Kabanata 10: Walang rason

247 10 6
                                    

"Anong nangyayari dito?"

Abigail's P.O.V.

Natigil ang kaguluhan dahil sa dumating. Isang lalaki na may katandaan at nakasuot ito ng uniporme na gaya ng suot ni Napier, isang babae na sa tingin ko ay nasa edad trenta at isang lalaki na nasa edad 20.

"Napier. Anong ginagawa niyo?" Puno ng awtoridad na salita ng matandang lalaki.

"D-dad sila yung sinasabi ko sa inyo." Napatayong sinabi ni Napier.

"Anong nangyari jan?" Tanong naman nung babae sa kaniya habang tinitingnan ang black eye niya.

"Wala po tita. Nadapa lang." Bigla akong natawa sa pwesto ko dahil sa napaka-lame niyang dahilan.

Napalakas yata ang tawa ko kaya nag lingunan sila sa pwesto ko.

"Ahm dad eto si Lily, at yun naman si Abigail. Meron pang isa sa loob kaso hindi pa siya gising, yun naman si Cindy." Pag papakilala niya sa amin.

"All girls, interesting." Sabi nung lalaki na nasa edad 20.

"Ahm Lily, cindy, eto nga pala Dad ko."

Tiningnan lang kami mula ulo hanggang paa ng tatay niya, itsura palang masungit na. Pagtapos niyang ipakilala ay pumunta na iyon sa lamesa at kumain.

"Hehe pasensya na kayo masungit talaga yun. And this is my auntie Cassy, coolest auntie ever." Proud na sabi ni Napier.

"Ikinagagalak ko kayong makilala, ang gaganda niyo." -Auntie Cassy

"And lastly, ang pinakamayabang sa lahat. Ang aking kakambal na si Ellis." Pang-aasar ni Napier sa kaniya.

"Correction, pinaka 'POGI' sa lahat." Kinamayan niya ako. Napansin naman niyang nataka ako dahil hindi sila magkamukha.

"Hahahahaha unidentical twins." -Napier

Kinuha naman ni Ellis ang kamay ni ate Lily.

"Hi princess, where have you been all my life?" Hahalikan niya sana ang kamay ni ate Lily ngunit mabilis niya iyong tinanggal sa kamay ni Ellis.

Tinalikuran siya ni Ate Lily at naglakad na papasok ng tent.

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo, sunod lang po ako sa kaniya." Sabi ko sa kanila at sumunod kay Ate Lily.

"Seen amp! Ang ganda naman nun Napier, sino nga ulit yun?" Narinig kong sabi ni Ellis.

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusapan nila at dumeretso na ako sa tent.

"We can't trust them."

Ayun agad ang narinig kong sabi ni Ate Lily pag pasok ko ng tent.

"Why?" Tanong ko.

"We will wait for Cindy to wake up and we're going back to the hotel." Sambit niya ng hindi man lang pinansin ang tanong ko.

"They helped us, so there's a reason to trust them." Malakas na loob kong sabi sa kaniya. Tama naman hindi ba?

"Not all people who helps should be trusted. So THERE IS NO REASON to trust them." Sambit niya ng may galit sa kaniyang boses.

"They helped us, so we don't have any reason to judge them."

"WE. DON'T. HAVE. ANY. REASON. TO. TRUST. THEM." Nang gagalaiti niyang sinabi sa akin.

Sasagot pa sana ako ng makita kong nagising si Ate Cindy.

"Ate Cindy! Sa wakas gising kana!" Niyakap ko siya sa sobrang tuwa.

"A-aray." Nasaktan yata siya sa sobrang higpit ng yakap ko sa kaniya.

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon