#9

17 2 0
                                        

Nathan's point of view

Pagkatapos nun ay nagpunta na kami sa school. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto nyang malaman sa paaralang ito.

Nasa gate palang kami ay ang bigat na nang nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Hindi dahil naduduwag ako pero kinakabahan ako kasi baka mapahamak si Charlie.

"kinakabahan ako..."

"Bakit nga ba tayo nandito?"

Tumingin sya sakin ng seryoso. Nagtataka ako. Hindi ko alam kung ano bang gusto nyang malaman.

"Gusto ko malaman kung bakit nagkakaganito ang 1-C at pati ang ibang staffs ay nadadamay na.."

Pero, napakarisky naman ng ginagawa nya. Natatakot ako para sa lahat, para sa kanya...

"Kaya mo to? Kakayanin mo.."

Tumango sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tumingin sa akin. Nababasa ko naman sa mata nya na natatakot sya pero tinatago nya lang.

"Alam ko, hindi ko kaya. Pero kakayanin ko. Please don't let go of me.. Just hold me tight..."

Natutunaw ako. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Pero sigurado na ko sa isang bagay...

At yun ay ang MAHAL na MAHAL ko sya at hindi ko alam kung kakayanin ko kung mawawala sya sa tabi ko.. Hindi ko kaya...

Someone's point of view

Pumatay nanaman ako ng pusa. Para maidisplay naman sa classroom namin. Gandang decoration nun. Tapos kinuha ko narin yung mga puso at laman laman nila tapos kinalat ko sa room.

Then I used blood stains para makapagsulat sa board.

'Enjoy your life while you can'

"Tara kaya sa room?"

"Sige."

Sh*t. May paparating, teka. Ilolock ko. Agad akong lumapit sa pinto at nilock ito at mabuti nalamang ay hindi nila ko nakita.

"Hmm.. Nakalock eh. Ayaw mabuksan eh."

"Baka nilock na nung guard."

Oh sige, magpakatanga pa. Hindi ba nila naaamoy yung pusang patay? Put*ng*na naman. May mga uhog tong mga to no?

Tapos narinig ko naman na umalis na sila. Muntik na ko dun. Buti nalang at mga tanga sila. May utang na loob din pala ko sa kanila. Ta**ina lang.

Charlie's point of view

Nagpunta kami sa old library ng school. Dito kasi sa school ay dalawa ang building. Isa sa HS at College. Nagpunta kami sa old library ng HS, baka kasi may mahanap kaming detalye ng 1-C noon.

Kung may ganito ba simula nung nagtransfer kami ni Charlene...

Pagkapasok namin, ang inaasahan ko ay magulo ang lugar at maalikabok. But its the other way around.

Malinis ang room at nakapwesto ng maayos ang library room na ito. Naghiwalay muna kami ni Nathan saglit tapos naghanap ako mga school year books.

Marami ang mga nakalagay dito pero wala akong mahanap. Narinig ko naman na sumigaw bigla si Nathan.

"Cha! May school year book dito ng 1-C!"

Tumakbo ako dun sa pwesto nya at tinignan ang mga litrato ng mga parties at events nila.

At nandito din ang school year book nila mama.

Sy. 1982-1983

Ang sasaya nila. Nagpaparty party. Nagsabog sila ng wine. Tapos nagpapahiran ng icing sa mukha.

Pero may napansin ako..

Bakit may isang babae na nakaupo lang at nakatingin ng masama sa mama at papa ko?

Teka... Hindi ba magulang to ni... Hindi, hindi pwede. Baka akala ko lang yun. Baka tamang hinala lang ako..

"Teka, diba mommy mo to, Nate?"

"Ha? Ay oo nga no? Ang cute pala ni mama noon, may Bangs. Hahaha."

Tapos nagtingin tingin pa kami ng pictures tapos kinuha ko yung Sy. book nila mama.

Hindi naman sana...

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon