Someone's point of view
Sh*t. Nagkakahinala na sya. Nakakainis lang. Pero hindi naman ako tanga para magpahuli. Tss.
"Ano na plano mo?"
Tumingin ako dito sa kasama ko. Ang ingay talaga nito kahit kelan.
"Wala. Papatayin ko lang sila isa isa. Tinatamad ako ngayon. Bukas nalang. Ano ba pwedeng plano?"
"Edi patayin mo. Ano pa ba kasing gagawin mo? Palalamunin? Papasalon? Pafoofoot spa? Payayamanin? Kabobo mo talaga."
Tumingin naman sya sakin ng nadidismaya. Ako naman napanganga. Abay, putakte pala. Pilosopong nilalang to ah?
"Putangina mo. Jan ka na nga!"
Wala akong matinong magagawa dine pag kasama ko sya. Ano ba kasi pwedeng gawin? Kating kati na ko pumatay eh. =__=
Nathan's point of view
Pumasok ako ng maaga para mahintay ko sa gate si Charlie. Baka sakali na makita ko sya. Hindi ko na kasi nalaman kung papano na ba nangyari sa kanya matapos mangyari yung kahapon.
*kring kring*
[Me: low?]
(....)
[Me: umm.. Hello?]
(...)
Akmang papatayin ko na sana yung call ng marinig ko ang isang boses.
"Nate..."
Paos na paos si Charlie. Tapos halata sa boses nya na pagod na pagod sya sa problema nya.
[Me: Nasan ka? Inaabangan kita sa gate eh. 6:40 na kasi, 20 minutes nalang, time na."
"Nate..."
She kept calling my name until...
[Me: Oy, ayos ka lang--]
"Nate.. Hindi ko na kaya..."
*call ended*
Nag- alala ko bigla. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay may mangyayaring masama. Kaya hindi ako nagdalawang isip na lumabas ng campus at pumunta sa bahay nila Charlie.
Tinakbo ko nalang dahil malapit lang naman ang bahay nila dito. At nung nasa pinto na ako ay agad akong kumatok pero walang nagbubukas ng pinto. Kahit na alam kong bastusan na kung bastusan, pumasok na ako sa bahay nila.
*silence*
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Pero may isang ingay ang narinig ko.....
Daloy ng tuloy tuloy na tubig...
Hindi ko man kabisado ang bahay nila dahil isang beses palang akong nakapunta dito ay alam ko naman kung saan ang kwarto nya.
Papanik ako ng may marinig ako na nalaglag na kung ano. At sa banyo parin ang pinanggalingan ng tunog nun. Kinikilabutan ako. Pakiramdam ko may mali.
Pero bago pa man maubos ang hininga ko ay agad kong binuksan ang pinto ng kwarto nya at walang kadumi dumi ang kwarto nya...
Sadyang...
....puro basag na baso nga lang ang nadatnan ko.
Kaya hindi na ako nag alinlangan na buksan ang banyo nya dahil dun nanggagaling ang tunog ng tubig na dumadaloy.
Pero hindi ko naman inaasahan na mangyayari to...
Charlie.... Bakit mo ba ko sinasaktan ng ganito??
BINABASA MO ANG
The Magical Threat Of Death
Mystery / ThrillerKasinungalingan... Pagpapanggap... Pagiging tanga... Inggit.... Ang buhay parang isang gulong, minsan nasa taas o nasa baba. Minsan, bida ka at minsan talunan ka. Minsan... mabait ka.... ....pero demonyo ka parin pala... Kanino ka magtitiwala? Ka...