#12

22 2 0
                                    

Rose's point of view

"Due to some circumstances, medyo malalim ang pagkakalaslas nya. We just have to let it heal and hayaan natin na magising na sya."

Bakit ba ganito? Bakit ba kailangan pang magkaganito ang 1- C?

"Kung sana... Pinrotektahan ko sya... Kung sana, iningatan ko sya... Hindi sana... Hindi sana..."

Kanina pa din umiiyak si Nathan. Tulala naman sila Charlene. Mabuti nalang at wala kaming pasok ngayon.

Naalala ko pa ng biglang umiyak sa harapan naming lahat si Nathan....

*flashback*

Nagkaklase pa kami nang biglang kumalabog yung pinto ng room namin. Nakita namin ang pawis na pawis na si Nathan at halos maiyak na.

"Si... Charlie... Si Charlie!!!!!"

At tuluyan na syang umiyak at naupo sa sahig at kitang kita mo sa kanya na nasasaktan sya.

"Sapat na sa kanya yun!"

"Mamamatay tao sya!!!"

"Maayos nga na mawala na sya!!!"

Nakakabinging ingay. Parang ayoko nang pakinggan sila. Nasasaktan kami na ganyan ang tingin nila kay Charlie.

Agad akong tumayo at sinundan naman ako nila Charlene at tropa na nya.

"Napakawalanghiya.."

"Akala nyo kung sino kayo kung makapagsalita kayo..."

"Kayo ang mukhang mga demonyo, hindi si Charlie..."

Ang bigat. Nakakatakot ang dating.. Nakakatakot ang boses nila Miguel..

"Bakit ba pinagtatanggol nyo sya!"

"Mamamatay tao-"

"SUBUKAN NYO PANG MAGSALITA SA KANYA NG GANYAN, KAYO ANG MALILINTIKAN.."

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon