Zaire's P.O.V.
Atras lang ako ng atras samantalang si Lily ay abante ng abante hanggang sa namalayan ko na lang na nahulog kami sa hagdanan. Inangat niya ang kaniyang ulo at nagkatitigan lang kami. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Oh my god! I'm so sorry! Are you okay?" Sabi niya.Hindi ako nakapagsalita. Pero sa tingin ako ay namumula ang mukha ko dahil sa posisyon namin ngayon.
"Kuya Zaire! Ate Lily!!! Okayy lang po b-" Naputol ang sasabihin ni Abigail ng makita ang posisyon naming dalawa at nanglaki ang mata niya na parang ganito. (O_O)
"What?" Tanong ni Lily ng nagtataka. Mga ilang segundo ang lumipas ng ma-realize niyang hindi maganda ang posisyon naming dalawa. Nakapatong siya sa akin to be specific nakapatong siya sa junjun ko.
"Oh my god! Oh my god!" Bigla siyang tumayo nun at namumula ang mukha niya sa sobrang hiya. Samantalang ako ay napabangon din.
"Ay mukhang may moment kayo. Nakaistorbo ba ako?" Pang-aasar ni Abigail.
"Anong moment pinag sasabi mo jan?" Sigaw ko kay Abigail habang nakahawak sa ulo kong may bukol dahil sa pag kakahulog.
Maya-maya pa ay tumunog ang doorbell. Tumayo naman ako para puntahan ang pinto at pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang may katandaang babae at sa suot niya'y sa tingin ko ay isa siyang doctor.
"Goodafternoon. I'm doctora Marsha." Abot niya ng kamay sa akin.
"Goodafternoon din po doctora. Ako po pala si Zaire." Magalang kong sagot dito.
"Pinapunta ako ng isang militar dito. Asan ang pasyente?" Tanong nito.
"Ay nasa taas po." Bigla akong tumingin kay abigail na nakasilip sa hagdan kung sino ang kausap ko.
"Abi! Dalhin mo siya sa ate mo. Siya ang doctor." Sabi ko kay Abigail.
Umakyat na sila at nawala na si Lily na sa tingin ko ay nakuha na ang kanina pa namin pinag aagawan. Saan naman kaya ako?! Ligong ligo na rin ako -_-
~~~**
HEADQUARTERS (3rd person's P.O.V.)
"Anong balita?"
"Wala pa rin."
"Mahigit dalawang buwan ay wala pa rin?"
"Pa-paano hahanapin iyon eh masyado ng malabo ang litratong pagbabasehan namin."
"Masyado ka na yatang pinanghihinaan ng loob Lieutenant Villanueva. Parang hindi naman ganiyan ang pagkakakilala ko saiyo."
"Mamamatay na ang anak ko. Hindi pa rin ba siya nag sasalita ukol dito?"
"Kahit anong gawing parusa sa kaniya ay hindi pa rin niya sinasabi. Kahit patayin ko pa siya ay nag mamatigas pa rin. Iyon na lamang talaga ang i-isang solusyon na mag papaamin sa kaniya."
Lumapit si Napier sa kaniyang ama at hinawakan ito sa balikat.
"Huwag kang malungkot Villanueva, hindi natin hahayaang mamatay ang anak mo hanggat mahanap na natin ang gamot dito. Basta't ituloy lang natin ang pag hahanap."
"Ayoko na. Mukhang imposible pang mahanap ang taong yan."
"Hahayaan mo na lang ba na buong pamilya niyo ay maging isa sa kanila? Una ang iyong asawa, sumunod ang iyong anak? Sino pa Lieutenant Villanueva?"
BINABASA MO ANG
Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]
Science FictionAno ang iyong mga gagawin kapag nalaman mong nag sisimula na ang Zombie Apocalypse? Subaybayan ang storya nila Zaire at Lily sa kanilang pag harap at pakikipag laban sa mga Zombies. Makaka survive kaya sila? Hanggang saan ang kanilang mararating? In...