang kaniyang kakambal. Nakita kong handa na siyang sakmalin ang Zombie ngunit hindi niya iyon pinansin. Nakita ko namang bumagsak ang zombie na iyon at may pana sa ulo. Lumingon ako kay Lily at na kitang kita ang determinasyon sakaniya na ubusin ang nga Zombie.


Napakagaling niya, papanain niya ang pinakamalapit at kapag naubusan siya ng arrow ay lalapitan niya ang Zombie na kaniyang napatay at kukunin niya ang nakatusok na arrow dito. At ipang sasaksak niya sa pinakamalapit na Zombie sa kaniya.

"ZAIRE!" Bigla akong napahiga sa sahig dahil sa lakas ng tumulak sa akin. Nakita ko na lamang na sinaksak ni Cindy ang Zombie na muntikan na akong gawing tanghalian. Ngunit hindi niya iyon sinaksak sa ulo bumagsak man ito ay nahatak ang kamay niya.

"CINDY!!"

"I'm okay."

"Ate!"

"F*ck! Help her! Lily! Abigail!"

Kasalanan ko ito. Napakapabaya ko talaga. Napakaraming dugo.

"I'm so sorry..." Namalayan ko na lamang na tumulo na ang nga luha ko.

"Ate!" Tinulak ako ni Abigail at niyakap ang ate niya.

"I'm... fine!" Nakita ko ang pagtulo ng pawis niya.

Nakita kong may hawak si Lily na itak.

"What are you doing?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Saving her life." Sabi niya at tinalian ang braso ni Cindy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya.

"Hold her hand." Sinunod ko ang sinabi niya.

"Ate Lily anong gagawin niyo?!" Umiiyak na sabi ni Abigail.

"Back off! You want to see her alive then let's save her!" Galit niyang sigaw.



Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinaga niya ang kamay ni Cindy.



Pagtatapos ng Kabanata 14

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon