3rd Person's P.O.V
"Oh shit."
"Oops oops! Kalma, ibaba mo yan."
Nagulat na lamang si Lily sa bumungad sa kanya. Dalawang lalaki at ang isa ay menor de edad. Tinitigan niya lamang ito at ilang segundo ay nawala ang kanyang kaba, hindi man lang sya natakot sa dalawang iyon.
"Sabi ng ibaba mo eh!" sigaw ng menor de edad.
Tinitigan lamang sila ni Lily at hawak lang ang pana nito.
"Aba, matapang ka ah. Gusto mo na yatang mamatay." Kinasa ng lalaki ang kanyang baril.
"Ikaw yata ang gusto ng mamatay." Biglang dumating si Napier at tinutukan din ng baril ang lalaki.
Dali-dali namang hinatak ng lalaki si Lily at tinutukan ito ng baril sa ulo.
"Subukan mo, kung hindi papasabugin ko ulo nito." Panghahamon ng lalaki kay Napier.
Napier's P.O.V.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng sinabi niya iyon. Ayoko siyang masaktan. Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko bilang pagsuko. Unti-unti kong binaba ang baril ko. Nakita ko namang sumenyas sa akin si Lily ngunit hindi ko maintindihan kung ano ang pinaparating niya. Tinitigan ko siya at nabasa ko sa kaniyang mga labi ang salitang "no".
"Dalian mo pag baba ng baril!" Sigaw ng lalaki sa akin at sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Paano kung ayaw ko?" Nginitian ko lamang siya.
"Aba'y gago ka pala eh!" Sa sobrang inis niya ay kinasa niya ang kaniyang baril.
Tumingin ako ulit kay Lily. Maya-maya ay kinagat niya ang braso ng lalaking iyon at dali-dali niyang hinawakan inuntog ang likod ng ulo niya sa ulo ng lalaki.
"Ahhhhhh! Aray!!!" Napasigaw ang lalaki sa sobrang sakit.
Tinutok ko ang baril ko sa batang lalaki upang hindi siya makakilos ng masama. si Lily naman ay tinuhod ang lalaki sa ibaba nito. Pagbagsak ay sinipa nito ang kamay dahilan para mabitawan ang baril. Inupuan niya ito sa tiyan at binigyan ng isang suntok.
"Put-" Mag mumura pa sana ang lalaking iyon ngunit sinuntok ulit siya ni Lily.
Hindi na nagsalita pa ang lalaking iyon, pag tingin ko ay wala na itong malay. Nanglaki ang mata ko, ganun ba siya kalakas sumuntok para mawalan iyon ng malay?
"Lily? Anak ng! Anong nangyari dito. What happened?!" Bigla na lang dumating si Zaire.
BINABASA MO ANG
Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]
Science FictionAno ang iyong mga gagawin kapag nalaman mong nag sisimula na ang Zombie Apocalypse? Subaybayan ang storya nila Zaire at Lily sa kanilang pag harap at pakikipag laban sa mga Zombies. Makaka survive kaya sila? Hanggang saan ang kanilang mararating? In...