#1

79 4 0
                                    

"The Magical Threat of Death"
9:43 pm, January 6, 2016
Taglish
Hope you like it! Enjoy! Love lots!

Charlie's point of view

Its hard to believe. Mahirap ng maloko. Isang beses, dalawang beses. Wala nang basehan kung paano masasabi na grabe ang pagkakaloko sayo. Niloko ka. Ano bang pagkakaiba dun? Diba wala.

Niloko. Ginago. Pinaikot. Lahat yan, parehas lang yan sa isang banda. Subukan mo mang ikutin ang mundo, parehas parin ang mga yan.

Paano nga ba ako napunta sa paaralang ito? Na sa lahat ng pangyayari ay hindi ko akalain na makakalusot pa ako. Ang hirap. Mahirap mabuhay sa mundong ito.

Lalo na kung maraming matang nakatingin sayo...

Gusto nyo malaman? Gusto nyo ba malaman kung ano ang nangyari? Kung paano kami nawasak lahat? Kung paano kami unti- unting nabawasan?

Sige. Ikukwento ko. Wag magulo at nang maintindihan nyo. Kung hindi, mapupunta ang nakahandang kamatayan sa harapan nyo.

*flashback*

"Charlie! Tara na! Malalate pa tayo eh!"

Kasalukuyan akong gumagayak nang biglang sumigaw ang kaklase ko na talagang nagpunta pa sa bahay para sunduin ako.

Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng bahay. At nasa harapan ko na si Charlene.

"Kahit kelan ka talaga. Sinabi ko naman sayo na wag ka nang mag atubiling pumunta dito sa bahay eh."

"Sus. Para namang hindi kita nakababata."

Sya si Charlene Aguilar. Kasama ko din sya sa Stella Sisterica University. 3rd year HS na kami at nagtransfer kami dito.

Why?

Mas mura kasi ang matrikula dito pero private parin sya. Ayon kay papa, maganda naman daw dun dahil dun din sya nag- aral dati. Payag naman si mama sa usapin na yon.

Agad na kaming naglakad papunta sa school. Papaano naman ba kasi, may gustong hanapin tong katabi ko.

"Maghahanap talaga ako ng pogi."

Napatawa nalang ako sa inaasta nya. Hindi parin talaga sya nagbabago. Makulit parin at madalas maghanap ng chicks.

At matapos ang sampung minuto ay nakarating na kami. Agad naman na nagtitili si Charlene na akala mo ngayon palang mararanasang mag- aral sa tanang buhay nya.

Nagpunta na kami sa may listahan ng sections. Ayoko makipagsiksikan sa iba dahil naiirita lang ako pag nabubungo ako. Sakit sa katawan.

"Hi miss."

Napalingon naman ako sa nagsalita. At agad na nanlaki ang mata ko. Anak ng tokwa, ngayon lang naman eh. Pagbigyan na ha?

Gwapo!

"Ummm.. Hello po."

Minsan lang naman to, tsaka mukhang mabait naman kaya siguro okay lang na makipag- usap, diba?

"Alam mo na ba section mo? Name mo nga pala?"

"Charlie... Charlie Jearlyne Sy."

Jusko po. Nahihiya ako. Masyado syang High Class kumbaga. Nakakainis naman eh.

Nagpunta naman sya dun sa may listahan ng sections at agad ding bumalik sa pwesto nya kanina.

"Kaklase pala kita eh. 1-C ka din. Matalino ka siguro."

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon