Charlie's point of view
"Okay, let's start our first lesson."
Tapos nagsimula ng magsulat sa board si Ms. Veronica at nagsimula na din akong magsulat hanggang sa natapos na kami magsulat ay nagdiscuss na si Ms. Veronica about the lesson.
"Conflicts may come in our way, pero there is always solution on every problem. Okay, so yun na ang end muna ng discussion natin. Class dismissed."
Nung umalis na si maam ay biglang tumayo ang isa sa kaklase namin. Si Jake yata to.
"So! May nagtransfer nanaman! Mararanasan na nila na ang hagupit ng isang malaking sumpa!"
"Manahimik ka, Jake! Hindi nila kasalanan to!"
"Shut the hell out, Danica! Wala na tayong magagawa!"
"Kaya nga, Jake! Ano bang gusto mong patunayan?! Wala naman na talaga tayong magagawa! Sinadya na ang lahat! Limitado na lahat ng kilos natin!"
"I just want the transferees to know about this. Concern ako sa pwedeng mangyari sa kanila. Baka sila ang unahin."
Teka?! Ano bang nangyayari?! Hindi ko na maintindihan. Nagulat nalang ako ng hawakan ni Nathan ang balikat ko at nakatingin sakin ng seryoso.
"Sumama ka sakin. May pag- uusapan tayo."
Ano ba talagang mangyayari? Hindi ko na maintindihan. Pwede bang sabihin naman nila ng maayos?
Nathan's point of view
Hinatak ko sya sa may canteen at at pinaupo na agad sa may bakanteng spot sa canteen. Tsaka ko sya tinignan ng seryoso. Kailangan na nyang malaman to.
"Hindi mo ba maintindihan?"
"Ano ba kasing nangyayari? Sumpa? Ano bang meron?"
"Hindi. Pinaniniwalaang sumpa ang lahat. Pero, kaya ugali ang basehan ng 1-C ay bago palang kayo pumasok sa paaralang ito ay sinuri na ng mga teachers ang mga ugali nyo. Hindi alam to ng mga magulang natin. Paano ko nalaman? Narinig ko sa office isang araw. Maaring magbago ang lahat. Physically, mentally, or emotional man yan, mababago at mababago yan. At maaring may mawala, madagdag, basta. Magulo pa masyado. Malalaman mo yan balang araw."
"A-ano?"
"Basta. Malalaman mo din yan."
Tumayo na sya at tinignan ako. Tsaka ngumiti pero may halong takot at kaba. I should've not told her the truth.
Pero kailan pa? Tsaka para ano pa ba at itago ang bagay na to?"Tara na, 2 minutes nalang time na."
Tsaka na ako tumayo at sumabay na nang paglalakad sa kanya. Kelan kaya magsisimula ang pagbabago?
Charlene's point of view
Ano yung sinabi ni Jake? Na sumpa? Ano? Hindi ko na maintindihan. Ano ba kasing meron sa 1-C?
"Good Morning Class."
Nagsiupuan na lahat ng mga kaklase ko at tumingin sa dumating na teacher, more like, isa sa mga staff ng office.
"I have an announcement."
Mas naging mainit ang atmosphere sa room namin at para bang may maling nangyayari.
"I just want to tell you that the game will begin. Good luck section 1-C on your journey. Goodbye."
At tuluyan na syang umalis at iniwanan kaming lito sa sinabi nya. Hindi ko na talaga maintindihan.
"Sabi na nga ba eh. Magsisimula na."
Napalingon naman kami kay Jake na nagsalita nanaman. Ano ba kasi talagang meron?
"Charlene..."
Tumingala ako sa nagsalita at nakita ko na si Miguel pala yun. Ngumiti na lang ako pero nanatili lang syang nakatayo. At bigla nalang syang may ibinulong sa akin.
"Wag kang mabibigla kung may biglang magbago."
Ano nanaman ba to?!
![](https://img.wattpad.com/cover/59209987-288-k662517.jpg)
BINABASA MO ANG
The Magical Threat Of Death
Mistero / ThrillerKasinungalingan... Pagpapanggap... Pagiging tanga... Inggit.... Ang buhay parang isang gulong, minsan nasa taas o nasa baba. Minsan, bida ka at minsan talunan ka. Minsan... mabait ka.... ....pero demonyo ka parin pala... Kanino ka magtitiwala? Ka...