Kabanata 4: Lily

339 14 4
                                    

Zaire's P.O.V

Mahigit sampung araw na ang lumipas simula ng makasama ko si Lily. At sa sampung araw na iyon ay hindi nawala ang pagpatay namin ng mga zombie. Halos araw araw ay hindi nawawala iyon. At marami rin akong natutunan sa kanya. Gaya na lang ng...

Flashback

Dalawang araw lang nag tagal sa amin ang pagkain na nahanap ko. At parehas na kaming nakakaramdam ng gutom. Kaya heto, nag hahanap kami ng makakain.

Pero etong kasama ko hindi yata pagkain ang hanap, zombie yata. Kanina pa kasi siya nag mamasid at nakaready ang pana niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nag patuloy mag lakad.

"Bulls eye!" Sabi niya at nag half smile.

Dali-dali siyang tumakbo at sinundan ko siya. Pagkakita ko ay may na-pana siyang isang deer! Hindi na ako mag tataka kung nabuhay to sa loob ng dalawang buwan ng hindi nagugutom.

"Hold this." Sabay abot sa akin ng pana niya.

Pinagmasdan ko ang pana niyang iyon. Gawa sa bakal at mukhang mamahalin pero magaan. At may uki na kulay ginto 'Lily Hansen'

Hansen? Ayun siguro ang apelyedo niya.

Pagkalingon ko sa kaniya ay nakita kong may hawak siyang baterya at aluminum foil. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon o baka meron na talaga siyang nakatago.

Pumunit siya ng pahaba sa foil at dinikit niya ang magkabilang dulo nito sa positive and negative ng baterya at biglang umapoy ang foil.

"Wooow ang galing!" Sabi ko na parang batang mangha na mangha.

Grabe ang dami niyang alam sa mga ganitong bagay. Gumawa siya ng maliit na bonfire at kinuha ang kutsilyo. Hiniwa niya yung legs nung deer at pinaapuyan ito.

"Suit yourself." Sabay abot ng kutsilyo sa akin.

Tinitigan ko lang yung kutsilyo sabay tingin sa niluluto niyang laman. Nakakagutom yung amoy. Kinuha ko ang kutsilyo.

Ngayon ko lang mararanasan ang kumain ng ganito.

End of flashback

Yun ang unang beses na kumain ako ng pinatay na deer. Masarap siya! Try niyo!

Hindi lang deer ang kinain namin, nakakain na rin ako ng squirrel at ibon! Pero hindi lang yun ang natutunan ko, may nalaman pa akong kakaiba sa kaniya.

Flashback

"Saan tayo pupunta? ah eh Where are we going?"

Hindi niya ako pinapansin kapag nag tatagalog ako. Mahirap kaya mag english! Pero minsan kahit nag e-english ako eh hindi niya pa rin ako pinapansin. Gaya nito, tumingin lang siya sakin at nag dere-deretso pa rin.

Sinusundan ko lang siya at nakita ko siyang binuksan ang isang kotse. Kumuha siya ng kutsilyo at may pinutol siya na wire doon at pinag didikit niya. Maya maya'y biglang nag start ang engine nito na siyang kinagulat ko.

Marunong ako mag maneho pero yung mag paandar ng walang susi?

"Drive the car." Sabi niya sa akin na para siyang reyna at isa niya akong alipin. -_-

Habang nag ma-maneho ako ay naglabas siya ng malaking papel. Binuklat niya iyon. Isang mapa na sulat kamay?

Kumuha siya ng lapis at nag simula siyang mag sulat sulat dun.

"What are you doing?" Tanong ko out of curiosity.

"Eyes on the road." Sabi niya ng hindi man lang lumingon sa akin.

At dahil makulit ako, pa-simple kong tinitingnan yung ginagawa niya. Dino-drawing niya yung daan, kung ano ag nasa paligid nun at may sinulat siya.

"23 killed. 50+ not killed." Binanggit ko yung sinulat niya.

"I said eyes on the road!! Mind your business!"

"Ay! Sorry sorry!" Sabi ko ng nagulat sa sigaw niya.

End of flashback

Hanggang ngayon ay nasa kotse pa rin kami, hindi ko na mabilang kung ilang oras kaming nasa kotse lang at hinahanap yung lugar na sinasabi ni Lily. Global city.

Ewan ko ba kung saan yun, sabi niya deretsuhin lang. Paano pag paliko na yung daan deretso pa rin? Edi namatay na kami. XD

Kapag nakaramdam na ako ng antok ay si Lily naman na ang nag mamaneho.

May mga zombie kaming nadadaanan pero hindi na lang namin yun pinag tutuunan ng pansin. Pero hindi ko makalimutan yung nadaanan namin kahapon.

Flashback

Nakaramdam ako ng antok at sinabi iyon kay Lily kaya siya na ang nagmaneho. Pumunta ako sa back sit at doon natulog.

Mahimbing na sana ang tulog ko nang biglang may yumu-yugyog sakin dahilan para magising ako.

"Shhhh.. go down." Sabi niya ng pabulong at nag tago sa ilalim ng manibela. Nagtaka ako at tumingin sa bintana.

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang dami ng zombie na papalapit na sa sasakyan namin. Pumunta ako sa ilalim ng upuan.

"Shit." Ayun na lang ang nasabi ko dahil sa kaba.

Isa sa mga natutunan ko sa kaniya ay mabilis ma-attract sa gumagalaw at ingay ang mga zombies.

Umabot kami ng ilang oras na nakatago lang doon. Hinintay naming mawala silang lahat. Hindi nila sinugod ang sasakyan namin, ngunit parang may dereksyon silang pupupuntahan. Asan naman kaya iyon?

End of flashback

Sa ngayon ay ako na ang nag mamaneho at siya naman ay tulog na tulog. Sa pag mamaneho ko'y bigla akong may nakitang sign.

'Global city straight ahead'

"Lily! Andito na tayo! Rise and shine!" Rise and shine kahit gabi na.

Bumangon siya at kinusot ang mga mata. Dumungaw siya sa bintana.

"See that hotel over there? Take us there." Turo niya doon sa mataas na building. 'Inter continental hotel'

"Roger that maam." Sabay ngiti ko sa kaniya.

Pero nireplayan lang niya ako ng signature face niya. Poker face.

Habang nag mamaneho ay hindi ko maiwasang malungkot para sa lugar na iyon. Halos wala ka ng maririnig na kahit anong ingay dahil sa pag kaubos ng tao. Napakaganda dito. Magagandang imprastaktura at landscaping ng lugar.

Pero pumangit na ito dahil sa mga hindi mabilang na bangkay ang nga nakakalat.

Sayang ang ganda ng isang lugar, kung wala naman itong mga tao.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may isang lugar na umagaw ng atensyon ko.

Isang park.

Pagtatapos ng kabanata 4
A/N: thank you for reading!

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon