Kabanata 12: Ngiti

211 9 4
                                    

Zaire's P.O.V.

Ngayon lamang ako ulit nakaramdam ng ganoon. Andito ako ngayon sa isang tent at nakahiga kasama sila Ellis at Napier. Tulog na sila pero ako ay mulat pa rin ang mata. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Dahil ba sa nangyari kanina?

Flashback

"Please don't do that again." Sinabi sa akin ni Lily sa gitna ng mga yakap niya na siyang napalakas ng kabog ng dibdib ko.

"D-do w-what Lily?" Nautal kong sabi sa kaniya.

"N-nothing." Sabi niya at bumitaw ng yakap sa akin.

Dali dali naman akong niyakap ni Cindy.

"Zaire! Sorry kung iniwan kita. Hindi dapat ako pumayag. Kasalanan ko ang nangyari sayo. I'm so sorry." Maluluha nitong sabi sa akin.

"Ok lang Cindy, ayoko rin namang mapahamak ka. Mapahamak ang isa sa inyo." Sagot ko sa kaniya.

Pagkatapos nun ay binigyan niya ako ng halik sa pisngi.

"Salamat." Sabi niya sa akin.

Hinanap ng mga mata ko si Lily at nakita kong pumasok siya sa isa sa mga tent.

"Sabi ko na nga ba eh, babalik ka. You've made the right decision." Sabi ng matandang lalaki sa akin at tinapik pa ang braso ko.

"Biruin mo yun nandito na pala ang mga hinahanap mo. Ibig sabihin naka destino ka na sumama na sa amin!" Masayang sabi ni Ellis sa akin at inakbayan pa ako.

Pag tapos nun ay ipinakilala nila ako kila Napier at James.

"Sandali lang po, pupuntahan ko lang si Lily." Sabi ko sa kanila.

"Magdala ka na ng pagkain at mukhang hindi kapa kumakain." Sabi sa akin ni Abigail at inabutan ako ng delata at isang plato ng kanin.

Pumunta ako sa tent kung saan nandoon siya. Nakita kong nililinis niya ang kaniyang pana.

"Hey. Kain?" Pag istorbo kong sabi sa ginagawa niya.

"What is kain?" Tanong niya sa akin.

"It means 'eat'." Nginitian ko siya at tinabihan sa pwesto niya.

"Oh. I'm done." Sabay nguso niya doon sa plato na wala ng laman.

Tuloy tuloy lang ang kain ko at ilang sandali ay tumayo siya at lumabas ng tent. Mga ilang segundo ay bumalik din siya at may dala dala siyang basa na face towel. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan iyon.

Naramdaman ko nanaman ang pag lakas ng tibok ng puso ko.

Napakalapit ng mukha niya habang dahan dahan niyang pinupunasan ang mukha ko.

"It's funny how people doesn't care about the drawings I made on your face. Hahaha!" At sa pagkasabi niyang iyon ay narinig ko ang kaniyang mahinang tawa at kahit na madilim ay nagliwanag ang kaniyang mga ngiti.

"I think they thought it was a dirt because some part are erased. What do you think? Hahaha!" Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ang napakasaya niyang tawa.

Gusto ko lng makita ang mga ngiting iyon. Kung nakaka-capture lang ang mga mata ko ay nakunan ko na ang napakaganda niyang ngiti.

"Hey! You're staring at me again!" Pagkasabi niyang iyon ay pinitik niya ang noo ko.

"Aray ko! Ang sakit nun ah!" Pero sa totoo lang hindi naman talaga masakit.

"You should kain." Sabay ngiti niya sa akin.

Natuwa ako at may natutunan din siyang salitain na tagalog. Sana hindi na matapos ang araw na ito dahil nakikita kong punong puno ng kasiyahan ang kaniyang mga mata.

End of flashback

Hanggang ngayon eh hindi matanggal ang mga ngiting iyon sa isipan ko. Ugh! Ano bang nangyayari sa akin! Siguro ay natutuwa lang ako dahil minsan lang siya ngumiti at tumawa ng ganun. Tama!

Sobrang ganda niya.

Ugh! Tama naman maganda siya! Ewan! Lalabas na lang muna ako at mag papahangin.

Lumabas ako ng tent at nag tingin tingin sa paligid. Napakalamig. Nag lakad lakad ako at dinama ang ligtas na paligid na ito. Napapalibutan ito ng bakod kaya ligtas ito sa mga Zombie. Hindi nga ako nag kamali sa desisyong puntahan sila. Dahil alam kong ligtas kami.

Sa pag lalakad ko ay nakita ko si Lily. Nakaupo sa sahig at pinag mamasdan ang kalangitan.

Tinabihan ko siya at nakita ko ang gulat niyang reaction.

"Can't sleep. You?" Sabi ko sa kaniya.

"Same." Bigla siyang humiga sa sahig. "Stars are really cool." - Lily

Humiga rin ako gaya ng ginawa niya.

"Yeah." Pag sang-ayon ko sa kaniya at tiningnan ang magagandang bituin sa langit.

"There's my mom." Turo niya sa pinakamakislap na bituin. "I don't feel scared because I know she's always there watching and guiding me." - Lily

"What happened to her?" Curious kong tanong sa kaniya.

"She had a cancer. She died a year ago." Sabi niya ng nakatingin pa rin sa mga bituin.

"Sorry about that." Malungkot kong sabi sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya hindi na rin ako nag salita.

Ilang minuto kaming tahimik lamang at bigla na siyang nag salita.

"I hate my dad, he let my mom die." Sabi niya ng may inis ang mga boses.

"Maybe he did that for a reason." Tugon ko sa sinabi niya.

"My dad is a scientist. Danielle Jae White." Napalingon ako sa sinabi niya dahil kilala ang scientist na iyon sa pag imbento ng maraming mga gamot at iba-ibang kemikal.

"Yes I know you know him. He is well knowned for inventing a lot of medicines, but he never invented a cure for my mom." Pagkasabi niyang iyon ay tumulo ang kaniyang mga luha.

"And now my dad is captured by the soldiers and police a month ago. A month when everything started." Tuloy tuloy na kwento niya sa akin.

"What do you mean a month? It's been two months since the virus spread worldwide." Nag tataka kong tanong sa kaniya dahil dalawang buwan na ang nakalipas simula ng mangyari ito.

"No silly! It's just a month!" Pakikipag talo niya sa akin.

"Trust me, it's been two months!" Hindi ako papatalo dahil ayun naman talaga ang totoo.

"Nah! Whatever! For me it's just a month." Sabi niya at pumikit.

Tinitigan ko lamang siya at pinag masdan ang mukha niya.

"Why do you keep on staring at me." Sabi niya ng hindi man lang idinilat ang mata. Paano naman niya nalaman iyon? Biglang akong may naalala.

"Lily?" Tawag ko sa kaniya dahil baka tulog na siya.

"Hm?" Sagot niya habang nakapikit pa rin.

"Earlier, what am I not going to do again?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi niya iyon sinagot kanina.

"Nothing." -Lily

"I don't believe you." Sagot ko.

Hindi siya sumagot.

"Lily?" Baka tulog na siya.



"Don't leave me again."

Pagtatapos ng kabanata 12.

Patay na Mundo: Philippine Zombie Apocalypse [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon