Kabanata 19: Oh my golly

189 8 7
                                    



"Hindi maganda ang naging pagkikita natin."  



Zaire's P.O.V.


Nagtaka ako sa kaniyang sinabi at nakaramdam ng kakaibang kaba.


"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.

"Wala! Biro lamang! Hahahaha! Nakakatawa ang reaksyon mo!" Natatawang sabi nito sa akin.

"Grabe pre, naloko mo ako dun ah!" Nakahinga akong maluwag dahil dun. Pero para sa akin ay pamilyar talaga siya. Siguro ay kamukha lang niya.


"Ilang oras na lang ang natitira?" Biglang nag salita si Napier.

"30 minutes." Sagot ni Abigail.

"Kuya, sobrang init na po ni kuya Ellis." Sabi ni James na halos maluha na.


Huminto na ang sasakyan at tumunog ang walkie talkie ni Napier.


"Andito na tayo." -Tita Cassy


Tumayo na ako at binuksan truck. Nanlaki ang mata ko ng andaming sundao ang nakatutuok ang mga baril sa amin. Tinaas namin ang aming kamay bilang pagsuko.


"Pumila kayong lahat!" Utos ng isang sundalo sa amin.


Tinulungan ko si Napier na buhatin si Ellis. Pumila kami at may nilabas na parang itsura ng scanner ng barcode sa mall. Tinapat iyon sa mata ni Lily at umilaw ito ng kulay green. Sunod sunod na ganoon ang ginawa sa aming lahat. Ngunit nung nakita ng sundalo si Ellis ay nag situtok ang baril sa kaniya. 


"Infected!" Sigaw nito sa amin. Dali daling humarang doon ang ama ng kambal. 

"Stop!" Sigaw nito sa mga sundalo ngunit tiningnan lamang ng mga sundalo ang matanda. Hindi nila ito nakilala dahil sa sumbrerong suot nito.  Dahan-dahang tinanggal ng matanda ang kaniyang sumbrero.

"I'm Lieutenant Alexander Villanueva! And I command everyone to stop!" Natigilan ang lahat at binaba ang kanilang mga baril at sumaludo dito.

"Sir yes sir!" Sabay sabay na sigaw nito.

"Where is Lieutenant Castillo? I need to see him. NOW!" Dali-daling nag sikilos ang mga sundalo. 


Biglang may dumating na sasakyan pang sundalo sa harap namin at sumakay kami doon. Napakalawak ng kampong iyon. Ilang sandali lamang ay huminto na kami sa isang lugar na sa tingin ko ay ang headquarters ng buong army.

"Lieutenant Villanueva! It's been months!" Salubong sa amin ng isang matanda na sa tingin ko ay mga kasabayan lang ni sir Alexander.

"We need to talk." Pagkasabi ng matanda ay tumingin ito sa amin na pasan pasan si Ellis.

"Come inside." Pagkasabi niya ay sabay sabay na sana kaming papasok ngunit

"Hep! Authorized personnel only." Napahinto kami sa sinabi ng matanda.

"Mr. Lando! Take them to the village and give them what they deserve. You know my rules." Utos nito sa sundalo na siyang kinagulat ako. Anong deserve? Anong rules? Ano to parusa?

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon