#10

18 2 0
                                    

Charlie's point of view

"Its a bit annoying na bigla ka nalang pagbibintangan.."

"I really don't care about that.."

"And so what kung mapagbintangan ako? Kung hindi ako, hindi ako.."

Narinig ko na ang bulungan sa room. Sana hindi ko nalang sinabi sa iba yung hinala ko. I just hope na hindi nya malaman na pinaghihinalaan ko sya...

Bigla naman lumapit sakin si Rose at tinapik ang balikat ko. Ngumiti sya sakin at ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

"Okay ka lang?"

Tumango ako bilang sagot. Pero ang totoo, hindi talaga. Ang tanga naman kasi ng move ko eh.

"Parang malungkot ka yata?"

I whispered to her na okay lang ako. Though hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko talaga ngayon.

"Ikaw! Ikaw, Charlie! Ang tapang ng hiya mo na mangbintang!"

"Hindi mo ba napansin?! Simula ng lumipat kayong dalawa ni Charlene, nagkanda letche letche na kami! Siguro ikaw yun no! Ikaw yung pumapatay sa mga kaklase natin!"

"Isa kang malaking demonyo ng 1-C!"

Naluluha ako. Ang tanga ko naman para hindi maisip na baka mapaghinalaan nga ako. Bigla naman akong hinarangan ni Rose, Charlene at Nathan.

"At ang lalakas ng loob nyong pagsabihan sya ng ganyan!"

"Hiyang hiya naman kami sa inyo! Porket ba nagtransfer kami dito, kami na ang salot?!"

"Nagmumukha na kayong desperado sa ginagawa nyo... Bwisit!"

Napatawa naman si Jake at Lani. At biglang pumunta sa side namin.

"Alam nyo? Ang tatanga nyo..."

"Its just her dumb conclusion. Wala syang pinapatunayang alam na nya ang pumapatay."

At bigla naman syang tumingin sa amin. More like sa akin.

"At ikaw naman.. Kakausapin ka namin mamaya.."

Nakaramdam ako ng kaba. Pero nag thumbs up lang sakin si Lani at tinanguan ako. At may sinabj sya sakin na minouth sign lang nya na 'wag kang kabahan, kakampi mo kami.'

Pagkatapos nung sinabi nya ay hinatak muna ko ni Nathan sa labas ng room at sinabihan si Rose at Charlene na dun muna sila sa room. Dinala nya ako sa may garden. Nakatulala lang ako sa kawalan at napansin ko na nanlalabo ang paningin ko.

Hanggang sa hindi ko na napigilang umiyak. At napaluhod nalang ako.
Naramdaman ko naman na niyakap ako ni Nathan at pinapakalma akong pilit.

Bakit nga ba hindi muna ko nag isip na baka nga maipahamak ko ang sarili ko? Ang tanga tanga ko. Napakatanga ko.

"Shhh.. Tahan na... Please.. Hindi ko kayang.. Makita kang ganyan... Nasasaktan din ako..."

Nathan's point of view

Hindi ko kinaya na hindi sya yakapin nung umiyak na sya. Nasasaktan ako. Napakahirap kayang makita na nasasaktan ang mahal mo at wala kang magawa kundi ang yakapin sya na sana ay makuha mo nalang ang sakit na nararamdaman nya.

Ilang buwan na ang nakalilipas na kasama ko sya. 6 na buwan ko na syang sinusulyap- sulyapan. At lagi nalang ako naaapektuhan sa presensya nya..

Siguro nga, sapat ng masabi ko na mahal ko sya. Siguro nga, sapat nang masaktan ako pag nasasaktan sya.

Dahil isang beses palang na nakita ko sya ay pakiramdam ko ay nahulog na ako sa kanya.

"Charlie.. Please.. Wag mo naman akong pahirapan pa.. Nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak o nasasaktan. Mahalaga ka sakin. Napakahalaga mo sakin... Ang sakit isipin na wala akong magawa para makuha ang sakit na nararamdaman mo ngayon...  Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko dahil ikaw ang bumuhay sa mundo kong walang kwenta... Ikaw lang... Kaya pakiusap ko sayo, wag mo naman hahayaan ang sarili mo na masaktan dahil pati ako... Pati ako..

Nasasaktan na din ako..."

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon