Kabanata 8: Pag-asa

235 11 3
                                    

3rd Person's P.O.V.


Nang mailigaw na ni Zaire ang halos hindi mabilang na mga Zombie ay tumakbo na si Cindy pabalik ng hotel. Halos napapaluha na siya sa pagtakbo dahil sa takot at lungkot na nadarama para sa kaibigan. Sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil sa padalos dalos na pag papaputok ng baril.

Pag balik ng hotel ay sinalubong siya ng kaniyang kapatid.

"Ate Cindy! Buti naman at nakabalik na ka- teka.. Asan si Kuya Zaire?" Tanong ni Abigail sa kaniya ngunit napaiwas lamang ito ng tingin.

Dumeretso na si Cindy sa pagpasok sa kwarto at ibinigay ang bag kay Lily.

Hinanap naman ng mata ni Lily si Zaire.

"Where is he?" Tanong ni Lily.

Ngunit hindi sumagot si Cindy at pumatak na lamang ang luha nito.

"Where is Zaire?" Kabadong tanong ni Lily.

"I don't know..." Sagot ni Cindy sa gitna ng kaniyang pagluha.

"What do you mean you don't know?!" Bulyaw ni Lily kay Cindy at akmang tutukan ng baril ngunit humarang naman doon si Abigail.

"Please don't do this." Matapang na sabi ni Abigail.

"GO. AWAY!" tulak ni Lily ngunit nag matigas si Abigail.

"Listen! Kuya Zaire and Ate Cindy risk their lives just to get what you need! And this is what he and she gets in return?!" Hindi na napigilan ni Abigail ang kaniyang galit.

"Then I don't need that! THANK YOU!" Bulyaw ni Lily pabalik.

"LISTEN LILY! Zaire risk his life just for me to bring those things for YOU!" Sabat ni Cindy at pinag diinan ang salitang 'you'.

Natahimik na lamang si Lily at ilang sandali ay tumayo na siya at kinuha ang bag na iyon. Pumasok na siya ng CR at inayos ang kaniyang sarili.

Mga ilang sandali ay lumabas na ng CR si Lily at inayos ang mga gamit at mga baril.

Napatingin ang dalawa sa kaniya.

"Where are you going?" -cindy

"I'm going to find Zaire." Malamig na sagot ni Lily.

"You don't know how many Zombies are out there!" -cindy

"Don't care. I'm going to find him, you can't stop me." -Lily

Nang maayos ni Lily ang mga kailangan niya ay tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

"He said he'll return!" Sigaw ni Cindy at hinawakan ang braso nito.

"What if he's not!!" Sigaw ni Lily at tinanggal ang braso niya na hawak ni Cindy.

Tahimik lamang si Cindy at hindi alam ang kaniyang isasagot.

"What if he needs help? Huh? Who can help him? You? Hahahaha! You're the one who left him!" Inis na inis sa sagot ni Lily

"Guys! Stop it! Both of you are making things worst!" Pag-aawat ni Abigail sa alitan ng dalawa.

"Why do you even care too much huh?" Tanong ni Cindy kay Lily.

"B-because.. He's my friend!" Pag katapos niyang sabihin iyon ay lumakad na siyang palayo papunta sa elevator.

"Wait Lily!" -Cindy

Huminto si Lily at hinintay ang sasabihin nito.


"We're coming with you." -Cindy

~~

Papunta sila sa store ng Lamborghini kung saan huling nag kasama si Zaire at Cindy.

Kumuha si Lily ng isa sa mga susi ng kotse doon.

"Hop in." -Lily

Sumakay sila doon at pinaandar ang kotse. Dinaan nila ang kotse sa Gas station at nilagyan ng sapat na gasolina para ikutin ang Global City.


Cindy's P.O.V.

Andito kami ngayon nakasakay sa magarang kotse at hinahanap ang kasama namin. Hanggang ngayon ay na gi-guilty pa rin ako. Dahil kasalanan ko kung bakit nawawala si Zaire. Kaya gagawin ko ang makakaya ko para hanapin ang lalaking iyon.

Halos dalawang oras na kami sa paghahanap pero wala pa ring Zaire na nag papakita. Ayoko mawalan ng pag-asa. Alam kong buhay pa siya.

Niliko ni Lily ang kotse at napapreno ng malakas dahilan para mauntog ako. Pag tingin ko sa harap ay halos hindi mabilang na Zombie.

"Shit! Wrong way!" -Lily

Sa paghinto naming iyon ay nag lingunan ang mga Zombie sa lugar namin at nag sitakbuhan. Pinaandar ni Lily ng paatras ang kotse.

Hinanda ko ang baril ko at gayundin si Abigail. Napakarami nila!

"AHHHHHHHH!!!" Sigaw ni abigail sa likod.

Lumiko sa kanan si Lily dahil sa Zombie na sasalubong sana sa amin.

"Holy shit." -Lily

Nasa dulong parte kami napunta at dun na ipon ang sa tingin ko'y mga tao na naging zombie dito sa Global city. Napakarami nila at hinahabol ang sasakyan namin.

Sobrang bilis nang magpatakbo ni Lily  habang kami naman ni Abigail ay kapit na kapit sa upuan namin.

Ilang sandali ay pumreno siya, kung wala lang siguro kaming seatbelt ay baka naumpog na ng malakas ang ulo ko.

"Oh my god. Dead end." Sabi ni Abigail at halos manglumo ako.

"Buckle up." Sabi ni Lily ng may determinasyon.

Inikot ni Lily ang sasakyan paharap sa mga Zombie na papalapit na sa amin. Parang hindi ko gusto ang pinaplano niya.

"What are you doing??" Pigil ko sa kaniya.

"This is the only choice we have. I don't wanna die without doing anything." Sabi niya at nilagay sa full speed ang kotse at hinarurot ang sasakyan.

Kitang kita ko kung paano mabunggo ang mga Zombie, kung paano unti-unting matakpan ng mga dugo ang buong kotse, at kung paano ito nag kakaroon ng crack. Parang nag-slowmo ang lahat.

At maya-maya pa'y isang malakas na bunggo ang nagpahinto ng kotse na sinasakyan namin at unti unting nandilim ang paningin ko.

~~
3rd person's P.O.V.

Isang malakas na pag bunggo ang natanggap nila. Dahil sa lakas ng impact na iyon ay ang dalawa sa harapan ay nawalan ng malay samantalang si Abigail ay sandaling nawalan ng malay at nagising din.

Nagulat siya dahil sa dami ng Zombie naapalibot sa kanilang sasakyan. Basag na ang harap ng salamin ng kotse ang pinipilit abutin ng mga Zombie si Lily at Cindy na wala ng malay.

Kinuha ni Abigail ang baril at pinag babaril iyon, kahit na hinang hina siya sa natamong mga sugat.

Biglang may malakas na pagsabog ang kaniyang narinig mula sa likod at umabot sa kanila ang impact na iyon dahilan para mahilo sa Abigail.

Isa nanamang pag sabog ang kaniyang narinig at sunod sunod na putok ng baril ang dumagundong.

Unti-unting nandidilim ang paningin ni Abigail dahil sa panghihina.

Bumukas ang pinto ng kotse at may nakitang tao si Abigail at napangiti na lamang siya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Pagtatapos ng Kabanata 8

A/N: Sorry for the late update, balik na kasi sa klase! Kaya every weekend na lang po ako mag a-update. And papalitan ko pala yung title ng story which is "Patay na mundo" at yung username ko for some reasons. Yun lang po enjoy reading :)

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon