#5

27 3 0
                                    

Candice's point of view

*Maxwell Aguilar sent you a message*

Argh!!! Kanina pa nya ko binubulabog! Its so nakakaimbyerna you knows. Bakit ba ang feeling close sya sakin?

Maxwell: Huy, mamansin ka naman.. T__T

Me: BAKIT BA?! Hindi naman tayo close ha? Bakit ba ang fc mo? Kaimbyerna!

Maxwell: Please naman? Gusto ko lang maging close tayo. Please??

Me: ARGH!!!! You're so KAKAINIS!

Maxwell: Sige na nga, bye na lang. Wala naman akong balak na inisin ka eh. Pasensya na.

*Maxwell Aguilar is now offline*

Okay, medyo nakakaguilty ah. Eh kasi naman eh, why not talk to me personally kesa naman yung inaabala nya ako.

Charlene's point of view

"Alam mo? Mali yang strategy mo eh! Edi kausapin mo ng personal! Hindi yung inaabala mo sya sa phone nya!"

"Eh kasi ate.. Nahihiya ako! >.<"

Jusko naman oh! Bakit ba kasi naturingang TORPE ang kapatid ko. Tapos tsaka magtatampo pag hindi pinapansin. Napaka BIPOLAR.

"Meron ka pala nun?! Ha!!! Nagulat ako!!! Grabe!! Isang Maxwell Aguilar, may natitira pang hiya?! New record yan, Tol!"

Napakamot naman sya ng ulo. Aba eh totoo naman eh. Wala nang hiya actually tong kapatid ko. Hay, kainis lang. Jusko si Candice? Eh swerte nya pag nakausap pa nya ng matino bukas yun at baka ilibing nya na ng buhay ang sarili nya pag nagkataon na hindi na nya makausap.

*The Next Day*

"Maxwell!!!!!!!!!"

Halos malaglag ang panga ko sa earth's crust nang marinig ko ang boses ni Candice na tinatawag si M-M-M-Maxwell?!?!?!?!?!?!?!!!

"Kausapin mo naman na ko!"

"Close tayo, miss? Bakit mo ba ko ginugulo?"

"Ehhh!! You're copying me naman eh!"

"Am not."

Ako na lumayo sa kanila kasi hiyang hiya naman ako dahil bigla nalang nawala ang existence ko sa mundo nila.

"Mag- isa ka yata?"

Nagningning ang mga mata ko ng makita ko si Charlie. Niyakap ko sya agad tapos nginitian ng bonggang bongga.

"I miss you Best!"

"Rebound alert~"

Nakita ko naman na nagsalita si Chrizelle at ngumisi naman si Crissa. Okay anong meron?

"Haha. Wag mo nalang pansinin yun. Walang magawa sa buhay yun. So, kamusta na?"

May mali talaga kong nasesense eh. Parang malungkot sya ngayon? Okay, may nagawa ba ko?

"Ayos ka lang? Masyado kang pormal eh."

"Nilelessen ko lang ang pagdikit ko sayo kasi mukhang may naipalit ka na sakin at nagiging rebound nalang ako pag wala ang taong gusto mong makasama."

Tapos nilayasan ako. Aba aba! Ano bang meron ha? Tsaka ano daw? Rebound? Makasama chuchu? Nilelessen chorva?

"Stupid much alert~"

"Manhid ka! Manhid ka! Walang pakiramdam~!"

Nagbabasa naman si Chrizelle na talagang nagcocomment pa sa binabasa nya. Tapos kumakanta pala si Crissa ng lagay na yun?! Kanta o tula? Tsaka bakit parang kanina pa sila ha? Nakakaimbyerna na sila! Ang suspicious nila tologuhhhh!!!

Nathan's point of view

*kring kring*

("Hello?")

"Good morning, Nate!"

Napabalikwas ako sa kama ng marinig ko ang boses nya. Si Charlie tumatawag sakin! Nagpunta pa ko sa banyo para magmumog tsaka nagtoothbrush ako tsaka naghilamos tapos narealize ko nalang na hindi nga pala nya ko makikita sa phone at isang malaking katangahan lang ang ginawa ko.

("Hello! Aga natin ha?")

"Hehe, syempre! Tara sa Starbucks! 9:00 pa naman ang pasok natin eh!"

("Sige, anong oras?")

"Now na."

("Ahh.. Now na-- WHAT?!")

*kabam!!!!*

"Gising na, you sleepy head!"

As in, kung posible lang na bumagsag ang panga ko sa kupa ay nagawa ko na. Kelan pa nalaman ni Charlie anb address ko?!

"Paano ka--"

"Nakita ko sa FB ang address mo! Tsaka inistalk kita eh. Bwahahahahahaha!!!!!"

Magsasalita pa sana ako ng hatakin nya ang kumot tapos kinaladkad ako sa banyo. At kung madumi ang utak nyo, wag nyo na ituloy yang iniisip nyo. Tinulak nya ko papasok sa banyo tsaka sinaraduhan ako.

"Maligo ka na! Kabaho mo na oh! Pag lumabas ka jan ng hindi pa nakaligo, sisikmuraam kita, sige ka?"

Pagkatapos ko maligo ay naabutan ko sya na nasa ibaba na. Napansin ko na tumitingin tingin sya ng mga pictures ng pamilya namin, hanggang sa natigil sya sa isang picture.

"Kapatid ko."

"Ay kabayo! Jusko, Nate! Aatakihin ako sayo."

"Haha, sorry."

"Okay lang. Btw, kapatid? Nasan sya?"

"Nasa payapang lugar kasama ng Diyos."

*silence*

"Sorry..."

Nakita ko naman na nakayuko lang sya tsaka medyo na stiff sa pwesto nya. Alam kong gusto pa nyang magtanong kung bakit namatay ang kapatid ko.

"She died, dahil sa kidnapping and... Narape sya..."

Bigla naman syang lumingon sa akin at nakakunot ang noo. Tapos niyakap nya ko. Ako naman ang natulala.

"You don't need to tell such sensitive thing. You're just torturing yourself."

Hindi ko alam na bigla nalang pala tumulo ang mga luha ko at pinupunasan na nya ito ng mga kamay nya. Hawak nya ang mukha ko at pinupunasan nya ng hinlalaki nya ang luha ko. Tapos naiiyak din sya.

"Naiiyak ako kasi sa lahat ng ngiting pinapakita mo sakin, may sakit pala na nakatago sa puso mo. I'm so sorry for opening this sensitive topic."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at inaya na sya sa Starbucks. Mga 8:30 ay umalis na din kami dahil bibyahe pa kami. Pero hindi namin inaasahan na may dadatnan na pala kami...

"P*ny*t*! Kabaho naman dito!"

"P*ta! Ano ba tong hinayupak na to?!"

"Sh*t! Nakakagago! Ang sangsang!"

Puno ng dugo ang classroom namin at may nakalagay na sulat sa board na blood stains ang gamit.

"Let the games begin.."

Niyakap ko si Charlie dahil natulala sya sa nakita nya.
Takot na takot ang mukha nya at pinagpapawisan sya. Nanlalamig na din ang mga kamay nya at hindi na sya makagalaw ng maayos. Nilabas ko muna sya sa room dahil masyado na ang nakita nya.

"A- ano yun?!"

Umiling nalang ako at hinawakan ang balikat nya. At tinignan sya ng diretso mata sa mata. Puso sa puso na to.

"kahit anong mangyari, kumapit ka lang sakin. Akong bahala sayo, poprotektahan kita kahit ano pa man ang makaharap ko."

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon