#6

34 3 0
                                    

Charlie's point of view

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kahapon. Ano yung nakita ko? Puro... Puro dugo yung classroom.

Kaya nung bumaba ako ay nagulat si mama. Siguradong maga ang mata ko sa eyebags.

"Anak, anong nangyari sa mata mo."

"Umm.. May napanaginipan po?"

Hindi ako sigurado sa sinabi ko kasi hindi naman talaga ko nanaginip eh. Tinap lang ni dady ang ulo ko tsaka ginulo ang buhok ko.

"Anak naman eh, sinabi ko sayo na wag kang nagpupuyat. Magdasal ka parati ha?"

Tumango nalang ako para sign na um- oo ako. Pagkatapos ay kinuha ko na yung bag ko at umalis na ko since I'm all set na.

Nung nakasakay na ako sa tricycle ay nag- isip isip ako. Eto na ba yung sinasabing sumpa? Pero sabi ni Nathan hindi naman totoo yung bagay na yun.

Nung nasa school na ako ay para bang bumabagal ang paglalakad ko pero bumubilis naman ang tibok ng puso ko. Kaba, takot, pagtataka, hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

Pero hindi ko inaasahan na mas masama pa pala ang makikita ko ngayong araw nato. Agad naman na nangatog ang tuhod ko.

"Put***! Bakit magkakasunod?!"

"Tangina! Punasan nyo nga yan!!!!"

"Takte!"

Bakit nakabigti na ang katawan ni Levi, Jessi, at Jeade?!
Nakahalumbitin sila at dilat pa ang mga mata. Nangingitim ang mga ulo nila at may mga malalalim na gurlit ang pulso nila. Ang mukha nila ay pasa pasa at parang binugbog pa.

Puno ng dugo ang mga damit nila at... At... Para bang.... Pinagsamantalahan pa sila... Merong nakasulat sa board at blood stains nanaman ang pinangsulat dito...

'Try to make a move, and you will be the next to die.'

Nathan's point of view

Sh*t. Hindi nya dapat ito makita. Kaya bago pa man syang himatayin sa nakita nya ay hinatak ko na sa palabas ng room. Mangiyak ngiyak sya at nanginginig sa takot.

"Nathan, natatakot ako..."

Niyakap ko nalang sya at saglit na tinignan. Umiiyak na pala sya. Sh*t. Bakit ba kailangan bang ganito? All I know is that puro threats lang talaga ang meron sa 1-C pero patayan?! Hindi pa nangyari to.

"Shhh.. Nandito lang ako, ha? Wag ka mag- alala... Poprotektahan kita, magkamatayan na.. Para sayo, lalabanan ko ang makakaharap ko..."

Candice's point of view

A-ano yun?! Akala ko threats lang talaga ang meron dahil yun lang ang dati.. Pero, ang patayin ang mga estudyante?! Hindi ko na alam!!!

Agad agad ng pinalabas kami kanina at nilinis na ng mga pulis ang mga nasa room kanina. Kinuha na rin ang bangkay ng tatlo at nung dumating ang mga magulang nila ay tila halos nakakabinging sigaw ang narinig namin.

Pagkatapos nun ay pinapasok na kami sa room at sinabi ng mga teachers na...

"Walang makakaalam ng bagay na ito. Alam na ng mga teachers sa iba't ibang school ito kaya wag nyo nang ikalat pa."

"Maam! Bakit po?!"

Pinanlisikan kami ng mata ng mga teachers na tila may sumaping demonyo sa kanila.

"Mamamatay na rin naman na kayo, para saan pa ba at malaman ng iba ang tungkol dito? Tanggapin nyo nalang na sa isang iglap, mamamatay na kayo."

At tuluyan ng umalis ang mga teachers at iniwanan kaming nagagalit sa ideya nila. Ano yun?! Hahayaan nila na mamatay kami?! Tsaka bakit hindi nila ito gawan ng mga paraan?!

"Mga hambog at duwag talaga ang mga demonyong teachers nayan, kahit kelan..."

Nagsalita si Jake. Tama naman eh. Bakit ang duduwag nila? Bakit balewala lang Sa kanina to? Hay.. Tahimik lang sa room nang biglang...

*blag!!!*

"Guys... Yung staff ng office na nagpunta dito dati..."

Naghihintay kami na magsalita si Jake, pero nakayuko lang si Lani na kasama ni Jake. Sya muna ay huminga ng malalim tsaka nagsalita.

"Nasa canteen kami kanina. Paakyat na sana kami ng may nakita kami. Bigla nalang may nalaglag sa kabilang building kanina. 5th floor ang pinanggalingan nito.. At nakita na namin ang... Ang... Basag na bungo ng staff na yun... Nakaposas ang mga kamay nya at may sugat na malaki ang leeg nya. Nadislocate ang mga binti nya. Puno ng dugo ang mga damit nya. In short, in... Short... Pinatay sya... Pero hindi namin alam kung sino."

4 sa isang araw?! Nagbibiro na ba talaga ang buhay at tadhana ngayon?! O sadyang lumalapit na samin ang kamatayan?!

The Magical Threat Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon