#3

34 3 0
                                    

Third Person's point of view

Lahat silang mga magkakaklase ay umuwing takang taka sa nangyayari. Hindi na ito bago sa kanila pero parang may mali. Parang magiging mas masahol pa.

Umuwi ang isa sa estudyante ng 1-C na si Chrizelle mag- isa. Pagbukas nya ng pinto ay may nakita syang sulat.

'Pumunta ka mamaya sa may kinderpark mamayang 8:00 pm, may pag- uusapan tayo.'

Hindi nya alam kung ano ang naghatak sa kanya para pumunta doon ng dumating na ang alas- otso ng gabi. Madilim na at walang tao. Kinakabahan sya sa pwedeng mangyari, sa halip na naturingan syang isang matapang na babae.

Nagulat nalang sya ng may biglang humatak sa kanya at may nakapatong na kutsilyo sa leeg nya. Hindi nya makita ang taong gumagawa nito sa kanya dahil nakabalot ang mukha nya, tanging mata lang ang nakikita.

"Malaman ko lang na gumawa ka ng kahit ano para sa room, mauuna kang malagutan ng hininga."

Kilalang kilala nya ang boses na ito at takang taka kung bakit sya gumagawa ng mga ikadidisgrasya ng buong section 1-C.

"Bakit mo ba to ginagawa?"

"Hindi mo ko maiintindihan. Sinira nya... Sinira nya ang lahat na dapat ay akin...."

"Siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay jan."

"Manahimik ka lang, kargo na kita."

Kinabukasan ay pumasok na sya sa school nya kinabukasan na para bang lutang na lutang. Bigla nalang syang inakbayan ni Matt na kapapasok lang din. Bigla namang sumulpot si Rose na kalaro ni Drake ng bato bato pick.

"Napakagulo nyo talagang dalawa, kahit kelan!"

Bumulyaw naman si Matt sa dalawang kanina pa naglalaro ng bato bato pick.

"Kasi nga! Pag nanalo ako, sa Mcdo tayo kakain mamaya! Eh sa pambata nya gusto eh. Sa "JOLLIBEE" nyah nyah nya, may tutubing darating. Che!"

"Eh kasi naman! Baka masipa ako ng pagkalaki laking sapatos ni Mcdonalds. Ang sabihin mo, maglalaro ka lang sa playground dun! Pwe!"

"T*ng*na! Kababatang isip nyo, hanep! Mukha kayong tanga! Edi maghiwalay kayo ng kakainan!"

"Ililibre nya nga ako!" "Ililibre nya nga ako!"

Napa face palm nalang si Chrizelle sa inaakto nila. Sa isip isip nya, mukha silang tangang nag- aaway sa simpleng bagay.

"Haha. Nakakatuwa kayo."

Hanggang sa nakarating na sila sa classroom at naabutan nila na nagbabatuhan sila ng mga papel.
Nakita pa ni Chrizelle na pinakain ni Jake si Lani ng nilamukos na papel.

Nagkakagulo ang lahat ng biglang umentrada ng rampa si Cris, na tinuring nilang 'ramparerang horsy'. Bigla namang nagreact ang mga boys at nakigaya narin.

"Oh yeah! Ako si Krissy! At nawawala si Bimby! Kase kinuha sakin ni James Yappy! Oh My Gosh!"

Tawa naman ng tawa ang mga babae at kahit sila Charlene at Charlie ay nakakatawa na ng todo.

"Humaygash! Nakakaloka! (Insert Kris Aquino's laugh)"

Hanggang sa kumalabog naman ang pinto at lumitaw ang hinihingal at pinagpapawisang si Nathan na tinakbo pa ang office.

"MAY MEETING DAW ANG MGA TEACHERS! WALA NG PASOK, GUYS!!! UWIAN NA!!!!!!"

Bigla nanaman silang nagbatuhan ng papel at tsaka nagtakbuhan paalis ng room. Yung iba naman ay medyo nanatili pa saglit at umalis na din. Ang natitira nalamang ay si Chrizelle, Jake, Lani, Charlie, Charlene, Rose, Drake at Nathan.

"P*ta. Kakalat namin. Amin na nga yung walis!"

Bulyaw naman ni Jake kay Lani at si Lani naman ay bigla nalang binato si Jake ng papel at sinapakan pa ng isang nilukot na bond paper.

"Bumawi lang ako. HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"

Tapos nagtakbuhan na sila at nagbatuhan pa ulit at papel hanggang sa nadamay na ang lahat sa batuhan nila ng papel. Hanggang sa napagdesisyunan na nilang maglinis ng room. Nang natapos na sila ay may kanya kanya silang mga ginagawa.

"Bes! Punta lang kami ni Candice sa Mall ha?! Sama ka muna kay Nathan. Nate! Ikaw muna bahala sa bestfriend ko ha?! Ciao!!!"

Medyo kinikilig pa ng umalis si Charlene sa room nila at medyo napakamot naman sa ulo si Nathan.

"Paano? San tayo pupunta? Kain tayo sa labas! Tara mag fishball!" Tsaka nya hinaltak palabas si Charlie.

Charlie's point of view

Jusko po! Nahihibang na yata ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa puso ko! Ang lakas ng kabog eh.

Nakita ko sya na kumukuha na ng fishball at tsaka nya yun binigay sakin. Pagkatapos nya magbayad, sinama nya ko dun sa paborito daw nyang spot. Sa may ilalim ng puno. Napaka Refreshing lang ng hangin tapos ang tahimik lang. Nakakarelax.

Habang kumakain ako, kinuha ko yung phone ko tapos pinatugtog yung War or Hormone ng BTS. Medyo nag huhum ako ng bigla syang nagsalita.

"Sabi ng iba, kamukha ko daw yung.. Sino na nga yun? Yung V ba yun? Ewan ko."

Pinagmasdan ko sya at napansin ko nga na kamukha nga nya. Tapos tumango muna at nginiya yung kinakain ko bago magsalita.

"Kamukhang kamukha mo nga sya eh."

Tapos ngumiti naman sya. Oh my. That smile though.
Aish! Aral muna, wag muna lande. Pero masama bang magkacrush? Hinahangaan lang naman eh.

"Huy. Natulala ka jan?"

"Ayaya! Sorry."

"May boyfriend ka na?"

Muntik na kong mabilaukan sa tanong nya. Really?!!??!
Tanong ba talaga yan?

"Wala pa. Bakit?"

Umiling lang sya at kumain na ulit. Napansin ko na medyo nangiti sya. Okay? Anong meron?

Nathan's point of view

Naiinis na talaga ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilang ngumit kanina. Nakita nya kaya yun?

Manhid sya. Torpe ako. Mabuhay ang nagmamahalang TANGA. Nakakainis lang, sarap magmura. Pwede ba?
Kasi naman eh....

Nakakagago.

Hanep lang. Ang malinis kong bibig ay nabahiran na ng kawalangyaan. Hindi ko na alam kung paano ba ko na love at first sight sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakikita o nakakasama ko sya. Nabighani na yata ako masyado.

"Eh ikaw, may girlfriend ka na?"

Nabalik naman ako sa realidad ng magsalita sya. Umiling naman ako bilang sagot sa kanya.

"Hindi pa ko nagkakaroon ng girlfriend kahit isa."

"Wow, ikaw din?"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. So NBSB sya? Nakakahanga naman lalo.

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon